Chapter 27

74 8 0
                                    

Kirino's pov

Napangiti naman ako sa binalita sa akin ni Hilary naging ok naman din ang pag uusap nila ni Mitsuru at na meet na rin ni Milary ang daddy nya

(Kulang nalang Kirino, at ikaw yon. Anong balak mo ngayon?) tanong nya sa kabilang linya kaya nawala ang ngiti ako at napalitan ng lungkot

"Hindi ko pa alam sa ngayon" sagot ko sa kanya

(Dapat alam mo Kirino lalo na't malapit nang mag balik si Mimamisawa) saad nya, napakuyom ako ng kamao ko ng banggitin nya si Minamisawa ang taong dahilan kung bakit nawalay ako sa pamilya ko

"Hmm pupunta kami sa kabilang isla dahil may aasikasuhin kami doon" sambit ko sa kanya

(Edi mabuti para naman masabi mo na sa kanya diba? At para rin naman na makasama mo ang mga anak mo pati sya) pag lilinaw nya napangiti nalang ako ng tipid bago nag paalam sa kanya

*Tok
*Tok
*Tok

"Come in" sabi ko ng may kumatok

"Busy?" napatingin ako sa may pinto at nandoon sila Kinako

"Guys pasok kayo" masiglang sabi ko sa kanila

"Kamuzta work mo Kiri alam mo bang sobra talaga kaming nagulat nong nakita ka namin" di makapaniwalang saad ni Aoi

"Sorry guys ah kung ngayon ko lang kayo naalala sobra kasing naapektuhan ang ulo ko non kaya siguro di ko kayo naalala non pero sabi ng personal doctor ko wala namang naapektuhan sa utak ko sadyang malakas lang ang impak ng pag kakabangga ko noon kaya naalog ang utak ko" paliwanag ko sa kanila

"Hmm oo nga pero 3 years na di ka nag pakita alam mo bang kung gaano kami naulila sayo, sila Shinri at Shinru lalo na ang panganay mong si Shinru nag bago na sya di na sya yong dating Shinru na pasiyahin dahil simula nong mawala ka nag bago ang takbo ng mag ama. Si Shindou masakit rin ang nangyari noon panay sya inom noon at subsob sa trabaho pero never syang nawalan ng oras sa anak nyong dalawa dahil sila lang ang kalakasan ni Shindou para makabangon at mag patuloy sa buhay kahit na kulang sila ng isa at ang kanilang ina iyon" mahabang salaysay ni Okatsu, hindi ko alam pero naramdam ko nalang ang panunubig ng mata ko

"Bumalik ka na sa kanila Kirino para naman makasama ka na nila ulit" pakiusap ni Anna

"Hahanap muna ako ng tiyempo para makausap ng maayos si Shindou at para rin naman mapaliwanag ko sa kanya" sagot ko sa kanila tumango naman na sila

"Ma'am pasensya na po pero nag text po si mr. Minamisawa na papauwi na sya next week" biglang saad ng secretary ko napatayo naman ako dahil sa gulat at napatingin sa mga kaibigan ko na ngayon ay napapamura nalang

"Ganon ba sige salamat" tanging sambit ko tumango nalang sya bago umalis

"Sh*t hindi ito maari!!" inis na sambit ni Beta

"Siguro bukas kami makakapunta sa isla hayaan nyo gagawa ako ng paraan" sagot ko sa kanila

"Sige Kirino ikaw na ang bahala" sagot nya sa akin tumango nalang

Tinawagan ko si Shindou at sinabing kung pwede ay bukas na kami makakaalis sumang ayon naman sya sa akin

Shindou's pov

Pag katapos namin mag usap ni Kirino ay bumaba na ako dahil kakain na kami

"Dad tagal nyo naman po na bumaba gutom na ako" maktol ng anak kong babae napatawa nalang kami sa inakto nya na syang ikinanguso nya naman

My Wife Is Alive But She Have Amensia (Season 2 AMFKG)*Complete*Where stories live. Discover now