Chapter 11

5.8K 150 18
                                    

"Naku Kenjie, tumigil ka!"

Napairap naman ako kay Jelai.Nandito kami ngayon sa restaurant.Niyaya ko siya kumain.

"Ay masarap ang pagkain dito."

"Restaurant ito ng asawa ni Senator Walton."aniya ko sa kaniya.

"Hala! Ay bakit hindi mo agad sinabi!"

"Kailangan ko pa ba sabihin?"

"Oo putang-ina mo!"

Tsk.Napaka iskandalosa talaga!

"Kenjie, si Lance ba iyan?"tanong ni Jelai sa akin, at sabay turo sa kabilang mesa.

Sinundan ko naman ang daliri niya na  nakaturo.

Si Lance nga, ang sundalo na kaibigan din nila Belle.

"Grabe.Di ba may asawa at anak na ang hinayupak na iyon! Tapos may kabit pa! Walang hiya na sundalo na iyon!"

Napatingin naman ako sa babaeng kasama ni Lance.

Si Calla Fuentebella.Kapatid siya ng dalawang officer na sina Kurt at Roswell.

"Wait lang Kenjie! Ang bait ng kan'yang asawa tapos niloloko lang niya!"tatayo sana si Jelai hinila ko ito.

"Huwag! Kilala ko ang babae."ani ko kay Jelai.

Nagtataka itong nakatingin sa akin.

"Kilala mo?"

"Yeah."

"Sino siya! Alam niya ba na pamilyado na si Papa Lance, ang bait kaya ng asawa!"

"Calla Fuentebella.Anak ni General Fuentebella.Sugurin mo na."nakangising saad ko sa kan'ya.

Bigla lang ako sinapok ni Jelai.

"Fuck! Bakit ba ang hilig mo manapak!"inis na saad ko

"Bakit hindi mo agad sinabi na anak pala iyan ni General Fuentebella na side kick ni President Lee at Vice President Kingston! Ay ang gago mo talagang German ka! Muntik na ako mapahamak, buti pinigilan mo akong sugurin ang kabit ni Lance."

Napapailing na lang ako.Ang ingay talaga ng bunganga ng babaeng ito.

"Grabe, naturingang maimpluwensya ang pamilya pero nakipagrelasyon sa pamilyadong lalaki."aniya ni Jelai.

Ayoko magsalita.Ayoko i-judge si Calla.Kilalang magaling na Surgeon Doctor ito.At itinuring ko ito na kapatid na babae dahil matalik na kaibigan ko si Roswell.

"Hoy bakit nakatulala ka? Tumigil ka na Kenjie ha! Masaya na si Belle at Gab, kaya huwag mo na guluhin sila."

"Wala naman akong sinabi na guluhin sila."irap na saad ko rito.

"Ay magaling naman! Ang asawa mo muna ang asikasuhin mo!"

Tumayo na ako.

"Saan ka?"

"Uuwi na."tamad na sagot ko sa kaniya.

"Walang hiya kang German ka! Iiwan mo ako dito, pagkatapos na samahan kita!"

Nakangisi lang ako at tumalikod na.

Sumakay na ako sa aking kotse at umuwi na sa bahay.

"Sir Crimson nasa taas po si Ma'am Mia."

"Si Mia!"

"Yes Sir."

Patakbo akong umakyat sa silid namin.

Naabutan ko ang aking asawa na naglalagay ng mga damit sa maleta.

"Baby?"

Nagulat pa ito nang nagsalita ako.

RETIRED FUCKBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon