Chapter 21

6.3K 177 13
                                    

"Muntik ka na mapaanak Mia, iwasan mo ang sobrang stressed." aniya sa akin ni Kuya Terrence.

"Gusto ko siya makita." Umiiyak na saad ko.

"Pinagbabawal ka na bumiyahe." mahinahong saad ni Kuya Terrence.

Sabi ko hihintayin niya ako bumalik, pero bumigay na ang katawan ni Daddy.

Dahil maraming sakit itong dumapo sa kan'yang katawan, hindi na niya ito nakayanan.

Bumalik sa Germany sila Kuya, at si Kuya Terrence at ako ang nandito sa Pilipinas.

"Dadalhin dito ang abo ni Daddy." mahinang saad ni Kuya.

Napahawak naman ako sa aking tiyan. Dinugo ako dahil sa sobrang pagod at stressed.

"H-hindi niya makikita ang twins ko." mahinang saad ko habang umiiyak.

"Don't worry, alam kong nasa tabi lang si Daddy to guide us. Lalo ka na, nakabantay si Daddy sa iyo."

Niyakap naman ako ni Kuya Terrence.

"K-kuya si Kenjie?"

"Wala pa rin siyang malay, bukas ang schedule niya sa operasyon niya."

Kailangan na daw tanggalin ang blood clot sa ulo ni Kenjie or else puputok ito at puwede niya itong ikakamatay.

"Please baby. Isipin mo muna ang sarili mo, may dalawang buhay nasa loob ng sinapupunan mo." nag-aalalang saad ni Kuya Terrence.

Humihikbi naman akong napatango.

"Dito ka muna, pupuntahan ko lang ang Doctor mo."

Pagkaalis ni Kuya, dahan-dahan akong bumaba sa kama.Binitbit ko ang aking dextrose at pumunta sa ICU.

Nadatnan ko si Kaleb na nakatulala ito.

Nang naramdaman nito ang presensya ko, lumingon ito sa akin.

Malungkot itong nakatingin sa akin.

"How are you?" mahinang tanong nito sa akin.Tumayo ito at inalalayan ako paupo sa tabi ni Kenjie.

"I-I'm okay." aniya ko sa kan'ya.

"Bukas ooperahan na siya, pupunta na rin dito ang parents namin." saad ni Kaleb.

Napatingin ako sa kamay ni Kaleb na hinaplos nito ang aking tiyan.

"Ingatan mo ito Tam, diyan lang kukuha ng lakas si Crimson."

Kinagat ko ang aking labi para pigilang umiyak.

"Alam mo ba na pupuntahan ka na niya sa Britain nang araw na aksidente siya? Gusto ka niya bawiin sa mga putang-ina mong mga kapatid. Pero ayaw talaga nila ikaw ibigay, kung tutuusin mas may karapatan si Crimson, dahil kasal pa rin kayo. Tam, mahal ka ng kapatid namin, baka nalilito pa siya that time noong umalis ka, pero noong nasa Britain siya, wala siya naging babae."

Hinawakan ko ang ang isang kamay ni Kenjie.

Maraming pasa ito, lalo na ang kan'yang mukha.Ang katawan naman nito ay puro galos.

Pinahiran ko ang aking mukha dahil hindi ko namalayan na umiiyak na naman ako.

"Stop crying, baka duguin ka na naman." aniya sa akin ni Kaleb na hinahaplos ang aking likod. "Condolence pala Tam."

Humarap ako kay Kaleb. Nakaupo din ito sa aking tabi.

"N-natatakot ako. Natatakot ako baka bumigay ang katawan niya." mahinang saad ko rito.

"Kakayanin niya, dahil naghihintay ang kan'yang mag-ina." Nakangiting saad ni Kaleb sa akin.

Hindi ko iniwan si Kenjie kahit bawal ako sa ICU.

RETIRED FUCKBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon