TPS 9: questions

53K 1.2K 46
                                    

TPS 9:

#factfromlastchapter:

fav ko yung i' am little teapot/ so si Ren pa rin talag ang gusto nyo,

#unedited

.................................................................

“You look pale,” pansin ni Ren sa kapatid habang naglalakad sila pabalik sa function hall, after he introduced her to his friends ay umalis naman ito, gusto lang din naman niyang ipakilala si Ran sa mga kaibigan niya para kapag pumasok na siya sa school ito rin ang magiging mga kaibigan niya.

On top of that, iba din ang pakiramdam ni Ren kay Dexter, kanina pa kasi ito nakatitig sa kanyang kapatid, habang nagsasayaw ito kanina, napansin niyang masinsinan ang pag-uusap ng mga ito. May nakita pa siyang inaabot sa kanyang kapatid. Gusto niyang malaman kung ano iyon at kung bakit.

 

“Gusto mong umuwi na?” he suggest

“Ha?” napansin ni Ren na bukod sa suot nitong kwintas kanina may isa pang nakasabit doon na ang pendant ay hinahawakan ni Ran. Ganoon ba yun kaimportante? Mukhang may dapat silang pag-usapan ni Dexter, hindi niya ito palalampasin kahit pa kaibigan niya ito

“Yeah, I wanna go home,” hindi na rin nagtry magtanong si Ren. He knew that her sister will get annoyed.

………………………………………………………….

“What?” kanina pa nakatitig ang tatlo kay Yuan na mukhang tanga lang na nakangiti habang tinititigan ang shot glass nito. Wala namang amusing doon, ang isip nito at nandoon pa rin sa debut na natapos na an hour ago. Tambay sila ngayon sa bar na pag-aari ng kuya ni Jackson.

“Wala ka talagang napiling ibang kanta talagang yung nursery rhyme na “I am a little teapot? Akala ko pa naman pinaghandaan mo?” panunukso ni Bono, nakatago silang tatlo kanina, matiyagang nakamatyag sa kung sino man ang dumating, dahil hindi nga naisayaw ni Yuan si Ran sa mismong party kahit man daw sa labas, basta hindi matatapos ang araw na ito. Muntikan na nilang kidnapin sandali si Ran, buti na lang hindi na humantong sa punto na gagamit sila ng dahas ,ito na mismo ang lumabas. Muntikan na silang maihi sa katatawa ng marinig ang choice of song ni Yuan, sino nga kasi ang hindi alam ang kanta nay un? Kung araw araw mo itong kakantahin sa school noong bata ka pa. Na-touch naman sila ng marinig ang dahilan nila. Romantiko talaga ang baliw na stalker nilang kaibigan, pero hindi nila palalampasin iyon para hindi ito maasar. After all doon lang naman sila babawi sa mga pabor na ginagawa nila para dito. Hindi naman mahal ang bayad, ang makita lang nila itong umuusok ang ilong sa inis ay sapat na.

“Bakit hindi nyo baa lam ang kanta na yun? I’m a little tea pot, “ ang-umpisa na itong mag hum, mukhang talo sila dahil meron pa itong I am a little tea pot syndrome.

“I’ve heard na mag-aaral din siya sa university namin,” well trusted ang source ni Topher, kaya naman nag marinig ito malapad na ngumiti si Yuan.

“wag mong angkinin na inyo lang…dahil doon na rin ako papasok, and my college life will be exciting as I can imagine,” Yuan offer for a toast, sa isipin na makikita niya na si Ran sa araw araw ay nagdadala ng kakaibang kilig at pag-asa sa kanya. He is lucky dahil ang lahat ay umaayon sa kanyang plano. Ang kailangan niya lang gawin ay hilahin si  Ran pabagsak sa lugar kung saan naman siya matagal ng nahulog.

 He will make everything for her to like him and love him eventually. Kahit pa ilagay niya ito sa pedestal. Wala siyang pakialam sa ugali nito at kung ano pa ang ipakita nito sa kanya, not even her twin Ren, hindi siya natatakot dito, he can tell tha he has his own issues, at sasamantalahin niya yun para mapalapit kay Ran. Ang nakikita niya lang na harang sa kanyang daan ay ang nakasayaw ni Ran, yung asungot na kaibigan ni Ren na mukhaang bampira sa sobrang puti.  He looks at Ran the way he looks at her, mas intense nga lang sa kanya.

The Princess's  Stalker (completed)Where stories live. Discover now