TPS 17: panyo

41.1K 1.2K 59
                                    

#unedited...inilalagay kapag siguradong may mali sa verb,grammar,pronoun etc..#unedited inilalagay kapag tinatamad magbackread ang author...isa pang #unedited inilalagay kasi inaantok na ako dahil may pasok pa ako bukas.

#UNEDITED

,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,

TPS 17:

Sumunod naman ang doctor na napapailing, pilit na itinatago ang ngiti sa kanyang labi. She was oriented sa attitude ng babaeng kaharap, kaya naman hindi na siya nagulat. Hindi rin kasi biro ang magkaroon ng sakit ng katulad nito, according to her medical history, may sakit din ito dati sa puso at naoperahan pa sa America. Sinabi din ng ama nito na personal siyang kinausap na minsan ng nakidnap ito noong bata. Kaya naman overprotective ang pamilya dito, hindi niya sila masisisi after all she deserve to be protected.

Nakaupo pa rin si Ran sa hospital bed, tatanungin na sana niya si Yuan ng mag ring ang phone nito. hindi man lang ito nag-abala na lumabas, doon na mismo nito sinagot ang tawag sa kanyang harap, habang titig na titig sa kanya, akala mo, mawawala siya sa paningin nito, gayung ito naman ang gusto niyang nawala sa kanyang harapan.

"I'm here at the clinic, dinala si Ran dito, may sakit..." huminto ito, ara pakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya. "First week pa lang naman, okey lang mag absent saka aalagaan ko ang baby ko," kumindat pa ito sa kanya, ibig niyang masuka sa tawag nito. Nagmamadaling tinapos nito ang usapan.

"And who told you that you can call me babe?" nanggigil na tanong niya dito. Kumuha ito ng bangko at umupo sa kanyang tapat.

"ako lang, bakit ayaw mo ba ng babe? Ano palang gusto mo?"

"Seriously? Ayoko ng ano, and please umalis ka na?" utos niya dito, imbes na mapikon ay ngumiti pa ito ng lalo,

"Uy, improving , nag-peplease na siya, dati halos hindi ka nagsasalita, lagi ka lang nakairap, kahit ngayon, pero mas mahusay kang umirap noong bata tayo, buti nga hindi ka naduling sa kaiirap, pero okey lang maganda ka pa rin naman eh, kahit maduling ka,"

"Pwede ko bang tahiin ang bibig mo?" si suggest, wala ito pinagkaibsa sa kanyang kakambal.

"Tahiin?" kumislap ang mga mata ni Yuan sa narinig, may iba kasi siyang naiisip kapag nababanggit ang bibig. "Bakit hindi mo na lang I seal ang bibig ko, gamit ang sa'yo? Mas type ko yun!" napahawak sa kanyang sentido si Ran, sumasakit ang ulo niya sa kabaliwan ng lalaking kaharap.

"one more word and I will make you taste blood." Banta niya dito, umayos naman ito ng upo.

"Sabi ko nga, hindi ko dapat sabihin yun, tatahimik na ako." Sabi nito, pero ang tinatawag pa la nitong pananahimik ay pagtitig sa kanya na para siyang tutunawin ng mga mata nito ay mas malala pa pala kaysa pagiging madaldal nito.

Kinuha niya ang unan at binato sa mukha nito. Ganito ang ginagawa niya kapag naiinis siya kay Ren.

"Bakit ka nangbabato? Nakatahimik naman ako ah?" reklamo nito saka binalika ng unan sa kanyang tabi.

"You're creepy." Hindi makaisip si Ran ng paraan para maitaboy ito, kung bakit kasi wala si Ali kung kailan kailangan niya ito, but then, nakalimutan niya may klase nga pala ito. "Leave." Matigas na utos niya. Kung hindi ito aalis, siya na lang ang aalis.

"Ayoko,"lumamlam ang mga mata nito, habang nakatingin sa kanya," aalagaan nga kita kasi, nag-alala ako talaga noong nalaman ko na nandito ka, ano bang nangayari? May masakit ba sayo?" pilit niyang iniwas ang mga mata dito. She can't stand looking at him all of a sudden. Nakakainis, kung bakit nakakaramdam siya ng ganitong bagay.

He's just someone who love to tease her.

"I am not your responsibility." She gathered her strength to look at him, pero wrong move pala.

"Dyan ka nagkakamali" hinawakan nito ang kanyang mga kamay. Sa di malamang dahilan, hindi niya iyon maiiwas at makuha pabalik. Kailan pa siya naging ganito?

"noong crush pa lang kita, naramdaman ko na na responsibility kita, ngayon pa kaya na mahal na mahal na kita?" nilulunod siya ng mga mata nito, muntikan na siyang madala , buti na lang ay may narinig silang umubo. Sabay silang napalingon ni Yuan, nakalimutan nila ang abbaeng doctor na nandoon pala. Nakangiti ito sa kanilang dalawa.

"Go on, isipin nyo na lang wala ako," tulak pa nito sa kanila. Kunwari abala ito sa pagtingin sa mga documents.

Binawi niya ang kamay kay Yuan, " nababaliw ka na, hindi ka na nahiya sa ibang tao na nakakita sa kabaliwan mo." Sabi ni Ran, tumayo si Yuan at lumapit sa doctor.

"Good morning po , Doc. , ako po si Yuan at yung masungit po na babae nay un ay mahal na mahal ko," turo nito sa kanya, mukhang enjoy na enjoy naman ang doctora,samantalang siya, gusto niyang ibaon ng buhay si Yuan. Bumaling na si Yuan sa kanya,"Oh, paano yan Sweetheart, kilala na tayo parehas ni doctora, kaya pwede na tayong maglambingan kahit nandito siya? Suhestyon nito na umani ng isang unan na tumama mismo sa mukha nito. Wala pa rin talaga siyang kupas.

"Aray naman." Sapo ni Yuan ang ilong, salubong pa rin ang kilay ni Ran, paulit-ulit talaga itong makakatikim kapag hindi ito tumino sa kanya.

"Hey are you okay? Namamaga ang ilong mo." Lumapit ang doctora para inspeksyunin ang mukha , lalo na ang ilong ng kawawang si Yuan. Tinignan niya si Ran na mukhang inis pa rin. Bumaba ito sa bed, dinampot ang gamit at padabog na umalis.

"Ran!" tawag ni Yuan , susundan niya na sana ito pero pinigilan ng doctor.

"Tignan ko pa ang ilong mo," siya rin kasi ay nagulat, namumula pa iyon. Napakalakas kasi ng pagkakabato, kawawa ang lalaki na ito kung sakaling makatuluyan ang babaeng pasyente. Hatalang bayolente ito, at mahirap na pakibagayan ng ugali, taliwas sa maganda nitong mukha.

"Hindi na po, okey lang , sundan ko nap o siya, mainitin po talaga ulo noon, mas gusto ko na ang ganito kaysa hindi niya ako pansinin, sige po salamat." Nagtatakbo ito at hindi na nagpapigil pa. Nakaramdam siya ng pagkainggit. Hindi niya sukat akalain na may mga lalaki pa pala na ganito, magkakandarapa at martir para sa isang babae. Considering na napakagwapo nito ay tiyak na marami din na babaeng humahabol.

.................

Ran ignor him calling her name. She hates his playfulness, sobrang naasar siya nito. she hate everything about him, lalo na yung pagpaparamdam nito ng mga bagay na hindi niya mapangalan.

Kahit anong bilis ng kaniyang lakad, mukhang mas mabilis ito, sandali pa nasa harapan niya na ito, nakayuko siya sa sobrang pagkaasar.

"Hey look at me, wag ka ng magalit, sorry na, nag worry lang kasi ako," mahinahon na at maamo ang boses nito. Hindi gaya kanina na puno ng kalokohan.

Iniangat niya ang kanyang mga mata at ganoon na lamang ang kanyang pamumutla. Kinapa niya ang kanyang bulsa para kuhanin ang kanyang panyo, agad niyang tinawid ang kanialng distansya. Inilapat niya ang kanyang panyo sa ilong nito.

"Oh god" she whisper. Napatulala naman ito sa kanyang ginawa, nanlaki ang mata habang nakatingin sa kanya. Hinawakan ni Yuan ang malambot na kamay nito na nasa tapat ng kanyang ilong, ibinaba nila iyon, napakalapit nila sa isat-isa, abot na abot niya na ito. Parehas silang napatingin sa pulang mansta na nasa kanyang panyo. Doon niya lang narealize na dumudugo pala ang kanyang ilong.

"Im sorry." Hindi niya ineexpect ang pagsosorry nito, pero parang musika iyon sa kanyang pandinig, lalo na ang ginawa nito. she showed him that she cares, nakakatuwa. Bigo ang mga mata nito, wala itong dapat ika-sorry, naging pabor pa nga sa kanya ang pangyayari, napangiti siya sa naiisip. Hinawakan niya ang muka nito at inaangat yun. He touched her cheeks, sana lang matagal siyang payagan. Ngumiti siya dito, hindi niya man naramdaman na tumutulo ang dugo sa ilong niya kanina, mas gusto niyang malaman kung bakit ito napunta sa clinic, sa anong dahilan? Gustong gusto niyang malama ang lahat ng tungkol kay Ran.

"Forgiven, kahit hindi ka pa gumagawa ng kasalanan sa akin, pinapatawad na kita."

The Princess's  Stalker (completed)Where stories live. Discover now