TPS 46: si Bryan

41.3K 1.1K 83
                                    

date uploaded : 5/29/2015

#unedited

***

TPS 46:

"Mommy, do- do you think they will like me?" nag-aalangan na tanong ni Ran sa kanyang mommy habang sinusuklay nito ang kanyang buhok. Bonding moment nila ngayon kaya walang sinuman ang pwedeng mang abala, minsan lamang sa isang buwan na magtatabi sila na matulog,mag-uusap ng kung anu-ano, magbabasa ng mga libro and other stuff.

Ito ang bumabagabag sa kanya ilang araw na, bukas kasi, ipapakilala siya ni Yuan sa pamilya nito, birthday pa ng daddy nito kaya tiyak na marami ang nandoon. Hindi niya talaga mapigilan na hindi kabahan. It's his family for Pete sake.

"Do you think they will like me?" humarap siya sa kanyang mommy, parehas silang naka Indian sit sa kaniyang kama, hinawakan ni Clem ang nag-aalalang mukha ng anak.

"Of course they will, " she assure.

"You only said that because I am your daughter, I am not nice like the other girls," iniiwas nito ang tingin, kinakabahan sya sa magiging first impression ng pamilya ni Yuan sa kanya bukas. First impression last they said. Paano na lamang siya na likas na hindi mabait? Sira na ang first impression na 'yan. Hindi nya kayang magpanggap na mabait o maging isang anghel, kusang tumataas at umaarko ang kanyang kilay, hindi rin na ka on ang kanyang mga labi sa palagiang pagngiti.

"Hey calm down," muling pinaharap ni Clem ang mukha ng anak. Gusto niyang ipaintindi dito na hindi nito kailangang magpanggap ng kung ano o sino para maplease ang mga tao sa paligid. Mas maganda pa rin na kung sino talaga ito. Ran is not bad unlike what she think she is. Hindi lang talaga sanay na magplease ng ibang tao, she will blame her husband for that. Iba kasi ang tinatak nito sa kanilang mga anak.

"Paano kung bukas atakihin ako bigla ng sakit ko?" iyon ang isa pa sa kaniyang inaalala, magtataka ang lahat kung bigla na lamang siyang aantukin, at kahit kaya ni Yuan na magsinungaling para sa kanya, ayaw naman niya na dumating ang punto na magsinungaling ito sa pamilya nito. Then what if they dislike her if they discover her illness? Baka isipin ng mga ito na magiging pabigat lamang siya sa hinaharap kay Yuan.

"Don't think too much, hindi ka pababayaan ni Yuan" patuloy na hinahaplos ni Clem ang buhok ng anak, humiga si Ran sa kanyang lap. Malaki na talaga ang kanyang anak , heto nga at namomroblema na sa pagharap sa magulang ng nobyo. Matagal na panahon niya ng nakita si Mr. and Mrs. Uytingco,mababait naman ang mga ito, pero hindi halos matagal ang mga nagiging pag-uusap nila noon gawa ng abala siya sa mga trabaho para buhayin ang kaniyang mga anak. Small conversation lamang ang namagitan sa kanilan ni Mrs. Uytingco, pero naka ungkit pa rin sa kaniyang isipan ang paghanga nito sa pagtataguyod niya sa kanyang kambal bilang single parent.

Nakatulog ito sa kanyang mga binti, inayos niya ito ng higa at tinabihan, kaharap niya ang maganda nitong mukha. Laking pasasalamat niya talaga at hindi ito napano noon, buti at nabawi nila si Ran sa mga kidnapper, kung hindi...hindi niya alam kung ano ang mangayayari sa kanya kung sakaling nawala ito. Habambuhay niya sigurong sisisihin ang sarili. Malalim na ang paghinga nito, hinalikan niya ito sa noo ng makarinig ng marahan na katok sa pinto.

Napapangiti na lamang syang napapailing.

Maingat siyang bumaba at nagtungo sa pinto. Sinalubong siya ng nakangusong mukha ng asawa.

"Tulog na ba?" gusto niya sanang magsinungaling kaya lamang, madali naman siyang mahuhuli nito kaya hindi na lamang. Alam na nito ang bawat galaw niya , kung kailan siya nagsisinungaling o kung kailan may inililihim, pero si Jett, hindi niya magawang basahin. Basta ang alam niya lang, araw araw, pinaparamdaman nito kung gaano siya nito kamahal at kung gaano kahalaga sila na pamilya nila dito. Kayang kaya nitong iwan ang trabaho para sa kanila, umattend ng mga importanteng event ng mga anak sa kabila ng mga mahahalagang meetings nito. Bago daw kasi nito tinanggap ang trabaho mula sa lolo nito, nangako muna daw ito na magiging mabuting asawa at anak.

The Princess's  Stalker (completed)Where stories live. Discover now