Fifty Two

248 39 5
                                    

Aiden's POV.

Nagpaalam ako kila Daddy Gabb at Mommy Coleen kung pwede kong bisitahin si Tito Abby at pumayag naman sila tutal may nagbabantay naman kila Celestine.

I called Tito Ecka para sana sunduin ako kaso sabi niya na sa out of town meetings daw siya kaya sabi ni Daddy siya nalang maghahatid sa akin.

Paalis na kami ng bigla akong hinabol ni Tita Sela dito kasi muna siya tumira since nong nag away sila ng malala ni Tito.

"Aiden?" Tawag niya sa akin "Po?" Sagot ko naman at ngumiti sakanya

Inabot niya sa akin ang kapirasong papel na naka envelop pero hindi ko na sinilip ito.

"Ano po yan Tita?" Tanong ko sakanya pero blangko pa din ang mukha niya halatang galing sa iyak ay ang mga mata niya lubog na lubog na sa maga.

"Pakiabot kay Tito Abby mo ha, Wag mo na basahin kung ano man yan basta bigay mo nalang ha mag iingat kayo" Tita Sela said and I just nodded.














"Are you sure kaya mong mag-isa don? I mean bak--"

"Dad Mabait si Tito Abby, Nasasaktan lang din siya kaya ganon siya" Pagputol ko sa sasabihin ni Dad.

"Big boy ka na talaga anak" Puri niya sa akin at ginugulo gulo pa ang buhok ko.

"No Dad ayaw ko pa pong maging big boy gusto ko pa pong maging baby niyo ni Mommy" Pagpapacute ko sakanya.

"Sus hindi ka na Baby mag 16 Years old ka na next year oh andito na tayo oh" Sabi ni Dad at hininto ang kotse

"Are you sure ha? hindi na kita maihahatid sa loob" Sabi niya habang bumababa ako ng kotse.

"No dad it's okay go na po malalate ka na" Sagot ko sakanya kaya tumango naman siya at umalis na.



Binuksan ko na ang gate para makapasok ako, pagpasok ko naman ay nagulat ako na puro basag na bote at mga tuyong dahon ang nakakalat sa sahig pati ang kotse ni Tito Abby basag din kaya dali dali akong naglakad para makapasok na sa bahay.

Pinipihit ko ang doorknob pero hindi ko  mabuksan kaya naalala kong binigyan ako ni Daddy ng susi, sobrang kinakabahan na ako halos malukot na yung dalang envelope ko sa sobrang kaba ko.

"Tito Abby?!! si Aiden po ito!" Sigaw ko habang hinahanap ang susi sa bag ko.

ilulusot ko na sana yung susi ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang duguang mukha ni Tito Abby.

"Aiden? Anong ginagawa mo di--"

Hindi ko na siya pinatapos at yinakap ko siya agad ng mahigpit.

"Aiden? bitaw na anak ang sakit ng mga sugat ni Tito eh" Malambing niyang sabi sa akin kaya kumawala na ako at pinunasan ang luha ko.

"Tito w-what happened?" Utal ko pang tanong sakanya pero tumalikod lang siya at naglakad papuntang sala kaya sinundan ko siya.

"Buti ka pa dinalaw mo ako kumusta ka nak?" Pag iiba niya ng tanong.

"Okay lang po ako ikaw po ba?" Tanong ko sakanya at nilapag ang pagkain na dala ko.

"Ang laki mo na siguro kung nabubuhay si Liam Best tandem kayo" Sabi niya at halatang iiyak na naman siya.

"Tito enough! Liam is dead He's not coming back! at lalong hindi siya matatahimik kung nagkakaganyan kayo!"

"This!" Sigaw ko at nilapag ang envelope na hawak ko kaya tinignan niya ito.

"That paper inside! alam kong annulment paper yan" Sabi ko kaya nilabas niya ito sa envelope.

"Galing kay Sela... She's totally tired.."

"Hanggang kailan Tito? hanggang kailan niyo papagurin ang sarili niyo?" Tanong ko sakanya.

"Aiden.. Madaming pagod na hindi na kaya ng pahinga na kahit ayusin mo pa o simulan niyo pa mananatili na at tatatak na sa katawan mo yon"

"Na kahit in the first place ay tinawag niyong pahinga ang isa't isa? Na kahit mahal niyo pa ang isa't isa Tito?"

"Mm, Hindi masusuklian ng pagmamahal ang nawalang tiwala Aiden I love Her so much but ako din naman ang sumira sakanya ako ang unang bumuo ng istorya namin pero ako din ang unang sumira neto" Sagot niya at kumuha ng ballpen.

Nagulat naman ako ng biglang pirmahan ni Tito ang papel kaya napabagsak nalang ang luha ko sa harapan niya.

Kasabay ng mga tintang dumadaloy sa papel ay kusa namang bumagsak ang mga butil ng luha galing sa mga mata ni Tito Abby.

Nakangiting nasasaktan ang Uncle ko sa lahat ng mga nangyare.


Goshh Liam ang hirap ng iniwan mong pagsubok sa akin....


"Umuwi ka na anak, Ibigay mo sakanya yan" Sabi niya sabay abot sa akin ng papel.

"Tell Her how much I love her, Hinding hindi siya mapapantayan ng kahit sino"

"Bakit hindi mo ipaglaban, Bakit hindi mo puntahan at gawin ang lahat para mapatawad ka niya!!" Sigaw ko habang paakyat siya sa hagdan.


"H'wag kang sumigaw Aiden, Nasasaktan ako pero ayoko na siyang masaktan ulit, Mag iingat ka And please...."

"What?"


"Wag na kayong bumalik pa" tanging sagot niya napatameme naman ako sa sinabi niya at halos ingay lang ng mga dahon sa labas at ang tunog ng orasan ang maririnig.

Lumabas na ako ng bahay dala-dala ang papel na pinirmahan niya.

Dinial ko naman agad ang number ni Tito Lara para magpasundo sakanya at agad naman itong sumagot.

After A couple of minutes ay dumating na si Tito Lara kasama si Tita Brei.


"Kumusta siya?" Tanong ni Tito Lara sa akin kaya yumuko nalang ako at inabot ang papel sakanila.



Hindi ko na sila narinig sumagot tila ba nagulat din sa nakita nila.

Pinaandar nalang ni Tito Lara ang sasakyan kaya sumilip naman ako sa bintana at nahagilap ko si Tito Abby na nakangiting kumaway sa akin bago niya isara ang bintana niya ng malakas.






Kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko.















Tito Abby.... Wag.

The Four Plokhiye ParniWhere stories live. Discover now