Fifty Five

378 42 6
                                    

"Tangina bakit hindi man lang nila pinakita satin yung katawan ni Kuya abby!" Sigaw ni Gabb at sinuntok pa ang pader.

"Gabb calm down please.. Baka nataranta na din sila" Sagot ni Coleen habang tumingin pa sa mga kasama niya.

"Asan si Marsela?" Tanong ni Brei.

"In Her Room tita" Matipid na sagot ni Aiden habang masamang nakatitig kay ecka.

"Ella samahan mo ako" Utos ni Brei kaya sumama naman si Ella sakanya

"Ang akin lang naman bakit hindi nila tayo hinayaan makita muna katawan ni Kuya abby diba! anong klaseng ospital yon! Kuya Ecka! bakit nagddesisyon si dad mo ng ganon!" Sigaw ni Gabb kay Ecka.

"Gabb! ano lahat ng tao dito sisigawan mo?! mag hunos dili ka naman!" Sagot ni Coleen sakanya pero hindi siya pinansin ni Gabb at umalis lang si Gabb habang masama ding nakatitig kay Ecka.

"Ecka? are you okay?" Tanong ni Lara sakanya pero tumango lang siya at biglang tumayo.

"S-sorry sa labas muna ako" paalam ni Ecka kaya sinundan naman siya agad ni Aiden.

Aiden's POV.

Dahan dahan kong sinundan si Tito ecka actually kanina pa ksi siya tahimik galing sa pinuntahan niya kaya nagtataka lang ako.

"baliw ka talaga Abby dami ko pang iisipin dadagdag ka pa" bulong niya pero narinig ko yon kaya mas lalo akong nagtaka.

"Hindi naman talaga siya namatay diba?" Tanong ko sakanya kaya napatingin siya sakin na may halong gulat.

"A-aiden a-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin pero umiling lang ako

"Tito this is our house malamang andito talga ako" Sagot ko Sakanya at lumapit pa sakanya.

"Asan si tito abby?" Masungit na tanong ko.

"Aiden.. ano bang pinagsasabi mo? naka cr--"

"Eyes Don't lie Tito wag ka sakin magsinungaling wag sa anak ng isang Gabrielle Padilla ka magsinungaling" I don't care kung mas matanda siya sakin gusto ko lang siya mahuli.

"Aisshh fine I'll tell you na" Sabi niya at umupo na agad sa maliit na kubo sa garden namin.




Ecka's POV.

bwisit kasi na abby 'to alam namn nyang may lahing embistigador mga kapamilya niya lalo na tong anak ni Gabb na manang mana sakanya tss.

"Speak Tito" Masungit na saad niya kaya napahinga nalang akong malalim.

"Aiden promise me na walang makakaalam neto hmm?" Paninigurado ko sakanya kaya tumango naman siya at nagtaas pa ng kamay.

"okay" Sagot ko.

Flashback.

"Teka Sir hindi naman ata ospital to ah" Sabi ko sa officer pero tumawa lang siya aba siraulo ata to eh

"Mr.Ecka sa tingin mo bakit tayo andito" Tanong niya luhh bobo ba siya.

"Sir kayo ho nagdala sakin dito bakit ako tinatanong niyo? di ko nga alam kung saan 'to eh" Sagot ko pero umiling lang siya at naglakad ulit syempre sumunod nalang din ako.

"Saan ba kasi 'to?? ang layo na neto sa manila..teka sa ano to ah" Sabi ko sabay libot ng paningin ko.

"Dito tayo pag summer vacation diba?" Biglang sulpot sa likod ko kaya tinignan ko ito.

Tangina.

Abby..

"Abby!!" Sigaw ko at tumakbo sakanya para yumakap.

"Gago ka Abby pinagalala mo kami! Tanginamo talaga!" Sigaw ko sakanya.

"Aray ecka! sakit ah" Sabi niya sabay irap.

"Abby! tara uwi na tayo nag aalala na sila tara" Akmang hihilahin ko na siya nang pigilan niya ako

"Ecka.." Tawag niya sakin.


"Hindi na ako babalik" Sabi niya sakin kaya nabura naman agad ang mga ngiti ko sa labi.

"H-huh?"

"Isa ka sa pinagkakatiwalaan ko dahil ganon din naman ang nawala kong anak, Kaya malaki ang tiwala kong... Hindi mo sasabihin sakanila" Nakangiting sagot niya.

"Abby! ano bang sinasabi mo? uuwi tayo inaantay ka nila, Abby naman!" Sigaw ko pero pinigilan niya lang ako.

"Ecka... Pretend that you don't saw me please." Pagmamakaawa niya.

"Gago ka ba? Si Aiden si Sela inaantay ka"

"Sela deserves everything kaya ang ibig sabihin non may dadating pang para sakanya mas magandang patay na ako sa isipan niya Ecka.

"Paano kung ang everything na yon ay ikaw lang Abby? paano" Tanong ko sakanya.

"kung ang everything na yon ay ako, Ako nalang ang magpuputol ng sarili naming tadhana"

"Abby... isn't unfair na kaya ka niyang ipaglaban tapos ikw.. "

"Unfair kung sa relasyon namin laging siya yung umiintindi diba? Disenteng babae si Sela ayokong maaksaya ang oras niya sa isang katulad ko Ecka" Sagot niya at binitawan niya ang kamay ko.

"Abby naman"

"You need to go ecka, Salamat sa pagintindi alagaan mo mga pamangkin ko lalo na si Sela" Sagot niya at pinatalikod pa ako sabay tulak.

Naglakad ako ng diresto at hindi man lang siya tinapunan ng lingon hindi ko maintindihan si Abby pero ang nararamdaman ko Ngayon ay nasasaktan ako para sa kaibigan ko, eto na ba yung sinasabi nilang paguubaya kahit wala namang dapat ikapaubaya


End of the flashback.

"Bakit hindi mo siya pinilit Tito?! bakit?" Sigaw ni Aiden sakin.

"Aiden ayoko mas lalo lang masadaktan ang tito Abby mo pag pinilit ko siya" Sagot ko pero umiling lang siya.

"You're this for the second time Tito, wala ka bang kwenta?" Sabi niya kaya napalaki ang mata ko.

"Aiden! mas nakakatanda padin ako sayo!" Sagot ko.

"No! you're an idiot Tito! walang alam kundi kumunsinti!" Sigaw niya at biglang tumakbo paloob ng bahay.

"Aiden!" Sigaw ko.

Ano ang gagawin ko ngayon? Malamang galit si Aiden sakin tangina kasi ni Abby eh daming pakulo





__________________
Omg! sorry late mga labs hahshahaha kakauwi ko lang eh labyuuu goodnight!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Four Plokhiye ParniWhere stories live. Discover now