Prologue: Welcome to Wildside

136 108 6
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ayoko ngang sumama, ano ba'ng mahirap intindihin 'don?!


Wala akong maisip na ibang adjective para idescribe kung gaano ko gustong sabihin at isigaw 'yan sa mukha ni Mama.


"Sige po, mag-iimpake na po ako." ani ko nalang saka mabilis na pumunta sa kuwarto ko.


Malakas kong binalibag lahat ng gamit na makita ko dahil sa sobrang inis. Ano ba kasing gagawin nila sa probinsiya at kailangan pa nila akong isama? Naghintay ako ng almost five months to finally enjoy my break, and now they're taking it away from me? At ang masakit pa, hindi ako makatanggi, kasi never naman akong humindi sakanila.


Fuck it.


Ako pa nga ang my mother's sweet daughter kasi si ate Tammy, nakipagtanan sa boyfriend niya. Si kuya naman, ikakasal na, so pareho silang wala dito sa bahay. And that leaves me alone with my mom and dad.


"Tara na Suzie!" sigaw ni mama mula sa sala, kanina pa sila madaling-madali.


Pinagbabato ko nalang lahat sa maleta ko ang mga damit na mahawakan ko sa closet. Kung alam lang siguro talaga nila kung gaano ako kadiring-diri sa sarili ko for being the masunurin at marespetong anak, baka maisuka nila ako bilang anak nila. The bright side of doing that is, makakatanggi akong sumama ngayon.


Malalim akong bumuntong hininga pagpasok ko sa loob ng sasakyan. "Ma ano pong gagawin na'tin sa probinsiya?" tanong ko sa pinakamahinang tono ng boses ko.


"Magbabakasyon, 'di ba semester break niyo naman?" sagot ni papa na umupo sa driver seat saka inumpisahang paganahin ang engine ng sasakyan.


"Bibisitahin na'tin ang lolo at lola mo, saka hindi mo ba namimiss ang mga pinsan mo 'dun?" dagdag ni mama.


Hindi, duh. E, tangina ang aasim ng mga 'yon.


"Namimiss po, excited na nga po akong makita sila." yumuko ako saka nirolyo ang mga mata ko.


Nakakadiri.


Madaling araw pa lang sa labas kaya inaantok pa ako. Isinuot ko nalang ang headphones ko habang ngumunguya ng bubble gum, pampatanggal stress na dulot ng mga magulang ko. Bahagya akong tumitingin-tingin sa bintana para tignan ang madilim na paligid habang malalim na nag-iisip.

We Are Wildfires 1 (Under Major Revisions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon