Episode 2.1 : Suzie's Gift | SPG |

72 73 5
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Where did the both of you go last night?"


Nakaupo kami ngayon sa hapagkainan para kumain ng agahan pero mukhang sermon ang magiging breakfast na'min ni Vanessa. Nakatingin silang lahat sa'ming dalawa habang hinihintay ang paliwanag na'min.


"Okay, fine." Nakipagtitigan ako sa mata nila mama at papa. "Hindi na ako magsisinungaling, sinundo ko si Vanessa sa party kagab-"


"Suzie!" pag-angal niya kaya nagkibit-balikat nalang ako.


"A-anong party party? 'Sang party ka pumunta kagabi, ha?" tanong ni Tito Glenn sakaniya.


Pinag-kunutan niya ako ng noo pero inismiran ko lang siya.


Bitch hindi tayo puwedeng mahuli rito, galingan mong umacting.


"B-birthday po ng ate ni Everleigh at ininvite lang niya ako pa. Alam ko naman kasing hindi kayo papayag 'pag narinig mo pa lang pangalan ni Everleigh, e!"


Good bata.


"Aba'y talagang hindi, 'di ba ayan 'yung nakasabunutan mo noong elementary pa lang kayo kasi binali niya 'yung mga krayola mo?"


"Pa naman, elementary pa kami n'un hello. Friends na kami ngayon!"


Sumubo lang ako ng pagkain habang pinapanood silang mag-ama.


"Nako Vanessa, kung gan'yan ang naituturo sa'yo nang pakikipag-kaibigan d'yan sa Everleigh na 'yan, sa tingin ko ay dapat mo na siyang layuan." pagsabat pa ni mama sa usapan nila.


"Di ba ate? Nako Vanessa, tigil-tigilan mo ako riyan sa Everleigh na 'yan ha. Tignan mo, natututo ka pa ngayong tumakas ng gabi para lang pumarty kamo? Anak ng teteng." Mukhang nilukot naman ang mukha ni Vanessa, saktong-sakto sa prinaktis namin kagabi. "Mabuti nalang at sinundo ka nitong si Suzie, riyan ka mga magdidi-dikit sa pinsan mo nang mahawa ka sa kabaitan niyan."


Halos maibuga ko ang iniinom kong tubig nang sabihin iyon no Tito Glenn sa'kin. Kitang-kita ko rin sa mukha ni Vanessa kung gaano siya nagpipigil ng tawa.

We Are Wildfires 1 (Under Major Revisions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon