Chapter 41

43 2 0
                                    

"Sa apartment mo pala panandalian na tumutuloy si Aubery," wika ni Vince habang may ngiti sa kaniyang labi at nakatingin kay Nicollo.

Kaagad naman na napataas ang isang kilay ni Nicollo sa kaniyang narinig dahil hindi iyon ang tugon na inaasahan niya mula kay Vince. Ang inaakala nito ay mag-aamok ito at magsasagutan silang dalawa. Hindi maintindihan na pinanood ni Nicollo kung paano ibaling ni Vince ang kaniyang tingin kay Mei na hanggang sa mga oras na iyon ay akbay-akbay pa rin ni Nicollo.

"Aubery, if you need my help, I can help you. Puwede kita tulungan na makuha ulit ang apartment―"

"Hey, Rich boy," pag-agaw ng pansin ni Nicollo at gumitna sa dalawa.

"Picollo, ano ba ang ginagawa mo?" hindi maintindihan na tanong ni Mei ngunit hindi siya pinansin ni Nicollo at may pagbabanta sa mukha nitong hinarap si Vince.

"Mukha bang kailangan ni Meng ng tulong mo?" direktang tanong ni Nicollo kay Vince. "Maayos si Meng sa apartment ko at magkasama kami. Kaya kung inaalala mo na baka may mangyaring masama sa kaniya, huwag ka mag-alala dahil kahit lamok, hindi ko palalapitin sa kaniya."

"Gusto ko lang tumulong and I didn't say anything wrong. I just offered some help―"

"Did she ask you for some help?" malamig ang tono na tanong ni Nicollo at doon na nakaramdam si Mei.

"Picollo, tama na," pag-awat ni Mei at hinila palayo si Nicollo mula kay Vince na natahimik ngunit naging seryoso. Habang hawa-hawak ni Mei si Nicollo ay nahihiyang nilingon ni Mei si Vince para humingi ng pasensya dahil sa naging asal ni Nicollo sa kaniya.

"It's fine, Aubery. Walang problema sa akin," nakangiting wika ni Vince ngunit kung ano ang pag-ngiti nito ay siya namang kabaligtaran ng nararamdaman nito sa kaniyang kalooban.

Sandaling nagpaalam si Mei kay Vince habang hila-hila nito si Nicollo na hindi na maipinta ang reaksyon dahil sa nararamdaman nitong inis.

"Oh! Mei―Nicollo? Saan kayo pupunta?" Naguguluhan na sinundan ni Katarina ng tingin ang dalawa na hindi na siya nasagot dahil sa bilis ng paglalakad ni Mei habang hila-hila sa may kamay nito si Nicollo.

Pagkapasok sa may back office ng bar ay wala pa rin imik na hinila-hili ni Mei si Nicollo hanggang sa nakapunta na sila sa loob ng dressing room ni Nicollo at nandoon pa rin si Jake na naglalaro sa kaniyang cellphone.

"Nicollo―"

"Ano iyong pinagsasabi mo r'on, Picollo?" unang tanong na lumabas mula sa bibig ni Mei matapos nilang makapasok sa loob ng dressing room at binitawan ang kamay ni Nicollo.

"Ginawa ko?" pagmamaang-maangan ni Nicollo na siya namang hindi nagustuhan ni Mei.

"Nag-uusap kami ni Vince at―"

"Sumali lang ako sa usapan niyo, masama ba iyon?" kalmado ang boses na wika ni Nicollo.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo."

"Sa tingin mo, gano'n din ako?" mabilis na tugon ni Nicollo at naningkit naman ang mga mata na napailing na lang si Mei dahil hindi nito maintindihan ang sinasabi sa kaniya ng binata. "Meng, sinabi niya na tutulungan―"

"Iyon na nga! Tutulungan niya ako na makuha ko ulit ang apartment ko. Pero sa base ng mga salita na binitawan mo kanina―"

"Wala akong masamang sinabi sa kaniya kanina, Meng."

"A-Ano?" hindi makapaniwalang tanong ni Mei habang awkward naman silang pinapanood ni Jake sa isang sulok na hindi makakilos o maka-imik dahil baka mabasag niya ang moment ng dalawa. "Picollo, bigla ka na lang sumingit sa usapan namin at nagsalita na para bang nag-aamok ka sa kaniya. Hindi ba iyon masama?"

Sa tanong an iyon ni Mei ay sandaling hindi nakaimik si Nicollo. Malalim nitong tinignan ang dalaga hanggang sa nakapagbitaw siya ng mga salita na si Mei naman ang hindi makasagot.

"Pinagtatanggol mo ba siya mula sa akin, Meng?"

"A-Ano?" nauutal na tanong ni Mei matapos ng ilang segundong pagkagulat. "Picollo, ano ba ang sinasabi mo? Wala akong kinakampihan para ipagtanggol. Ang sinasabi ko lang sa'yo na― bakit ba ang init lagi ng ulo mo ay Vince?" pagtatanong ni Mei. "Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mo sa kaniya, na para kang palaging galit kahit na puro kabutihan lang ang ipinapakita―"

"Meng, lahat ng tao may kasamaan sa ugali. Hindi mo puwedeng sabihin na mabait o puro kabutihan lang ang ipinapakita niya sa'yo. Malay ba natin kung ano talaga ang gusto niya? Na iyang sinasabi mo na kabutihan niya ay sa umpisa lang?"

Halos mapanganga naman si Mei sa kaniyang narinig na sinabi ni Nicollo. Alam ni Mei na napag-usapan na nila at nagtalo na sila noon ni Nicollo tungkol dito ngunit hindi nito aakalain na hanggang sa mga oras na iyon pala ay hindi pa rin tapos si Nicollo.

"Nicollo, napag-usapan na natin ito noon. B-Bakit hanggang ngayon ay―"

"Napag-usapan na nga natin at napag-usapan na rin natin ang tungkol sa ating dalawa," wika ni Nicollo na siyang sandaling ikina-tigil ni Mei at nagtatakang tumingin sa binata. "Meng, sinabi mo sa akin noon na may nararamdaman ka sa akin. Sinabi mo iyon at kung natatandaan mo, sinabi ko na rin sa'yo na ganoon din ako sa'yo, na may nararamdaman din ako. Tapos ngayon, makikita kita na masayang kausap ang rich boy na iyon na para bang walang kahit na anoman ang mayroon tayong dalawa? Meng, biro lang ba ang sinabi mo sa akin noon tungkol sa nararamdaman mo? Dahil kung biro lang, sabihin mo na kaagad dahil wala akong oras para makipagbiruan sa'yo tungkol sa bagay na ganito."

Gulat, pagtataka, at mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Ganiyan ngayon ang nararamdaman ni Mei, naghahalo isama pa ang naguluhan nitong isip. Matapos sabihin ni Nicollo ang mahaba nitong lintanya ay tanging pagtitigan na lang ang nagawa ng dalawa. Walang ni-isang salita ang gustong lumabas sa bibig ni Mei at tanging pagtitig lamang nang daretso sa mga mata ni Nicollo ang kaniyang nagawa.

Dahan-dahan at nanginginig na humakbang si Mei paatras at nang matunugan ni Nicollo ang susunod nitong gagawin ay kaagad siyang nagsalita.

"Meng, gusto―" ngunit natigil sa kaniyang sasabihin si Nicollo nang mabilis na tumalikod at tumakbo si Mei palabas ng dressing room, iniwanan si Nicollo na natigilan dahil sa pagtakbong iyon ng dalaga.

"Wow!" hindi makapaniwalang wika ni Jake pagkaalis ni Mei. "Hindi ko aakalain na mas magaling ang drama niyo ni Mei kaysa sa mga movies na pinapanood namin ni Katarina," wika nito bago tuluyang makalapit sa kaniyang kaibigan.

Malalim na napabuntong hininga na lang si Nicollo at bagsak ang mga balikat na napayuko. "Napasobra ba ako kanina kaya siya nabigla?" pagtatanong nito sa kaibigan habang nakayuko kung kaya't yumuko rin si Jake para silipin ang mukha nito.

"Napasobra?" pag-ulit nito. "Base sa mga nakita at narinig ko, mukhang hindi naman. Tama lang ang sinabi mo at normal lang na magulat si Mei. Iyon na rin siguro ang rason kaya siya nagtatakbo palabas."

"Sa tingin mo?" pagtatanong ni Nicollo habang nakalingon sa kaibigan at tumango naman si Jake.

Nakangiting umayos ng kaniyang pagtayo si Jake bago tinapik ang likod ng kaniyang kaibigan. "Nicollo, don't worry. Tama lang iyong ginawa mo. At least, sa ganoon na paraan ay may ideya na si Mei sa tumatakbo diyan sa utak mo. Cheer up, brother. Walang mali sa ginawa at sinabi mo," pagpapalakas ng loob na wika ni Jake at muli ay napabuntong hininga na lang si Nicollo.

"Ngayon na alam na ni Mei, hindi ko na alam ang sunod kong gagawin at kung paano ko pa siya kakausapin," namomroblema na wika ni Nicollo at naiinis na napahawak na lang sa kaniyang ulo.

"Ano ang ibig mo sabihin na hindi mo alam?" pagtatanong ni Jake. "Edi, kausapin mo ulit siya mamaya hanggang sa hindi na siya tatakbo kapag naririnig niya na gusto mo siya."

"Seryoso ka ba? Hindi ko ba muna siya bibigyan ng oras para makapag-isa at mag-isip? Malay ko ba kung mainis―"

"Ikaw rin, malay mo maunahan ka no'ng isa. Ano nga pala pangalan n'on? Vince ba?" wika nito at inaalala man nang mabuti kung tama ba ang kaniyang pangalan na sinabi ay nagulat na lang ito nang mapansin niya na papalabas na muli si Nicollo ng dressing room.

"Tama ka, kailangan ko na ulit kausapin si Meng," determinadong wika ni Nicollo habang nasa may tapat na ng pintuan at isang seryosong ekspresyon ang makikita sa mukha nito.

"Tangina, seryoso ka ba na ngayon na mismo?" gulat na tanong ni Jake bago nagmamadaling hinabol ang kaibigan para pigilan ito.

SERIE ALFA DOMINANTE 2: NICOLLO PALMEIRIWhere stories live. Discover now