Chapter 59

49 5 0
                                    

"Ngayon na ba iyon?" pagtatanong ni Nicollo habang nakaharap sa isang mumurahin na full-body length mirror at isinusuot ang kulay dark blue nitong bonnet.

"Oo, kaya kailangan natin bilisan para maaga rin tayo makauwi," tugon naman ni Mei habang nakatalikod sa may binata at may inaayos sa kaniyang dadalhin na bag. "50 thousand," mahinang bulong ni Mei sa kaniyang sarili matapos niyang bilangin ang brown envelope na ibinigay sa kaniya kahapon ni Adonis, tulong daw para kay Nicollo kasama na ang sweldo nito.

"Expected naman nila na pupunta tayo, hindi ba?" pagtatanong ng binata pagkatapos ay nilingon na ang dalaga na nakatalikod sa gawi niya.

"Picollo, kahit expected nila na babalik tayo ngayon, hindi tayo puwedeng mahuli." Napaismid naman ang binata dahil sa kaniyang narinig.

"Kahit naman mamayang hapon pa tayo pumunta, gan'on at gan'on pa rin naman ang mangyayari," mahinang bulong ni Nicollo sa kaniyang sarili. Hindi na narinig pa ni Mei na kanina pa aligaga na kumilos para alamin kung may naiwan pa ba siya bago sila muling bumalik ni Nicollo sa ospital at makuha ang X-ray at malaman kung papaano ang mangyayari sa binti ni Nicollo.

"Uminom ka na ba ng gamot para sa oras ng alas-otso?"

"Hindi ko maalala," tugon ni Nicollo matapos niyang sandaling mag-isip kung nakainom ba siya matapos nilang mag umagahan kanina ni Mei.

Dahil sa tugon na iyon ng binata ay hindi naiwasan ni Mei na mapakunot ang kaniyang noo dahil sa kaniyang narinig. Iniisip sa kung paano hindi maalala ni Nicollo na hindi siya nakainom ng gamot kung kani-kanina lang sila natapos kumain.

"Sandali at titignan ko kung ilan na ang nabawas sa isang banig ng gamot mo," wika ni Mei bago mabilis na nagtungo sa isang gilid para puntahan sa isang lagayan, sa itaas ng refrigerator, ang mga gamot.

May kulong-kulong na hangin sa kaniyang bibig, pinanood ni Nicollo ang paglakad ni Mei palapit sa lagayan ng gamot nito at masuring tinignan at binilang ang mga gamot. Matapos ng ilang mga minuto ay napansin ni Nicollo na bumukas ng mga gamot si Mei, tanda ng hindi pa nga nakakainom si Nicollo ng gamot, bago niya nakita at sinundan muli ng tingin ang dalaga na kumukuha naman ngayon ng tubig at pagkatapos ay nilapitan siya.

"Inumin mo muna ang mga ito bago tayo umalis," wika ni Mei at hindi na tumugon pa si Nicollo. Kaagad na inabot ni Nicollo ang mga hawak-hawak na mga gamot at tubig ni Mei bago iyon ininom at ibinigay muli sa dalaga ang baso pagkatapos, na siyang inilagay naman ni Mei sa ibabaw ng lamesa. "Tara na."

Tumango naman si Nicollo sa sinabing iyon ng dalag bago hinayaan na mauna si Mei. Pagkabukas ng pinto, habang nasa likuran ni Mei si Nicollo na nakatayo sa tulong ng kaniyang saklay ay natigilan silang tatlo. Si Mei na nakahawak sa may door knob ng pinto habang natahimik dahil sa gulat, si Nicollo na nakakunot ang noo at kinu-kuwestyon sa kaniyang isip ang pagsulpot ng bisita, at si Vince na kagaya ni Mei ay nagulat dahil nandoon din si Nicollo sa loob, habang naka sarado ang kamao at balak na sanang kumatok sa pinto.

"Vince—"

"Ano ang ginagawa mo rito?" nakakunot ang noo at tila naiinis na tanong ni Nicollo kay Vince.

Bago sagutin ang tanong na iyon ng binata ay sandali pang nagpalipat-lipat nang tingin si Vince sa dalawa na kapwa nakatingin sa kaniya.

"A-Aubery," nauutal na tawag ni Vince dahil hindi nito inaasahan na na kasama ni Mei ang binatang si Nicollo. "I just wanna pay a visit but..." sabay tingin nito kay Nicollo, "... looks like, you've got a visitor."

"Vince, ano kasi—"

"Visitor?" nakangising pag-ulit ni Nicollo sa sinabi ni Vince matapos nitong marinig na pinagkamalan siyang bisita.

"Nicollo," pagtawag ni Mei upang awatin ang binata dahil alam nito na nagsisimula na naman ang tensyon sa dalawang lalake.

"I wasn't informed na visitor na pala at hindi home owner ang tawag sa taong may-ari ng bahay."

"Nicollo, stop!" pagalit na wika ni Mei dahil hindi nito inaasahan na sasabihin iyon ni Nicollo sa harap ni Vince. "Vince, ano nga pala ang ginagawa mo rito nang ganito ka-aga?"

"Ano," wika ni Vince at kahit na nagulat ay mas pinili na lang ulit na ngumiti. "Gusto ko lang sanang bumisita sa'yo. Pero mukhang may lakad ka pala... I mean, kayo."

"Oh! Tungkol—"

"Meng, hindi ba at nagmamadali tayo? Bakit hindi pa tayo umalis ngayon?" pag-eksena ni Nicollo sa usapan nina Mei at Vince.

Bago pa makatugon ang dalaga ay mabilis na sumingit si Nicollo sa unahan ni Mei at hinawakan ang kamay nito. Walang pasabi na hinila ni Nicollo si Mei palabas at sinadya pang bungguin sa balikat nito si Vince. Dahil sa sikip ng espasyo ay bahagya nang nakita pa ni Mei ang ginawang iyon ni Nicollo ngunit napansin ng dalaga na napaatras ang binata. Bago pa tuluyan na makababa ng hagdan ay muling natigilan ang dalawa nang magsalita si Vince mula sa kanilang likuran.

"Kung nagmamadali kayo, puwede ko kayong ihatid."

"Huh?" magkasabay na wika nina Nicollo at Mei matapos nilang lingunin si Vince.

"I mean, para hindi na rin hassle sa inyo at mas mabilis, ihatid ko na lang kayo. Saan ba kayo pupunta?"

"Sa ospital sana—"

"Hindi na. Salamat na lang," wika ni Nicollo at napatingin naman sa kaniya ang dalaga.

"Aubery?" pagtawag ni Vince.

"Meng, kung papayag ka na sumama siya sa atin, hindi na lang ako sasama."

"A-Ano?" gulat na tanong ni Mei dahil sa narinig nitong sinabi ng binata. "Nicollo?"

"Sinabi ko kung ano ang sinabi ko, Meng," matigas na giit ni Nicollo at sandali naman natigilan si Mei dahil sa katigasan ng ulo ng binata.

Bagsak ang mga balikat na napabuntong hininga na lang si Mei bago nangungusap ang mga mata na tumingin kay Vince, na para bang humihingi na ito ng pasensya.

"Vince, puwede ba na sa susunod ka na lang dumalaw? May lakad kasi kami ni Nicollo at hindi kami puwede mahuli. Pasensya na at salamat sa alok mo pero kaya na namin," magalang na pagtanggi at pagpapasalamat sa alok na sabi ni Mei kay Vince.

Dismayado man ay ngumiti na lang si Vince sa sinabing iyon ni Mei at tumango, samantalang si Nicollo naman ay nakaiwas lamang ang tingin na nakikinig sa kanila.

"Kung ayaw ni Nicollo ng tulong ko, okay lang naman. Walang problema. Sige, sa susunod na lang. Mag-ingat kayo," malumanay na wika ni Vince habang nakangiti at nahihiya naman na ngumiti rin si Mei bago tumango at siya na ang naghila kay Nicollo pababa.

Mula sa ikalawang palapag ng apartment building ay kitang kita ni Vince kung paano alalayan ni Mei ang iika-ikang maglakad na si Nicollo. Ang kaninang ngiti sa labi nito ay naglaho at ang mga mata nito ay nawalan ng emosyon. Tahimik na pinanood ni Vince ang dalawa hanggang sa nakita nito kung paano parahin ni Mei ang isang napadaan na tricycle at pinaunang sumakay si Nicollo sa loob bago siya.

"Mukhang hindi sapat ang nangyari sa'yo at talagang hindi pa rin naaalis ang yabang mo. Tignan natin kung hanggang saan ka aabot," seryoso at mahinang bulong ni Vince sa kaniyang sarili bago tuluyan na panoorin ang pag-andar ng tricycle paalis. 

SERIE ALFA DOMINANTE 2: NICOLLO PALMEIRIWhere stories live. Discover now