Chapter 1 | The night when everything started

144 10 0
                                    

Quinton Eli Manuel

ISINARA ko na ang librong binabasa ko nang makarinig ako ng katok sa kwarto ko. Bumukas iyon kung saan sumilip si Mama.

"Quin sweetie, tapos ka na bang mag-aral?" malumanay na bungad n'ya.

Agad ko namang pinatay and study lamp ko. "Uh-yes po, Ma."

She smiled. "The dinner is ready. Kung gusto mo dalhan na lang kita rito?"

Dali-dali naman akong umiling. "Hindi na po, ma. I'll join the dinner po. Sunod na lang po ako."

Tumango na lamang s'ya bago muling isinara ang pintuan ng kwarto ko.

I've been studying for two consecutive nights for our finals kaya dalawang gabi na rin akong hindi nakasasabay sa kanila sa pagkain. Kaya naman kahit hindi pa ako tapos sa inaaral ko, sasabayan ko pa rin sila. Ito na kasi ang nakasayan ng pamilya ko. We always make time kahit gaano pa kami ka-busy para lang makapagsabay-sabay sa pagkain.

Bumaba na ako at tuluyan nang nagtungo sa dining. Nakita kong kumpleto na sila doon. Agad tuloy akong nakaramdam ng gutom nang makaabot sa pang-amoy ko ang ulam na niluto ni Mama. Adobo, my favorite.

"Tomorrow's the last day of your finals, right?" bungad sa akin ni Papa nang maupo ako.

I nod. "Yes, Pa."

"Tapos sa susunod na araw ay educational tour nyo na?" tanong naman ni Mama.

Napangiwi ako nang maalala 'yon. "Opo," sagot ko na lang.

I don't actually have any plan to join kung wala lang dagdag grade yung tour na 'yon. Mas prefer ko pang manood ng na lang ng anime or magbasa buong araw than surround myself with noisy people.

"Kuya ang ganda sa zoo!" maligaling na sabi ni Queenie, my younger sister. Mas nauna kasi ang batch ng mga grade 7 kaya't alam na ng kapatid ko.

"Hmm," tanging tugon ko na lang bago muling nilingon si Mama. "Ma, mataas naman na yung grades ko. Pwede po bang hindi na 'ko sumama roon?" I asked for the nth time.

Nakita ko naman ang pagkunot ng noo n'ya. "Ha? Hindi ba't last year mo na 'to sa junior high at senior high ka na next school year? Hindi naman yung grades yung hinahabol mo anak... yung experience."

I sighed. I think wala na 'kong ibang option.

Sumagot naman si Papa. "Tama ang Mama mo, Quin. Treasure your remaining moments sa high school dahil hindi mo na ulit mararanasan yan. At this time, dapat ay nagbuibuild ka na ng long-lasting friendship."

I was about to open my mouth para sana idefend ang sarili ko but at the end, I decided to just keep it shut. My point naman sila. I'm an introverted kid—ilag sa tao. Ang alam ko lang ay mag-aral, magbasa, at mag-binge ng anime. Ang motto ko pa nga dati ay 'I am good at my own company.' I'm a total opposite of my younger sister who is so bubbly and has a lot of friends.

"Oh s'ya, Queenie pangunahan mo na ang dasal," utos ni Mama sa kapatid ko, but when we are about to close our eyes, nakarinig kami ng sigawan sa labas.

"May kaaway na naman ata si Aling Lorna," ani Papa bago muling tinignan ang kapatid ko. "Go on."

Nakita kong pumikit na sila para magdasal habang ako naman ay nanatiling nakadilat at mas pinakinggan ang kung anong mang kaguluhan sa labas. Mukang may season seven na nga ata ang awayan nila Aling Lorna ah.

"Amen," sabay-sabay na usal nila saka na nagsimulang kumain.

"P*tang ina mo, anong ginawa mo?!" Hindi nagtagal ay muli kaming natuon sa kaguluhan sa labas. Napailing pa si Papa sa narinig.

Dusk of Mankind (bxb)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن