Chapter 3 | Intruder

108 10 0
                                    

NAGISING ako nang maramdaman ko ang pagsiksik ni Chichay sa leeg ko. Nagpupumilit s'yang sumiksik doon.

"Hmmm-" mahinang daing ko nang agad akong nakaramdam ng pananakit ng likod. Pinagkasya ko kasi ang sarili ko sa backseat at doon nahiga.

"Meow," my cat meowed.

Bigla na lang ako napapitlag nang makarinig ako ng pagkalampag. My soul left my body when I saw the angry faces of those people. They are gritting their teeth while trying to reach me. Mabuti na lang ay natulog akong sarado ang bintana ng sasakyan.

Bahagya na ring umuuga ang sasakyan dahil sa dami ng nakapalibot dito. Napasin ko ring maliwanag na. I cannot stay here any longer dahil ano mang oras ay maaaring bumigay ang bintana ng sasakyan lalo na kung madagdagan pa ang bilang nila. Lagpas siguro sampu sa kanila ang nakapalibot ngayon sa sasakyan.

"Thanks for waking me up," I told Chichay as I move towards the driver seat. Pinilit ko na lang na huwag pansinin ang mga nakakatakot na pagkalampag ng mga infected sa labas.

As I start the engine, mas lalo akong nangamba nang makitang dumoble pa ang bilang nila. They're coming from different directions. Kanina lang ay walang bakas ng infected sa lugar na ito.

Kahit pa marami ang nasa harapan ng sasakyan, hindi na ako nag-alangan at agad ko na itong pinaandar. Muli kong binuksan ang radyo para huwag marinig ang pagkalas ng buto ng mga nasasagasaan ko.

Shit.

Nang tuluyan na akong nakaandar, sinusubukan kong iwasan ang mga infected na madaanan ko pero sadyang ang ilan ay pinipiling humabol pag nakita nila ako kaya naman wala na akong magawa kundi ang sagasaan sila.

If killing these people is a sin, I'll gladly accept the consequences basta lang ay bumalik na ulit ang lahat sa normal. I don't think they're still humans though. There's no such thing that a human will eat their own. Iniisip ko pa lang ay nasusuka na ako.

Nakita ko sa rear-view mirror na marami ang humahabol sa akin kaya naman mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo. Paano kaya sila nakarating hanggang dito eh wala namang kabahayan sa lugar na ito?

"Naitala na ang unang kaso ng naturang kaguluhan sa lungsod ng Cebu kaninang alas-sais nang umaga. Lulan di umano ng Airbus C460 ang isa sa kanila bago pa man ipasa ng Palasyo ang travel ban papuntang Visayas at Mindanao. Sinasabing bago pa man makalapag ang naturang eroplano ay nagpakita na ito ng agresyon kung saan naman nadamay ang ibang pasahero. Dalawampu't isang pasahero ang sugatan habang isa naman ang namatay."

Muling nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig na balita sa radyo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila tukoy kung bakit nagiging ganon ang kinikilos ng mga tao? Hanggang ngayon ay 'isa sa kanila' pa rin ang term na gamit nila pantukoy sa mga infected? Naglabas na kaya sila ng preventive measures or ano pa mang precautionary measure?

Based on my prior observation, it seems like there is some sort of stimulus that pushes people to be aggressive. It's like they've acquired a pathogen that can be transmitted from person to person. Kagaya ng nangyari kay ate Janine at mama. I think ate Janine is already infected in the first place at naipasa lang 'yon kay mama when she bit her. I am not still sure how, but I think it's not airborne dahil mukhang hindi naman ako nadamay. Sa palagay ko ay may kinalaman iyon sa sugat but I cannot tell if through saliva, blood, or any body fluids. I'm not a medical practitioner in the first place. But if a mere high school student like me can observe all of these, then I believe the authorities are more capable. Pero bakit hindi pa rin sila nagdidisclose ng information sa media?

Muli kong chineck ang phone ko pero muntik ko lang maihagis yon nang makitang wala pa ring signal. Fuck.

Ilang oras lang ang nakalipas pero tiyak akong mas malawak pa ang naapektuhan at mga pinsala dulot nito. Based from what's happening, people will die kung hanggang ngayon ay wala pa rin silang nilalabas na information regarding sa nangyayari. O baka naman naglabas na sila at tulog lang ako? Ugh!

Dusk of Mankind (bxb)Where stories live. Discover now