Chapter 2 | First Surge

106 10 1
                                    

NAPAPITLAG ako mula sa pagkakadukdok sa table nang biglang may gumalabog. Nang magtaas ako ng ulo, dumako ang tingin ko sa digital clock sa study table ko and it says 2:34 AM.

I quickly scanned the room, hoping that everything was just a dream—a nightmare.

Hindi pa man ako nagkakaroon ng sandali para i-process ang lahat, agad din akong napatayo nang marealize kong nawawala si Queenie sa kama ko kung saan ko s'ya pinahiga kanina.

Muli ko namang inilibot ang paningin ko. Nakaharang pa rin yung side table ko sa pinto. Nakasara rin ang mga bintana.

Where the heck is she?

As I move my feet, I noticed the familiar blanket on the floor behind my bed. Napaatras pa ako nang bigla iyong gumalaw. Pagkatapos ay nasundan pa ito ng mahihinang kaluskos kaya naman dahan-dahan ko itong nilapitan.

Nang tuluyan na akong makalapit, halos mabasag ang puso ko nang magtama ang mga tingin namin ng kapatid ko.

She already has the same eyes as those crazy people. Blangko ang mga ito na para bang hindi nakakikilala. At the same time, they have this anger in their eyes that seems they are willing to attack you anytime.

My younger sister is looking at me while gritting her teeth, para bang gigil na gigil. She's also creating this scary growl, sounding like a beast. Sinusubukan n'ya pang magpumiglas pero nakatali na ang mga kamay at paa n'ya gamit ang kumot. Siguro ay nalaglag s'ya sa kama habang sinusubukan nyang makawala sa pagkakatali na ginawa ko kanina.

There, I realized that she's not my sister anymore. Hindi na s'ya yung nakababata kong kapatid na palangiti at palabati sa mga tao. Nagaya na s'ya sa mga nagwawalang tao sa labas.

"Queenie... I-I'm so sorry," I heard my own voice crack from despair.

Nagsisimula na namang mamuo ang luha sa mga mata ko. I feel like I'm the most selfish person on earth. I failed to save any of them. Not even my sister who always brings joy to everyone around her. Yet here I am, still breathing like a normal person.

Muli kong tinungo ang study table kung nasaan ang phone ko. Gaya kanina, it's still out of service. Maging ang internet ay hindi gumagana.

What the heck is going on?!

Nanginginig ang kamay ko nang ilapag kong muli ang phone ko. I don't know what to do anymore. People started killing and attacking each other. My family became just like them. And here I am, inside of my room, feeling like a dumb shit.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal tumulala. Nahihilam na rin ang mga mata ko sa kaiiyak. Please tell me everything was just a prank and I will gladly accept it and move on.

Pero literal na napaigtad ako at naalerto nang makarinig ako ng kaluskos sa bintana ng kwarto. Dali-dali ko namang dinampot ang kung ano mang bagay na malapit sa'kin at itinutok iyon sa bintana.

No, my room is on the second floor, bulong ng kabilang side ng utak ko. I'm sure they cannot climb up in here... or they could?

"Meow."

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kung sino 'yon. Kaya naman agad kong ibinaba ang pencil case na hawak ko at tinungo ang bintana para binuksan iyon.

"Chichay," mahinang bulong ko saka s'ya binuhat. "How did you—" I stopped when an idea popped into my head.

Nakita ko ang puno ng mangga sa tapat ng bintana na palagi kong inaakyat noong bata pa ako. Iyon din ata ang ginamit ni Chichay para makaakyat dito.

"Good girl," I patted her head which made her meow once again.

If I cannot reach the police through my phone, then I will reach them by myself.

Dusk of Mankind (bxb)Where stories live. Discover now