CHAPTER 5: True Colors

23 2 0
                                    

"Let's camp here." Ibinaba niya ang mga dala niya at naupo sa isang malaking bato.

Kumuha ako ng dalawang can beers at ibinato naman sa kaniya ang isa. "Catch,"

Mabuti na lang at sumama ako, ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng kapayapaan. I'm at completely peace.

"It's beautiful here." Dito ay kitang-kita na ang malawak na dagat at ang mga istraktura sa paanan ng bundok.

"Yeah. Comfort zone,"

Nilingon ko siya. "Thank you for inviting me,"

Kinindatan niya 'ko. "You're welcome,"

Inayos namin ang kaniya-kaniya naming tent at pagkatapos ay kumuha ako ng mga kahoy para sa bonfire mamayang gabi. Dito kami magpapalipas ng gabi at bukas ng umaga uuwi. Magbubukas pa raw kasi siya ng Cafe at ako naman ay may guesting sa isang live show sa gabi.

"Come, I'll show you something." Nagpauna siyang maglakad papunta sa kung saan.

Sinara ko ang tent ko at sumunod sa kaniya. Nagpalinga-linga ako nang hindi ko na siya makita nang saglit akong lumingon sa tents namin.

"Mew?!" I repeatedly called his name, baka nahulog na 'yon pababa. "Mew, where the hell are you?!"

"I'm here,"

Nagulat pa 'ko nang marinig siya. Tiningala ko siya sa taas ng puno ng mangga. Nakaupo siya sa isang sanga at nakangisi na namang nakatingin sa 'kin.

"Pinagtitripan mo ba 'ko, ha?"

"Hey, calm,"

"Tss,"

"Marunong kang umakyat?"

"No,"

"No? You're doing some action movies and yet, you don't know?"

Nag-iwas ako ng tingin. "I have Acrophobia, climbing is not my thing,"

Akala ko ay tatawa siya pero tumango-tango lang siya. Tumingin siya sa right side at nagliwanag ang mukha.

"You can perfectly see the sunset he-" Natigilan siya nang madulas ang kamay niya at mawalan siya ng balanse.

Agad akong tumakbo para masalo siya. Pero dahil sa bigat niya, pareho kaming natumba. He was breathing heavily while he's on top of me.

"Hey, umalis ka diyan." Nag-iwas ako ng tingin.

Gano'n din ang ginawa niya. "S-Sorry." Tumayo siya at pinagpagan ang sarili.

Umupo ako at pinagpagan din ang sarili. "Bigat mo," natatawang biro ko.

Natawa rin siya. "Hindi ako nakahawak ng maayos, pasensya na,"

"No worries,"

Pagkatapos doon ay bumalik na kami sa tent para magluto ng makakain namin. Gumawa na kami ng apoy dahil naisipan naming mag-ihaw na lang, mas madali at bagay sa beers.

"Cheers." Itinaas niya ang can beer niya.

Itinaas ko na lang din ang can beer ko at nakipag-cheers sa kaniya. We sat in front of the bonfire we made. The breeze was cool and the surroundings were quiet.

I faced him. "Do you have girlfriend?"

He shook his head. "How 'bout you?"

"I don't do girlfriends,"

"Why?"

"I focus more on my carreer,"

"Carreer isn't everything,"

"I know. Maybe you can not also understand me, but I can do anything for my career,"

"I understand you. Alam kong hindi lahat tayo ay pare-pareho ng gusto. At saka mahal na mahal mo na 'yang carreer mo, matagal mo na 'yang inaalagaan,"

I nodded. "Yeah. I don't know what to do if I'll lose my carreer."

"Even if you lose your career, you can still continue your life,"

"How about you? Why don't you have a girlfriend?"

"I don't do girlfriends,"

"Why?"

"Because I do boyfriends,"

I blinked several times. Is he joking?

Tumawa siya nang hindi ako nakapagsalita. "I'm serious,"

Uminom na lang kami ng tahimik habang dinadamdam ang katahimikan ng paligid.  Hindi ko na rin inisip pa ang sinabi niya, if he do boyfriends, then okay.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising para hindi gano'n kainit pag bumaba na kami. Madali na lang ang pagbaba namin ng bundok kaya hindi gano'n kami kapagod.

"Thanks again, nakapag-relax ako kahit papaano!"

He gave me a smile. "You're welcome. Don't misinterpret my actions, I'm not doing this because... you know it already..."

"Don't worry." I smiled. "I'm not like that."

Naghiwalay na kami ng daan pag-uwi. Dumiretso na 'ko sa condo ko matapos ang isang oras na biyahe. Nang makitang may mga tao sa personal parking space ko ay nag-park ako sa regular parking lot. Bago lumabas ay nagsuot ako ng facemask at cap para makaiwas sa kanila.

"Nasa parking lot ako," agad na sabi ko nang sagutin ang tawag ni Steve. Alam ko na kung ba't siya tumatawag, at 'yon ay para tanungin ang location ko.

"Nasa harap ako ng condo mo, bilisan mo na." Then he hanged off the call.

Kaya naman pala may mga tao sa parking lot ko dahil nandito ang manager ko. Siguro ay sinundan nila si Steve papunta dito. Dali-dali akong pumasok sa elevator at buti  na lang walang nakapansin sa 'kin at wala rin akong nakasabay sa elevator. Pagkarating sa floor ko ay agad na bumungad sa 'kin si Steve na nakasandal sa tabi ng pintuan. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay pumasok agad si Steve, hindi na hinintay na sabihan ko siya.

"Buti at umuwi ka na!"

He's not only my manager, we're friends too. Kaya ganiyang umarte ang lalakeng 'yan. Nung una ay naiilang ako sa pagma-manage niya na ikabubuti ko dahil halos kalokohan ang ginawa namin ng college kami. But I'm used to it now.

"Work." Ibinato ko sa sofa ang bag ko.

"Wow, workaholic!"

Pinandilatan ko siya. "Ready my outfit for tonight, Steve,"

"Naayos na ni AJ, you don't need to worry,"

"Then why are you here?"

Doon nagliwanag ang mukha niya, excited din siyang tumayo. "Do you have some foods?! I'm hungry!"

"Go get some,"

Ngumiti siya ng kay laki-laki. "I'll stay here tonight!"

"Yea- hey, what?!"

Kumuha siya ng mga makakain sa ref at maiinom bago bumalik sa harap ko. Gutom na gutom ang loko.

"I have a problem, lodi. Kinukulit ako ng isang babae, gustong makituloy sa condo ko!" Natatawa niyang sinubuan ang sarili.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Babaero,"

Itinaas niya ang mga kamay, animo'y sumusuko. Nagpainosente pa siya at hindi makapaniwalang tumitig sa 'kin.

"You know me, I'm not like that!"

Kinuha ko ang unan at binato 'yon sa kaniya. Tumawa siya ng malakas, ang sakit sa tenga.

"Shut up. Matutulog muna ako, gisingin mo 'ko mamayang 5:00 PM. I need to be fresh, I should be a handsome guest."

To be continued...

ENDLESS HAVEN (MewGulf)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon