CHAPTER 11: Clarifying Things

19 1 0
                                    

Hindi ko napigilan ang sariling mapangiti.

He's a member, huh?

I decided to accept the invite and join the group. Later on, the admins approached me to send their 'thank you's.

"Naks, nag-join!"

Bakit ko nga ba inisip na umalis na ang isang 'to? Akala ko kanina ay lumayas na siya, pumunta lang pala sa kusina para kumain.

"Shut up,"

"Cynulf," he teased.

Pasiring kong tinanggal ang tingin sa kaniya. Kahit kailan talaga ay hindi ko mapapatahimik ang isang 'to.

Later that night I found my self stalking Mew's account. Ang profile nito ay larawan niya, full body 'yon, nakasandal siya sa railing ng isang yate. He's wearing a black polo and a black pants.

Black is his favorite.

'Yon ang napagtanto ko matapos kong gawin ang bagay na kailan man hindi ko naisip.

I really did stalked his account. Though kakaunti lang naman ang mga pictures na inupload niya.

Aalis na sana ako sa profile niya nang biglang umakbay si Steve sa 'kin, dahilan para magulat ako.

"Hey!" I held my chest.

He then chuckled. "I need to go,"

Pinagkunutan ko siya ng noo. Mag-aalas onse na ng gabi. "Why?"

He then shrugged his shoulder. "She already moved. Wala na siya sa condo ko,"

"And who is 'she'?"

Umiling lang ang loko habang nakangiti. "That's a secret,"

"Bud, tell me!" sigaw ko habang naglalakad siya papuntang pinto.

Nakatalikod siyang kumaway sa 'kin. "I will introduce you only to the woman I am sure of. Adios!"

Napapailing kong dinampot ang cellphone ko. Pagtingin ko ay may lumitaw na notification.

Mew Santiago accepted your friend request.

What the F?

When did I sent him--- Napindot ko siguro kanina dahil kay Steve!

What should I do? Should I unfriend him? Or block him? But it will be obvious!

"This is your fault, Steve,"

The notification beep again for the second time.

Mew Santiago sent you a message.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko hindi pa ito ang oras para kausapin siya dahil hanggang ngayon nahihiya pa rin ako sa sinabi ko sa kaniya.

Agad kong inoff ang WiFi para mag-offline at hindi niya isiping ayoko siyang kausap nang online ako. Tatayo na sana ako pero hindi ko na napigilan ang sarili kong i-on ulit ito at buksan ang message niya.

Paano kung importante pala 'yon?

Mew Santiago: Hmm?

Importante...

Nanginginig ang kamay ko habang nagta-type.

Gulf Enriquez: What?

Mew Santiago: You sent me a request?

Gulf Enriquez: And?

Matagal bago siya nakapag-reply. "Wala, nevermind."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang ma-imagine ko siyang sabihin 'yon habang nakakunot ang noo o naka-poker face. Why does it looks so sexy? Naputol lang ang ginagawa ko nang mag-beep na naman ang notification.

Mew Santiago: Are you free tomorrow?

Gulf Enriquez: No

Mew Santiago: Oks

Oks? Hindi ko alam na gumagamit din pala siya ng mga gano'n.

Gulf Enriquez: Why?

Mabilis na sumilay ang maliit na ngiti sa labi ko dahil sa sunod niyang reply.

Mew Santiago: Just wanna see you.

Bakit ba kailangan niyang maging ganito? Masyadong cringe ang mga ganitong bagay sa 'kin dati lalo na't nagkakaroon ako ng ganitong mga role, ang mga sinasabi niya ay nasa script ko pa na gustong-gusto kong ibahin.

Masyado na kasing clique.

Gulf Enriquez: How about now?

Hindi ko alam kung anong sumanib sa 'kin at basta ko na lang sinend 'yon! Hindi ko na nabawi dahil na-seen niya agad. Nakailang higa at upo na ako habang hinihintay ang reply niya pero hindi siya nag-reply! Mag-iisang oras na mula nang i-send ko 'yon pero wala akong natanggap na reply.

Humikab ako nang makaramdam ng antok. Tumayo na ako at inayos ang sofa para makapasok na sa kwarto. Bubuksan ko na sana ang pinto nito nang makarinig ako ng katok mula sa pinto ng condo ko.

Maybe si Steve 'yon.

Papikit-pikit kong tinungo ang pinto dahil antok na antok na ako.

"What now?"

"Hi,"

Napatayo ako ng tuwid nang marinig ang boses niya. Nawala bigla ang antok sa katawan ko at lumipad kung saan. Pinasandahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa para masigurado. Si Mew nga!

"Hindi na ako nag-reply, pumunta na ako." Nahihiyang ngumiti siya at minasahe ang batok niya. "Can't I... get in?"

"Oh!" Tumabi ako sa daan at mas niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. "Tuloy ka,"

"Thanks,"

Iginaya ko siya papuntang sofa at pinaupo. I offered him a juice but he said he wants coffee so I'm here, brewing him a native coffee. Buti na lang at may stock pa ako nito.

"Here you go." Inilapag ko ang baso sa maliit na mesa kaharap ng sofa. "How did you find my condo?"

Tumingin siya sa 'kin matapos itago ang cellphone sa bulsa ng cargo short niya. "You mentioned it when we hike?"

Inalala ko kung nasabi ko nga ba sa kaniya. Akala ko kanina ay stalker siya kaya niya alam. Oo nga, nasabi ko nga sa kaniya kung saang condo ako nakatira. At dahil nakikita ko na siya ngayon at natimplahan ko na ng kape, I'm sure he pulled some strings to go up here. Hindi gano'n kadali makapasok dito, wala ka pa nga sa lobby ay may employee nang lalapit sayo para tanungin ka kung saan ka pupunta.

Syempre may exception ang mga nakatira na dito, kilala na nila kami kaya free kaming magpabalik-balik nang walang taong lalapit sa 'min at hihingan kami ng IDs or other information.

"Well... my friend live here and I asked him to... you know," sabi niya, tila nabasa ang iniisip ko. "Hey?"

Sinilip niya ang mukha ko nang hindi ako magsalita. "You okay?"

"Mew..."

"Hmm?"

"I'm sorry for what I said to you the other day..."

Ibinaba niya ang baso at ngumiti sa 'kin. "That's okay. No worries,"

Bagamat 'yon ang sinabi niya pero hindi pa rin ako makampante. Hindi pa sapat ang sinabi ko para sa 'kin.

"Let's not talk about it, I came here to see you." Tumingin siya sa labas ng glass wall ko, kung saan kitang-kita ang city lights at ang busy pa ring kalsada na puno ng ilaw ng sasakyan. "Your place is beautiful-"

"Let's get out,"

"What?" Agad siyang lumingon sa 'kin. "What does it means?"

Agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Hindi ko magawang sabihin habang nakatingin sa kaniya.

"Let's try to work this thing out."

ENDLESS HAVEN (MewGulf)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon