CHAPTER 32

817 34 10
                                    

Days passed by quickly but when I told Elli that she can finally go to the concert, sobra siyang natuwa. Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano nag-ningning yung mga mata niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko rin alam kung ilang beses ko siyang narinig na nagpasalamat sa akin.

She's a nice and greatful kid. Kulang pa yung pagpayag ko sakaniya na makapanood ng concert sa dapat niyang makuha. She deserve more. I'm just afraid I can't give her that kaya binabawi ko nalang sa pagmamahal at pag-aalaga ko sakaniya, pati na rin sa pagbigay ng mga gusto at kailangan niya.

I'm with Elli and Liza right now. Today is the day, ngayon ang concert.

Elli was confused why I wore a mask and a cap when we went here. Hindi naman kasi ako nagsusuot non, tagong-tago ang mukha ko.

We're on the VIP seats, we have a better view on the stage. I'm sure sila rin na magpeperform, makikita ang mukha namin but not me, I'm hiding my face. Baka hindi ko rin kasi maiwan dito si Elli dahil alam kong hindi siya papayag na umalis ako sa tabi niya.

Nang mapuno na ang venue ng mga taong manonood ay nakita ko ang pagkamangha sa mukha ni Elli. It's her first time attending an event like this, yung napakaraming tao. Iginala niya ang paningin niya sa audience area. She looks cute tho, she's amazed by the view. To be honest, I'm amazed and mesmerized by the view also. Color blue yung ilaw ng mga lightsticks nila. Almost all of them have one. Ang ganda sa paningin.

Hindi ako masyadong makapagsalita dahil kinakabahan ako. Mostly ay sina Liza at Elli ang nag-uusap. I can hear them talking how excited they are for this concert.

Nagsimula ang concert pero syempre ay hindi pa muna lumabas yung lima. May mga guest artists din kasi na pang opening prod.

Elle is here pala, katabi ko siya at halata rin na nag-eenjoy na siya.

Mukhang ako lang ang naiiba. I'm not cheering unlike everyone na halos mamaos na ang boses kakasigaw at kakatili. Nanatili lang akong tahimik. I just went here to accompany Elli, that's all.

Napapikit ako sandali nang mariin at parang dumoble ang kaba ko nang sumalang na sa stage yung lima, bigla rin akong hindi mapakali sa kinauupuan ko. The crowd went wild and the cheers just got louder. Napatalon-talon pa si Elli dahil sa saya nang makita niya yung lima.

"Mommy, Mommy! Esbi!" Elli said cheerfully, bahagya rin niya akong niyugyog nang mahina.

I just nodded and smiled a little behind my mask.

"Enjoy the show, ha?" bumulong ako sa tainga niya para marinig niya.

She just nodded repeatedly while smiling widely. Her gaze went back on the stage where SB19 is performing.

Their first performance was finished and they already greeted the audience.

I can clearly tell they're happy with this. Pangarap nila 'to eh, pangarap niya. Seven years yet they're still performing. Alam kong malayo na ang narating nila, marami na ang nakakakilala sakanila dahil halos lahat ng kakilala ko ay kilala ang grupo nila. Minsan sa office, naririnig ko na nagpapatugtog din yung mga empleyado ng mga kanta nila.

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong wala sa sarili at napako lang ang tingin ko sa unahan. Nabalik lang ako sa ulirat nang mahinang sikuhin ako ni Elle tsaka niya nginuso si Elli at yung lima na nasa stage.

"May cute na bata rito sa VIP seats oh, si Elli... Hi, Elli!"

Hindi ko alam kung nag-iilusyon lang ako o boses talaga iyon ni Stell. Did he just say Elli's name? How the hell did he knew that?

"Elli?" narinig ko ring sambit nung apat.

Natataranta akong napatingin kay Elle. Halatang gulat din siya at nagtataka kung paanong kilala ni Stell si Elli, kung paanong alam niya ang pangalan ng anak ko.

Desired LoveWhere stories live. Discover now