CHAPTER 40

1K 37 6
                                    

"Bakit mo nga pala ako pinapunta rito? Hinahanap ba ako ni Elli?" tanong ni Stell habang papasok kami sa loob ng bahay. Pinapasok ko na siya dahil ang pangit naman kung doon pa kami sa labas mag-uusap, at baka may makakita pa.

"No, natutulog na siya, she got tired." I said.

I made him sat at the couch. Umupo rin ako sa harap niya.

Hindi na rin ako nagpaligoy-ligoy pa at nagsalita na ulit. "Do you still have connections with your ex right now? Kay Gianna." I said without further ado.

Alam kong napaisip siya bigla kung bakit ako nagtanong no'n sakaniya.

Stell cleared his throat, then I saw the side of his lips rose up. He's smirking again.

"Why are you asking me a question like that?" he asked back, raising a brow.

Instead of answering, I throw again another question to him. "Was she the one who told you years ago na may nangyayari sa amin ni Liam noon dahil nakita niya lang kaming magkasama? Was she the one who told you that Liam and I got back together? Sabihin mo, Stell. Was she the one who told you that false stories?" I asked him directly.

I saw how his smirk faded. He then turned serious.

"I don't want to hear a lie, I'm sick of it." I said when he didn't speak. "Alam ko na kasi eh... Diba, siya ang rason kung bakit hindi mo ako pinaniwalaan noon? Nadala ka sa mga sinabi niya sa'yo na puro lang naman kasinungalingan." sabi ko pa.

"Saan mo naman nakuha 'yan? H-How did you—"

I immediately cutted his words off at hindi ko na siya hinayaang makatapos sa pagsasalita. "Nagkita kami kanina, it was unexpected. And it just happened that she's Liam's elder sister." I said. "Kaninang pag-alis namin ni Elli, pumunta kami kina Liam. But then she came in surprise. Si Liam ang sadya niya kanina roon, he apologized to his brother for what she've did also. At sakto namang nandoon ako, Liam made Gianna apologize to me. Nag-sorry naman siya, at sinabi niya yung ginawa niya noon. That's how I knew... Nang dahil sa ex mo, lumaki yung anak ko nang walang kinilalang ama, our daughter grew up without you by her side."

I don't know what exactly I'm feeling right now. Galit ako, nasasaktan ako, nalulungkot. Parang nanginginig ako sa galit habang nag-uulit-ulit sa utak ko yung mga sinabi ni Gianna.

How stupid of me. Akala ko sa amin lang talaga may problema ni Stell, hindi ko alam na may isa pa palang dahilan. If only I knew it before, baka may nagawa pa sana ako.

"Anong pakiramdam?" tanong ko dahilan para mapatitig siya sa akin. "Okay kayo ng ex mo noon, diba? That's because she was trying to get you back. Akala mo okay kayo kasi wala nang problema sa pagitan niyo? Pwes, nagkakamali ka. Gianna had her hidden agenda." sambit ko tsaka bahagyang ngumisi.

I let out a heavy sigh.

I don't know if Stell knew that. But atleast I got to tell him about it, para alam niya.

"Mommy! Where are you?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko na sumigaw si Elli mula sa taas, hinahanap niya 'ko.

"I'm here downstairs, Elli!" tugon ko.

I composed myself. Hindi ko namalayan na nanunubig na pala yung mga mata ko.

"Daddy? Daddy!"

"Dahan-dahan lang, 'wag kang tatakbo." sabi ko nang dali-daling humakbang pababa si Elli sa hagdan nang makita niyang nandito si Stell.

She ran towards her Dad. Hinalikan naman siya nito sa may tuktok ng ulo niya.

"I thought you're already asleep, sabi ng Mommy mo." malumanay na saad ni Stell kay Elli na siyang naupo sa kandungan niya.

Desired LoveWhere stories live. Discover now