Chapter 10: Beginning of oppression

16 7 0
                                    

Maya maya ay lumabas na ang result ng CT scan ng pasyente at sabay hinablot naman ito sa kanya ni Dr. Rhea.

"Bakit diko mabasa ang CT scan medyo malabo,sambit ni Dr. Rhea sa sarili niya.

"Base sa CT scan result tama ang sinabi ko kanina, may abdominal aortic aneurysm ang pasyente, sabat ni Dr. Camille.

"Alam ko wag mo akong pinangungunahan tse, mabuti pa mag ready ka na ayoko ng assistant na mabagal kumilos, singhal ni Dr. Rhea.

At napatango na lamang si camille at ganun na nga ginawa niya nag ready na siya at pagkatapos ay nagpunta na siya sa OR, Saka sinimulan na nila ang operasyon.

Habang abala sila sa operasyon ay bigla na lang nag drop ang bp ng pasyente sa kadahilanang may natamaan na organs si Dr. Rhea sa abdominal ng pasyente, kaya nag dugo ng nag dugo ang organs na natamaan nito.

"Bumababa po ang bp ng pasyente, sambit ng nurse.

Sa mga oras na iyon ay natulala si Dr. Rhea.

"Dr. Rhea mag focus ka hoy, sambit ni Dr. Camille

Sabay natauhan si Dr. Rhea. At nataranta naman ito.

Samantala ay nahanap na ni Dr. Camille ang organs na natamaan at tinakpan niya ito para hindi ito magpatuloy sa pagdurugo.

"Doc don't panic ok just relax, mabuti pa ako na ang tatapos nyan, sambit ni Dr. Camille.

Saka siya na nga tumapos ng operasyon, lumipas ang ilang oras ay natapos na niya ang operasyon at successfull ang operasyon ni Dr. Camille. Samantala padabog namang lumabas ng OR si Dr. Rhea at tila galit na galit na ito.

"Kayo na ang bahala dito pakidala na lang siya sa ICU, sambit ni Dr. Camille, saka lumabas na ito ng OR.

Paglabas niya ay nandun si Dr. Rhea at tila napakasama ng tingin nito sa kanya, aalis na sana siya ng biglang hablotin ni Dr. Rhea ang buhok niya papunta sa banyo.

"Aray ko! bitawan mo ko Dr. Rhea ano ba, sambit ni Dr. Camille habang hila hila nito ang buhok niya.

Sa banyo:

Binitiwan na nito ang buhok niya.

"Ano bang problema mo Dr. Rhea, sambit ni Dr. Camille.

"Ikaw ang problema ko masyado mo akong ininsulto sa loob ng OR kanina, pwes ito ang bagay sayo, sambit ni Dr. Rhea.

Saka kumuha ito ng bakal at kinuha niya ang kamay ni camille at sabay hinampas nito ng malakas ang kamay nito.

"Aray!! Sigaw ni Dr. Camille. At halos mamilit ito sa sobrang sakit.

"Ayan tignan natin kung makapag opera ka pa tse, bwesit! Singhal ni Dr. Rhea at sabay lumabas na ito ng banyo.

Samantala si Camille ay walang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak sa loob ng banyo habang iniinda nito ang sakit ng kamay niya.

Samantala ay hinahanap naman ni Dr. Charlie ang kapatid niya.

Habang nag rorounds ito ay nakita niya ang mga kaibigan ni camille sa nurse station kaya lumapit siya doon.

"Ah hello sainyo, ask ko lang kung nakita niyo si Camille, sambit ni Dr. Charlie.

"Nasa OR po ata si Dr. Camille, sabat ni Nurse Jannah.

At tumango na lamang sila.

Hanggang sa nakita nila si camille na papunta sa kanila.

"Oh camille kamusta ang operation, sambit ni Dr. Charlie.

"Ok naman, nasambit na lamang ni Dr. Camille.

At saka tinignan niya ang mga records ng mga pasyente niya.

"Bhe ok ka lang ba? Bakit para yatang umiyak ka, sambit ng mga kaibigan niya.

Ngunit hindi niya ito pinansin at nagpatuloy parin siya sa kanyang ginagawa. Hanggang sa naramdaman niya ang sakit ng kamay niya at tila nadamay pati ang wrist niya kaya hindi niya ito maigalaw ng maayos, at napansin naman siya ng mga kaibigan niya pati na rin ng kuya niya.

"Camille are you ok? May problema ba sa kamay mo? Pag aalala ni Dr. Charlie.

"Oo nga masakit ba kamay mo? Pag aalala ng mga kaibigan niya.

"Ha? Ah oo ok lang ako wala toh wag niyo na lang akong pansinin, sambit ni Dr. Camille.

Hanggang sa nabitawan niya ang mouse na hawak niya at tila hindi niya talaga maigalaw ang kamay niya at sakto naman dumating si Loey kasama ang ate nito.

"Anong problema dito? Camille are you ok, pag aalala ni Dr. Ysabell.

"Opo ok lang po ako, pagsisinungaling ni Dr. Camille.

Hanggang sa napansin ni loey na tila may hindi magandang nangyari sa kamay ni Camille, kaya hinakawan niya ito at napa aray naman si Camille.

"Aray! Sambit ni Dr. Camille.

"Anong nangyari dito sa kamay mo? Tanung ni Dr. Loey.

"Hindi wala ok lang ako, pagsisinungaling ni Dr. Camille.

Sabay pinagmasdan naman ni loey ang kamay niya.

"Camille wag ka nang magsinungaling anong nangyari dito, sambit ni Dr. Loey.

Ngunit nanatiling tikom ang bibig niya.

"Camille please magsalita ka, alam mo bang na injured itong kamay mo at sa tingin ko nadamay pati ang wrist mo, sambit ni Dr. Loey. Na ikinagulat naman ng mga kaibigan nila. Ngunit nanatili parin tahimik si Camille.

"Nurse Jannah pakidala sa X-ray room si Camille, sambit ni Dr. Loey.

At ganun na nga ang ginawa nila, makalipas ang ilang oras ay lumabas na ang x-ray result nito.

Sa Nurse station tinignan ni Loey ang x-ray result nito

At ikinagulat naman ito ng mga kaibigan niya, kaya ipinadala na niya sa OR si camille para maoperahan na niya.

Lumipas ang ilang oras ay natapos ng operahan ni Loey ang kamay at Wrist ni Camille.

"Oh kamusta na, camille anong nararamdaman mo? Pag aalala ni Dr. Charlie.

"Oo nga bhe kamusta ka na, Pag aalala ng mga kaibigan niya.

"Kamusta ka na camille, masakit pa ba ang kamay mo, pag aalala ni Dr. Ysabell.

"Ayos na po ako kahit papaano medyo naigagalaw ko na itong kamay ko, hindi tulad kanina halos hindi ko na talaga maigalaw, sambit ni Dr. Camille.

"Btw maraming salamat sayo Dr. Loey, sambit ni Dr. Camille.

"You're welcome, sambit ni Dr. Loey.

Sabay nagkangitian silang dalawa.

"Mabuti pa tara na since lunch break naman na tara sa canteen kain tayo libre ko, sambit ni Dr Ysabell.

"Ayown tara na since kayo naman may ari ng hospital na toh malamang talagang libre mo heheh, pabirong sambit ni Dr. Mark. Saka nanguna na nga ito maglakad papunta sa canteen.

"Tignan mo talaga tong lokong toh basta talaga pagkain ang bilis bilis, sambit ni Dr. Keith.

"Kaya nga at nang iiwan pa hay naku naman, sambit ni Dr. Daryl.

Sabay nagtawanan naman silang lahat at nagpunta na nga sila sa canteen para mag lunch.

~Emergency L❤ve~👨‍❤👩‍(Bk1) (Completed✔)Where stories live. Discover now