Chapter 20:Romantic Confession

20 7 0
                                    

Saka naghanda na sila camille at ken para sa operasyon na gagawin nila sa OR

Samantala inasikaso niya na lamang ang ibang pasyente, samantala sila camille ay nagsimula na sa operasyon. Makalipas ang ilang oras ay natapos na ang operasyon nila at lumabas na sila sa OR, naunang umalis si camille at naiwan naman si ken, hanggang sa dumating si loey at tinawag niya si ken.

"Ano bang problema mo, sambit ni Dr. Ken.

"Hoy ikaw hindi ka ba talaga titigil sa pagpapansin at pagsisikat mo para makasama ka sa operasyon ni camille, sambit ni Dr. Loey.

"What do you mean? Hindi ako nagpapansin at nagpapasikat ginagawa ko lang ang trabaho ko as a doctor, sambit ni Dr. Ken.

"Oh talaga lang alam mo kahapon ka kapa napupuno na ako sayo, sambit ni Dr. Loey.

"Ano bang pinagsasabi mo bahala ka nga dyan mag hanap ka ng kausap mo, sambit ni Dr. Ken.

"Hoy di pa ako tapos makipag usap sayo, may gusto ka ba kay camille, sambit ni Dr. Loey.

"Ano naman ngayon tsaka isa pa hindi ko lang siya gusto mahal ko na siya, sambit ni Dr. Ken.

Sa narinig ni loey ay mas lalo lang itong nagalit kaya di niya napigilan ang sarili niya, sinuntok niya si ken at muntik na itong matumba kaya binawian naman siya ng suntok nito hanggang sa nagsuntukan na silang dalawa, halos nagbabawian lang sila ng suntok hanggang sa lumabas na sila ysabell sa OR at inaawat naman sila ng mga kaibigan ni loey ngunit ayaw parin nilang tumigil.

"Loey ano ba tumigil na kayo, sambit ni Dr. Ysabell. Ngunit parang walang narinig sila loey at patuloy parin sila sa ginagawa nila.

Hanggang sa dumating si camille dahil nabalitaan niya ang nangyari.

"Dr. Loey , Dr. Ken please tama na ano ba!!! Sigaw ni Dr. Camille at doon lamang natapos ang pagsusuntukan nila.

"Ano ba kayong dalawa kanina lang sa ER nagkasagutan kayo, tapos ngayon naman nagkapisikalan na kayo, sambit ni Dr. Camille.

"Yan ang pagsabihan mo siya unang nanuntok bumawi lang ako, sambit ni Dr. Ken.

"Dr. Loey totoo ba yun ikaw ang nangunang manuntok anong rason, sambit ni Dr. Camille.

"Ang gusto kasi nyan siya ang mag assisst sayo, masyado daw akong nagpapansin at nagpapasikat, sambit ni Dr. Ken.

"Dahil lang dun nagkapisikalan kayo, sambit ni Dr. Camille.

"Ewan ko ba di ko maintindihan takbo ng utak niyan, o baka naman nagseselos lang siya dahil lagi akong kasama mo sa OR, sambit ni Dr. Ken.

At napatingin naman ang mga kaibigan nila kay camille.

"Opss. Bakit ganyan kayo makatingin sakin kung ano man yang nasa isip niyo, hindi yan totoo, sambit ni Dr. Camille.

"Haystt alam niyo kayong dalawa sakit niyo sa ulo, nakalimutan niyo na ata na mga doctor kayo at hindi kayo mga Boksinggero, at isa pa nasa hospital kayo at wala kayo sa boxing ring, sambit ni Dr. Camille.

Saka umalis na ito at ganun din naman ang mga kaibigan nila.

Sa Nurse Station:
Bc si camille sa kakacheck ng record ng mga pasyente niya.

"Ehem.. Ehem.. may love triangle na nangyayari ayiee😄, pabirong sambit ni Dr. Mary ann.

"Kaya nga haba ng hair ni bhe sa sobrang haba umabot na hanggang sa korea😄 pabirong sambit ni Dr. Catherine.

"Ewan ko sainyo maiwan ko na kayo ah, sambit ni Dr. Camille.

Saka umalis na ito at nagrounds na lamang siya. Habang nagrorounds siya ay napansin niya si loey na nag iisa sa staff room habang ginagamot nito ang sugat niya.

"Ehem.. ayan ang napapala ng taong laging naghahanap ng gulo, sambit ni Dr. Camille. Saka umupo ito sa harap ni loey.

"Kung pumunta ka dito para sermonan ako mabuti pa umalis ka na lang iwan mo na ako mag isa dito, sambit ni Dr. Loey.

Sabay kinuha ni camille ang bulak na hawak ni loey at siya na ang gumamot ng sugat ni loey.

"Alam mo Dr. Loey bawas bawasan mo ang init ng ulo mo, tsaka tignan mo nga yang sarili mo kung sino pa yung naunang nanuntok siya pa yung kawawa, sambit ni Dr. Camille habang ginagamot nito ang sugat ni loey.

Pagkatapos ay ginamot niya naman ang kamay ni loey na nasugutan din dahil sa pakikipagsuntukan nito kay ken.

"Hay naku sabi mo sakin ingatan ko ang pinaka importanteng parts ng katawan ko, tapos isa ka rin pala na di iniingatan tong kamay mo, sambit ni Dr. Camille.

"Nayabangan kasi ako sa mokong na yun kaya diko napigilan ang sarili ko, sambit ni Dr. Loey.

"Kahit na hindi parin required na manununtok ka na lang bigla at isa pa napakababaw ng dahilan para gawin mo yun, sambit ni Dr. Camille.

"Teka nga kinakampihan mo ba yung mokong na yun, sambit ni Dr. Loey.

"Hindi ko siya kinakampihan ang gusto ko lang na gawin mo ay humingi ka ng tawad sa kanya, since ikaw naman ang naunang nanuntok ok, sambit ni Dr. Camille.

"Sige na iwan na kita dyan gamutin mo pa yang sugat mo, sambit ni Dr. Camille.

Tatayo na sana siya ng biglang hawakan ni loey ang kamay niya.

"Bakit Dr. Loey may kailangan ka pa ba? Tanung ni Dr. Camille.

Unti unting lumapit si loey sa kanya at halos hindi siya makagalaw sa kinilos nito, hanggang sa unti unting inilalapit ni loey ang labi niya sa labi ng dalaga at di nagtagal ay hinalikan niya ito at labis na ikinagulat ito ni camille, hindi niya inaasahan na gagawin yun ni loey sa kanya, maya maya pa ay dahan dahan na niyang inalis ang labi niya sa labi ni camille.

"Ba~bak~kit mo yun ginawa, sambit ni Dr. Camille.

"Gusto kita camille gustong gusto kita, sambit ni Dr. Loey.

At mas labis pa itong ikinagulat ni camille halos hindi na siya makapagsalita sa narinig niya. Kaya umalis na lamang siya at nagpunta na lamang siya sa office niya. Pagpunta niya sa office niya ay hindi maalis sa isip niya ang ginawa sa kanya ni loey at di niya inexpect na bigla na lamang magcoconfess sa kanya si loey.

Samantala sila catherine at John ay masayang nagkukwentohan sa nurse station hanggang sa nagpaalam muna si catherine na pupunta lamang siya sa banyo.

~Emergency L❤ve~👨‍❤👩‍(Bk1) (Completed✔)Where stories live. Discover now