Chapter 23: Loey's life is in danger.

19 6 0
                                    

Samantala ang kuya niya ay naligo na nga at nag asikaso para sa date niya. Di nagtagal ay naka alis na ang kuya niya at siya na lamang mag isa ang natira sa condo nila hanggang sa may di siya inaasahan na kakatok kaya pinagbuksan niya ito. Nang buksan niya ang pinto ay si loey ang niluwa nito.

"Dr. Loey? Gulat na saad ni Camille.

"Bakit para yatang gulat na gulat ka? Saad ni Loey.

"Huh? Ah nagulat lang ako sayo bakit nga pala nandito ka Dr. Loey? Saad ni Camille.

"Loey na lang ang itawag mo sakin pagwala tayo sa hospital para naman di masyadong formal, sambit ni Loey.

Napatango na lamang si camille saka pinapasok niya sa loob ng condo si loey.

"Halika pasok ka, saad ni Camille.

"Aba talagang napakalinis ni charlie sa bahay man o condo hehe, saad ni Loey.

"Ah oo ayaw kasi talaga ni kuya ng makalat eh, sambit ni Camille.

Sabay nag ngitian na lamang silang dalawa.

"Btw may gagawin kaba ngayon? If wala tara labas tayo, saad ni Loey.

"Hmm sure sige sandali lang ah maliligo lang ako mabilis lang naman ako eh, ok lang ba sayo na maghintay sandali, saad ni Camille.

"Sure take your time camille, sambit ni Loey.

Saka nagmadali na ngang maligo at mag asikaso si camille habang si loey ay umupo muna sa sofa habang naghihintay kay camille, mga ilang oras ay natapos ng mag asikaso si camille kaya lumabas na siya ng kwarto niya.

"Nainip ka ba? Tanung ni Camille.

Natulala naman si loey dito.

"Loey! Hoy! Saad ni Camille.

At doon lamang natauhan si loey.

"A-ah may sinasabi kaba? saad ni Loey.

"Wala sabi ko let's go na heheh, saad ni Camille.

Saka umalis na nga sila at namasyal kung saan saan, habang namamasyal sila ay may napansin silang isang lalaki na masasagasaan na ng sasakyan, kaya tumakbo ng mabilis si loey upang iligtas ang lalaki mabuti na lamang ay nakaabot siya kaya nailigtas niya ang lalaki, ngunit nang iligtas niya ito ay pareho silang natumba, saka naman sila nilapitan ni camille.

"Manong! Ayos ka lang po ba, saad ni Camille.

Saka tinulungan niya itong tumayo pagkatapos ay si loey naman ang tinulungan nitong tumayo.

"Loey ayos ka lang? tanung ni camille.

"Ok lang ako, saad ni Loey.

"Manong ayos ka lang po ba? Tanung ni Loey.

"Oo ayos lang ako maraming salamat sainyo, saad ng lalaki.

"Sandali lang po wala po bang masakit sa inyo? Saad ni Loey.

"Wala naman ayos lang po ako, saad ng lalaki. Saka umalis na ito.

~Emergency L❤ve~👨‍❤👩‍(Bk1) (Completed✔)Where stories live. Discover now