"nasaan sila Santa?" tanong ko sa isa sa mga kaklase nila Santa ng makapasok ako sa room nila
"Uno crush ka daw ng kaibigan ko!!" napatingin ako sa isang babaeng turo turo ang katabi na tinatakpan ang mukha ng libro "uyy tinignan ka niya"
Hindi ko na sila pinansin, wala sa Art room ang dalawa nasaan napadpad mga yun?
"nasa school gymnasium sila, pinatawag sila ng school principal dahil sila ang napili para maging prince sa darating na party, partner nung dalawa si Caffey dahil si Caffey lang naman ang pinili ng buong school para maging partner ng dalawa mong kaibigan" sabi nito sakin
Kaya naman pala wala yung dalawa, sabagay bagay naman sa kanila maging prince at princess at ang kailangan lang nilang gawin sa party ay umupo sa kanilang mga trono katabi si Tito Aiden at Tito Maze, magkakaroon din sila ng golden time ibig sabihin nun si Mallen at Santa ay isasayaw si Caffey sa gitna ng maraming tao, usap usapan din na sa pagpatak ng ala una nang umaga kapag tapos na ang pagsasayaw ng tatlo sa gitna, kapag kinuha na ng dalawa ang korona na nakalagay sa magandang glass table at ipinatong sa ulo ng kanilang partner sila ang magtutuluyan magpakailanman pero usap usapan lang naman, a myth.
Dahil walang magawa at vacant namin nagtungo ako sa gymnasium, nang makapasok sa loob at tumakbo ako patungo sa itaas at umupo...kinakausap ng principal yung dance instructor na magtuturo sa tatlo kung paano sumayaw, nang matapos ang pag uusap nagsimula nang tumunog ang pang magandang musika...si Santa muna ang unang tinuruan ng dance instructor, nilagay ni Santa ang isa kamay sa bewang ni Caffey at hinapit papalapit sa kaniya habang ang isang kamay naman nito ay nakataas at hawak hawak kamay ni Caffey
Pumalakpak yung dance instructor upang makuha ang atensyon ng dalawa
"put one foot between your partners feet and your other foot on the outside, and if there is more space between your partners, put your toes infront of your partners toes and about an inch off to the side...that's it Santa, that's it.....Caffey extend your arm more"
Kahit nasa malayo ako nakita ko na napangiti ang dalawa ng mamula hanggang balikat si Caffey
"ihiga mo ang gilid ng ulo mo sa dibdib ni Santa" utos ng dance instructor kay Caffey
No regrets, tama pinili ng school bagay bagay ang tatlong ito sa magiging role nila sa party...umangat ang kamay ni Santa upang ilagay sa likod ng tenga ang buhok na humaharang sa mukha ni Caffey maya maya si Mallen na ang sumunod, katulad ni Santa madali nitong na adapt ang position ng sayaw....kung ganon magiging busy pa sila sa mga susunod na araw?
BINABASA MO ANG
Silent Obsession (COMPLETED)
Randomwe don't need you to light up our world. just sit with us in the dark.