Sumandal si Santa sa hood ng kaniyang kotse habang si Mallen naman ay nasa gilid at kumakain ng chichiryang nabili nito sa tindahan. Kasalukuyan nilang hinihintay ang triplets sa labas ng elementary school kung saan sila pumapasok.
Tinanguan lang ng dalawa ang mga nanay na nasa shed at hindi maialis ang tingin sa kanila minsan pa nga ay nahuhuli pa nila ang mga itong kumukuha ng litrato. Sanay na ang dalawa dahil simula ng pumasok ang triplets sila na ang hatid sundo.
Napaayos na ng tayo ang dalawa ng bumukas ang gate ng elementary at nagsilabasan ang mga maliliit na bata, hindi naman sila nahirapang hanapin ang triplets dahil as usual maraming nakapalibot sa kanilang mga kaedaran nila trying to make friends with them while the other little girls has a crush on them.
"Papa!" Naunang tumakbo papalapit sa dalawa si Zeurt "naubos ko yung nasa lunchbox ko!" Masaya nitong pinakita ang lunchbox na wala ng laman "look, may stars din ako" sunod nitong pinakita ang likod ng palad na may tatlong stars
"Papa" nakipag fistbomb lang si Zemus kay Santa at Mallen at pumasok na sa backseat
Nahuling dumating si Zenon dahil hindi siya tinitigilan ng mga kaklase
"Im hungry" sabi ni Zenon "matakaw si Zeurt, kinuha niya half of my food kanina"
"Go inside, titigil tayo sa madaanan nating fastfood restaurant" Mallen
"How's school?" Santa asked while driving
"It's good" sagot ni Zenon "si Zemus pinagalitan siya kanina ni Teacher dahil inagawan niya lapis katabi niya"
"Zemus...." Mallen "pinagsabihan ka na ni papa Uno, diba? If you want something say it nicely"
"But papa---he don't want me to borrow his pencil!" Inis na sabi ni Zemus, pinag cross nito ang braso at isiniksik ang sarili sa gilid ng kotse
"Nasaan ba ang lapis mo?" Santa asked
"He broke it!" Taas kamay na sabi ni Zeurt na nasa pagitan ni Zenon at Zemus
"Again?" Sabay na sabi ni Mallen at Santa "kakabili lang namin sayo ng limang lapis nung isang araw ah?" Mallen
"He needs a pencil made out of metal papa, so he can't easily break it" Zenon
Nang makauwi na ang mag aama ay sinalubong kaagad sila ng mainit na yakap ni Uno, masayang ikinuwento ni Zeurt ang mga nangyari sa kaniya ngayong araw, taimtim naman na nakikinig si Uno sa walang sawang pagsasalita ni Zeurt.
"Kain na mga sers" tawag ni Oting sa kanila matapos mabihisan ang triplets
Umupo na sa kaniya kaniyang pwesto ang triplets pati ang kanilang mga ama, tinawag na nila si Oscar upang sabayan na sila sa pagkain si Oting naman ay nagdala ng ulam at kanin sa mga kasamahan ni Oscar.
"Maligo tayo sa dagat mamaya" aya ni Zeurt
"Malakas ang alon, Zeurt." Zenon
"Edi cool!" Sabat ni Zemus
"It's dangerous" Mallen said and stole a kiss from Uno who's busy eating
"Kailan ang punta nila lolo?" Asked Zeurt, tinutukoy si Aiden at Maze
"Tomorrow" maiksing sagot ni Santa
"Yey!! Im sure lolo bought me new robot toys" Zeurt squiled at kinagat pa ang kamao upang pigilan ang pagbounce bounce sa kinauupuan
Natawa si Uno sa nakita.
"I want a new ball papa" ngusong tinawag ni Zemus si Mallen at Santa "yung big na, i don't want the small one."
"Maliit ka pa at hindi mo pa kayang---"
"Papa Uno" Zemus hissed
"Ok, ok....bibili tayo mamaya" Santa tap Zemus shoulder "ubusin mo muna yung nasa plato mo"
Napatingin naman sila mallen, Santa at Uno kay Zenon ng tahimik lang itong kumakain.
"How about you Zenon?" Uno
"Im fine with my ipad" he answered immediately
"Ano ba ginagawa mo sa ipad mo?" Kunot noong tanong ni Santa
"Im studying about the animals papa" Zenon answered
Napatango nalang ang mga ito at pinagpatuloy na ang pagkain.
BINABASA MO ANG
Silent Obsession (COMPLETED)
Randomwe don't need you to light up our world. just sit with us in the dark.