Chapter 22

4.9K 215 15
                                    

"Mateo" umangat ang tingin nito sa akin




"Bakit?"




"Nagpalit kasi ako ng numero ng cellphone, nahingi ko na yung kala Chian at Eljon"





Pinakita ko ang proof na nagpalit na talaga ako ng numero baka kasi kung ano pa isipin niya at baka magtampo at isipin na hindi ko na isave kaagad ang numero niya----marunong bang magtampo ang lalaking to? He's so manly, hindi niya bagay magtampo, hindi ko din maimagine na makikipaglambingan siya o di kaya ay magiging sweet sa magiging kasintahan niya, kinuha nito ang phone ko at sinave ang numero niya sa contact list ko.





Maganda nga ang ginawa kong pagbili ng bagong sim, nasave ko din naman numero nila Tito Aiden at Tito Maze itetext ko nalang sila kapag maayos na ang lahat, baka kasi hindi ko matyempuhan at sila pa ang makabasa ng text ko mas mabuti nang maingat, ilang araw na din matapos ang live na ginawa namin at kinabukasan nun walang tigil sa kakatawag ang dalawa sa akin kaya ang pumasok sa isip ko ay ioff ang phone ko pero pinagalitan naman ako ni Maganer Aya at ng mga kabanda kk dahil hindi daw ako matawagan.





Nagpasalamat na ako kay Mateo at lumabas ng practice room para bumili ng makakain namin sa labas, itinago ko na ang phone sa bulsa at nang makalabas sa building ay tumawid ako sa kalsada dahil nasa kabila ang bilihan nang makakain




"Siomai po" nakangiting inabot ko ang bayad sa matanda




"Kuha ka lang diyan apok" ani nito "ilang plastic cup?"




"Apat po"




Kinuha ko ang plastic cup na binigay nito pati na din ang stick, tumusok na ako ng siomai at pinalagay sa plastic, nang matapos ay kaagad akong bumalik sa loob ng building, minadali ko ang pagpasok sa practice room dahil baka mahuli ako ni Manager Aya dahil mahigpit na pinagbabawal nitong bumili kaming apat nang makakain sa labas ng building dahil meron naman daw cafeteria dito sa loob pero sawa na din kasi kami sa vegetable salad at mga prutas, wala ding lasa minsan yung ibang sweets kaya hindi maganda kain naming apat.




"Nakalimutan ko pala bumili ng buko juice" napatampal ako sa noo ng maalala na wala nga pala kaming maiinom




Kakamadali ko kasi!




Lumapit si Eljon na may dala nang gatorade na malaki, baso nalang ang kulang kaya kumuha si Chian sa labas




"Tatlong araw nalang fan meeting na" seryosong sabi ni Mateo at sinubo ang dalawang siomai at humigop pa ng sauce





Marahang ginulo ni Chian ang buhok ko nang makabalik na, halata ba talagang kinakabahan ako? Hindi pa nga ako nag re-react alam na nila ang gusto kong sahihin o ipaalam





"Sa una nakakakaba dahil ang daming taong nasa paligid at may mga camera pa na nasa paligid at kinukuhanan lahat ng mga bagay na Gawin mo pero kapag habang tumatagal na e-enjoy mo na" Eljon said





"Dahan dahan nang lumalaki ang pamilyang Orions" tukoy ni Chian sa mga fans nila/namin. "Kaya i expected na mas doble na ang mga pupunta sa fan meeting"





"Kinakabahan din kami, hindi lang halata" kinindatan ako ni Eljon tsaka uminom ng gatorade






Ilang oras pa kaming nag practice at as usual pagod nanaman ang aking lalamunan pati na din ang katawan dahil hindi din naman ako matigil sa kakatalon at kakaheadbang habang nakanta, rock songs kasi ang napili namin na ipe present sa fan meeting.





"Ingat sa daan Toper" kumaway ako nang makalayo na ito






Nakaamoy ako ng mabangong aroma kaya nagmamadaling inilagay ko ang rubber shoes sa shoe rack at inilapag ang bag sa sofa bago patakbong tinungo ang kusina, nakita ko si Akel na tanging boxer lang ang suot at apron kaya flex na flex ang kaniyang muscles at magandang hita, pumikit ako kasabay ng pagtunog ng tiyan ko senyales na gutom na, buttered shrimp at beef steak ang niluluto niya.





"Bango~~~" napangisi ito ng marinig ang aking sinabi






"Chef Akel kaya to, ayusin mo na yung lamesa malapit na din tong matapos"





Sumaludo ako at inayos ang lamesa, tinulungan ko siyang ilagay ang mga tapos nang lutuin sa mangkok bago kami naghugas nang kamay at nagsimula nang lantakan ang pagkain na nasa harapan, pula pa ang balat ni Akel ayon sa kwento nito ay babad sila sa araw ng ilang araw, pero sa tingin ko naman masaya naman siya kahit na umuwing pula at mahapdi ang balat.






"Pumayat ka, pinapakain naman kita ng madami" nakanguso itong ngumunguya habang tinitignan ang katawan ko





Napakamot ako sa braso






"Wala kasi kaming tigil sa pag practice tsaka pili na din ang kinakain namin" naiiyak nalang talaga ako sa nangyayari pero masaya naman ako, dito nalang talaga sa bahay ni Akel ako nakakakain nang madami at talagang mabubusog ako





"Sabagay" kibit balikat na sabi nito






Tahimik na ang sumunod na pangyayari, ako na naghugas ng pinagkainan at nagwalis muna ako sa sala bago pumasok sa kwarto at naligo, dahan dahan ang pagpasada ko ng sabon sa dibdib at nang may maalala ay kaagad kong binuksan ang shower at nilapat ang dalawang palad sa dingding kaya yumuko, hinayaan kong tumulo sa buhok ko ang tubig.





"Makita tayo nila Tito Aiden" mahina kong sabi sa dalawa nang maipasok nila ako sa loob ng banyo dito sa kanilang kwarto





Napangisi si Mallen at mahigpit na hinawakan ang aking panga, napakapit tuloy ako sa braso nito at pilit siyang inilalayo sa akin.





Santa chuckled





"Do you not trust us?" Mallen gritted his teeth





"Huwag ngayon, please. Wala naman akong ginawang ikagagalit niyo ah, sinunod ko naman kayo" nagdikit ang aking mga kilay at mas nag panic nang bitawan na nito ang panga ko pero kinuha naman niya ang dalawa kong kamay at idinikit iyon sa pader






"Hindi naman porket wala kang ginawang ikagagalit namin ay hindi ka na namin pwedeng tikman" sabi ni Santa na inaalis na ang pagkakabutones nang uniform





"Let go of me!" Sinamaan ko na ng tingin si Mallen "hindi pwede to! Hindi ko to gusto!"






Lumapit na si Santa at pareho na silang nakadikit sa akin.






"We don't fucking care, Uno. Sayo kami at samin ka" Mallen





Wala nanaman akong nagawa, napaka hina ko, nagpagalaw nanaman ako sa kanila, hinayaan ko nanaman silang paglaruan ang katawan ko. Ang pagmamakaawa na ginagawa ko at hindi nila pinapansin mas nagbibigay lakas pa sa kanila iyon





"Wear this" sinalo ko ang binato ni Mallen sa akin "fix yourself"






Sabay silang lumabas ng banyo habang naiwan naman ako dito sa bathtub na umiiyak





Iniwasiwas ko ang masamang ala alang iyon at pinagpatuloy na ang pagligo.





I am traumatized.




Terrified.






Dahil hindi ko kayang mapanatag, pinilipit ko pero wala talaga dahil alam kong dadating ang panahon na muli akong babalik sa kanilang mga kamay. Hindi nila ako basta basta pakakawalan, ayokong hayaang hilahin nila ako sa dilim kung saan sila nabagagay, gusto kong maging mapayapa.






This fucking dark memories!






(I love you all and stay safe!!!!)








Silent Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon