Dripped 28

12 2 0
                                    

Dripped 28


"Kumusta kayo rito?" agad na tanong ni Pietro sa ilang bata na nasa ibang evacuation.

"Kuya..." naiiyak ang isang bata. "Wala na sila Jessie... sila Poypoy..."

Tumango lang si Pietro sa sinabi ng bata. Nakita ko naman ang pag-iba ng anyo niya.

"Alam ko..." sabay himas niya sa likod ng paslit. "Sana masaya na sila kung nasaan man sila ngayon."

"Mami-miss ko po sila," ani ng bata at hinagod lang ni Pietro ang likod nito.

Hindi ko alam pero parang naiiyak ako habang pinagmamasdan sila. Matapos kaming bumisita roon ay pumunta kaming ospital, na kung saan ay nandoon daw ang nag-iisang nakaligtas sa trahedya. Nakakalungkot isipin na sa dami nila ay tanging siya lang ang nakaligtas.

"Nasaan ang bata?" agad na tanong ni Pietro sa nurse.

"Nando'n po," sabay turo sa isang room.

"Salamat," ako na lang ang nagpasalamat sa babae dahil kaagad na pumanhik doon si Pietro.

Nang makapasok kami sa loob, nakita ko ang estado ng bata. Nakabalot ng bandage ang isang paa niya habang isa naman ay sa tingin ko sinemento. Napatitig ako kay Pietro na 'di alam kung pupuntahan ba ito o hindi. Hinaplos ko ang braso niya, saglit naman niya akong sinulyapan at hinimas ang kamay ko.

"You need to, babe..." mahinang sinabi ko sa kaniya, tumango lang siya at kagyat na pumunta sa bata.

Naupo siya sa tabi ng paslit. Hinagod niya ang buhok nito, pero nahihirapan itong gumalaw. Napayuko si Pietro pero hinawakan ng bata ang malaki niyang braso. Napatingin siya rito.

"Kuya..." naluluhang sinabi ng batang lalaki. "Ako ito... si Jessie."

"Jessie?" agad na sinabi ni Pietro, niyakap ito. "God, buti naman at ligtas ka. Nasaan sila Poypoy? Sila Marie?"

Hindi nakasagot ang bata. Lumayo naman si Pietro at nakita niya itong naluluha. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana dahil ayokong maluha. Salamat at siya ang nakaligtas.

"Kuya..." pagtawag ulit ng bata, tumingin si Pietro dito. "Kuya wala na sila."

Pietro's eyes pooled in tears. The corner of his eyelids is trickling. I haste to come over to him. I rubbed his back, kissing his head. He held my hand as he shoved his face to my breast. Until I feel the droplets of the tears trickling down to my skin. I steady my lips on his head.

"It's okay..." sabay halik ko sa ulo niya. "It's okay."

Niyakap niya ako nang mahigpit. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko sa nararamdaman ngayon. Hindi ko kayang makita siyang ganito. Para na naman akong dinurog nang ilang beses sa hindi ko malamang dahilan. Nasasaktan ako na naaawa na hindi ko na alam kung ano ito.

"Kuya..." pagtawag ulit ng bata.

Pinilit niyang inayos ang sarili niya. Kahit na may luha pa ring pumapatak sa mga mata niya. Tumingin siya sa bata at hinawakan naman siya sa braso. Hinila niya si Pietro at kapagkuwan ay hinila ito. Mahigpit namang niyakap ni Pietro ang bata.

"Kuya, wala akong nagawa..." hagulgol na sinabi ng bata. "Wala akong nagawa para masalba sila. Wala akong nagawa! Wala akong kuwenta..."

"Shh..." sabay hagod ni Pietro sa likod ng bata. "Hindi mo kasalanan. Nandito na si kuya. 'Wag ka nang umiyak...."

Kahit pilit na pinapalakas ni Pietro ang bata, ay mismong siya ay napapikit sa sakit na nadama ngayon. Lumayo siya sa bata at kapagkuwan ay hinawakan ang pisngi nito. Pinilit na ngumiti ni Pietro kahit na nadudurog na ang loob niya sa sakit na nararamdaman.

DrippedWhere stories live. Discover now