Kabanata 11

164 48 0
                                    

"Tikman mo nga, Mikay. . . . . . "Papa lended me the ladle.

He's cooking, while I'm just by his side. Side kick kung baga.

"Hmmm . . . masarap. . . " I commented with the food he cooked. "Kahit naman hindi mo patikim sa'kin 'yan, masarap pa din. Ikaw ba naman ang nagluto eh. . . ."

"Ija naman, masyadong honest. . ." We both laughed at each other.

"Papa, Ate!" Napalingon ako sa kung saan ang pinanggalingan ng boses ni Kai. Habang tinatapon ko ang mga pinagbalatan ng sibuyas at bawang.

Napagmasdan ko siyang hingal na hingal habang papasok sa kusina. May hawak siyang kung ano sa kanang kamay niya.

"Kai, ba't pawisan ka?" I asked as I touched his forehead and back.

"Nag-run ako eh and ang kapal pa ng jacket ko po . . . ." He answered. Inabot ko ang mukha niya at pinunasan iton.

"Anong hawak mo?" Tanong ko saka niya inilahad sa akin ang hawak niya.

"Suman. Aling Lagring gave me kanina sa bahay nila hehe, I remember you lang kaya I run here para bigyan ka. 'Di ba want mo "to, Ate?" Dire-diretsyong tanong niya sa akin at ako nama'y nakatitig sa inilahad niyang suman sa akin.

I remember, I really like these kind of food. Madalas gumawa si Mama nito no'n.

Iniabot ko iyon pero hindi ko muna kinain. "Oo, naman."

"Kai, andyan kana pala. Gusto mo na ba kumain?" Umalis si Kai sa harap ko at pumunta siya sa kusina. Gusto niya kumain panigurado, luto ni Papa 'yon eh.

Napatitig ako sa suman sa kamay ko.

I suddenly remember my Mom. Masarap siyang gumawa ng mga malagkit. Hindi lang suman ang ginagawa niya noon meron ding bibingka o patupat.

Hindi ko na maalala yung iba dahil matagal na iyon. Pero naaalala ko pa din yung mga lasa.

Hilig ko noon iyong pang agahan at i-partner sa gatas no'n.

Nagdadala pa ako noon sa eskuwelahan para baunin. Minsa'y hindi na ako nanananghalian dahil napapadami ang meryenda ko ng ganon at madaling makabusog.

"Mikay, Ija, samahan mo na kami kumain." I turned my gaze at my father. Nawala ako sa iniisip. Nakadungaw siya sa hamba ng pintuan sa kusina.

I smile and nodded. Inilapag ko sa mesa ang suman at dinungaw ang nasa hapag.

Napakagat ako ng labi nang tikman ang luto ni Papa.

Ba't hindi ko kaya magaya o mapantayan man lang? Anlayo ng luto ko sa luto niya pero may kasarapan naman pero malayo sa luto niya pero may kasarapan pa din.

Ano kayang sercet recipe?

Nasa technique ba ng pagluluto?

O, baka hindi lang ako gifted? I pouted. Kaasar. I want my fathers' gift in cooking.

Wala, walang-wala ako.

Nag-iling ako sa sariling iniisip at sinimulan ng kumain. Disperas ng piyesta ngayon at sasalubungin na namin ang piyesta mamayang alas-dose ng gabi.

Ang piyesta ay sadyang mahalaga sa min, sa mga mamayan. Parang pasko na lang din.

Ang araw kase na ito ay ang pagkakahanap sa aming lugar noong unang panahon. Tinatayang ilang siglo na ang lugar. Pinagpapasapasahan ng panahon.

Maaga akong nagising kanina pero mas maaga si Papa para magluto. Kahapon sana kami magluluto pero maaga akong nakatulog kaya inagahan ko nalang ang gising.

Comes through RaindropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon