PAG-USBONG

2 0 0
                                    

"Alam na kaya nila?" tanong ni Nico habang hinahaplos ang dibdib ng katabi at ang ulo ay nakadagan sa matipuno nitong braso. Mahahalata ang pagod sa kanilang mga mukha, ngunit ang ligaya na dulot ng ilang oras na pagtatalik ay nababanaag sa kanilang mga mata. Alas-nuwebe na ng gabi pero pareho paring wala sa isip ang tumayo sa kama. Ni hindi alintana ang malulukot at basang bedsheet na gawa ng pagkiskisan ng dalawang pawisang katawan ilang minuto lang ang nakalipas, o maski ang ingay ng mga sasakyan sa labas.

"Ang alin?" balik-tanong naman ni Ivan sa kanya. Napatingin ito kay Nico na nakakunot ang noo.

"Yung tungkol sa'tin," paglilinaw ni Nico. "Nahahalata na kaya tayo sa opisina?"

"Sabi ko naman sa'yo huwag mo ng isipin 'yung mga ganyan," ang marahang saway ni Ivan sa kanya. "Wala akong pakialam sa sasabihin nila tungkol sa'kin, sa'yo, o sa mga ginagawa nating dalawa. What matters is masaya ako kapag kapiling kita." Pagkatapos ay hinaplos niya ang maamong mukha ng katabi at siniil ng mainit na halik ang kanyang mga labi.

Hindi man aminin ni Nico sa sarili, nakakadarang ang mga halik ng lalaki. Si Ivan ang tipo na kayang magpanginig ng kanyang mga kalamnan maski sa titig palang. Kakaiba ang karismang dulot nito sa kanya. Nakakapagpabaga ng dati ay walang init niyang katawan.

Kung kasalanan man itong maituturing sa tingin ng iba, at tila isang rehas at putik na bibilanggo at lulunod sa kanya, ay ayaw na niyang umahon pa. Sa puntong ito, hindi na niya yata kakayanin pang mawalay sa lalaki. At gaya nga ng nabanggit ni Ivan, pabayaan nalang ang ibang tao na husgahan silang dalawa, sapagkat alam niya sa sarili, at maging si Ivan na kagustuhan nila ang nangyayaring ito ngayon.

"B-Baka...baka hi-hinahanap ka na sa inyo?" ang halos pasinghap na sambit ni Nico nang magsimula na namang dumausdos si Ivan habang nakadagan sa kanya. Napaigtad at napa-arko siya sa nararamdaman. Hinawakan nito ang buhok ng lalaki nang may halong pagpipigil na lumampas pa ito sa puson niya. Tuliro ang kanyang isip sa sensasyong dulot ng paggapang ng mga labi ni Ivan sa kanyang katawan. Tila ito'y maliliit na boltahe ng kuryente na bumabalot sa kanyang buong pagkatao.

"Hmmm...'di yan." Ang pabulong na sagot ni Ivan habang wala pa ring tigil sa paghalik sa katawan ni Nico. Minsan bibig lang, minsan may dilang kasama. Pagkatapos ay umangat ito at pinaliguan ng mumunting halik sa pisngi ang kasiping. "Ayaw mo na ba?" ang pabirong pagbabanta nito habang kinakagat-kagat ang kaliwang tainga ni Nico.

Biglang lumapad ang ngiti ni Nico sa pilyong tanong ng kaulayaw kaya't tinulak niya ito mula sa pagkadagan sa kanya, at siya naman ang pumaimbabaw sa lalaki. Nakangiti na din ito nang humarap ang kanilang mga mukha. Tinaasan niya ito ng kilay, ngunit ang mga mata ay animo nagtatanong kung uulitin pang muli ang pagsasalong kanilang ginawa. Ang kindat ni Ivan sa kanya ang nagsilbing hudyat na pasiklabin pang muli ang minsan nang nag-apoy na mga damdaming nais kumawala.

Bahala na ang bukas.

Fleur De Vigne: TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon