PAMUMUKADKAD

2 0 0
                                    

"Ano pang dadalhin ko?" hindi mapakaling tanong ni Nico habang tinutupi sa loob ng malaking bag ang ilang pirasong damit-panligo at pantulog. Sa tainga nito nakasabit ang Bluetooth earphone at kausap si Ivan. Kanina pa siya labas-masok sa kanyang kwarto na parang may hinahanap, ngunit hindi niya alam kung ano.

"Aligaga ka na naman," ang sagot ni Ivan sa kanya na sinabayan ng mahinang tawa. "Pang-dalawang araw lang na mga damit ang kailangan natin at hindi buong kabinet mo."

"Bakit di mo kasi sabihin sa'kin kung anong gagawin natin sa Batangas para akma sa okasyon ang dadalhin ko," ang kunwari ay nagtatampong sabi ni Nico. Nakakunot ang noo nito, ngunit ang nadaramang galak ay parang mga palangganang nagkakalampagan.

Ilang linggo pagkatapos ng mainit nilang pagtatalik ay napagkasunduan nilang magliwaliw sa labas ng maingay na lungsod kahit na ilang araw lang. At nakamarka ang mga araw na nagdaan sa kanyang kalendaryo. Hindi nga siya halos nakatulog kagabi sa kaiisip ng mga pwede nilang gawin ni Nico sa kanilang bakasyon, ngayong masosolo na niya ulit ang lalaki.

"Nics, sabi ko naman sa'yo bawal sabihin kasi it's a surprise. Besides, hinanda ko 'to para sa'yo kaya akong bahala," ang nabanggit nalang ni Ivan.

Alam ni Nico na saulado na ni Ivan ang mga paglalambing niya kaya kahit mag-inarte siya pagkausap ang lalaki ay hindi nito pinapatulan.

"Relax ka lang okay," pagdadagdag pa ni Ivan para kumalma siya. Na ikinalapad naman ng kanyang ngiti. Nahuhulog na talaga ang loob niya sa lalaki.

"Basta sunduin kita sa bahay mo in two hours para hindi tayo maabutan ng traffic sa daan," ang habilin ni Ivan bago naputol ang kanilang pag-uusap.

Matiyagang naghintay si Nico sa terasa ng kanilang bahay sa pagdating ni Ivan. Mag-aalas dos na ng hapon ngunit hindi parin niya naririnig ang maingay na arangkada ng sasakyan nito. Ilang tasa ng kape narin ang kanyang nilagok para mawala ang antok na pilit humihila sa kanya. Madaling araw palang kanina ay gising na siya, este gising pa siya sa kakahintay ng sandaling ito kaya't kung anu-anong eksena na ang pumapasok sa kanyang kaisipan habang tumatagal ang oras.

Hindi rin naaalis ang hawak at tingin niya sa cellphone. Baka sakaling tumawag o kaya'y mag-text si Ivan. Ayaw naman niyang guluhin ang lalaki at baka nagmamaneho ito papunta sa bahay niya.

Kalauna'y tumayo siya mula sa pagkasalpak sa sahig ng kanyang terasa at akmang pupunta ng kusina para magtimpla ng isa pang tasang kape nang tumunog ang cellphone nito.

Text message.

Binuksan niya ito at binasa. Hindi pa man lang nangangalahati sa pagbasa ng text ay binagsak na niya agad ang hawak na cellphone at tumama ito sa gilid ng mesa bago mahulog sa sahig. Tanggal ang casing.
Andaming mga posibilidad ang sumagi sa isip niya kanina, ngunit hindi ang pangyayaring ito.

Napansin nalang niyang nanginginig na ang kanyang mga kamay. Napasalampak siya ulit sa sahig. Nakatiklop ang mga tuhod at yakap-yakap niya habang tinatapunan ng tingin ang nahulog na cellphone.

"Sira na," ang nasambit na lamang niya.

Hindi namalayan ni Nico na tumutulo na pala ang luha sa kanyang mga mata. Pinahid niya ito ng kanyang mga palad bago pinulot ang casing at cellphone, at pagkatapos ay inayos. Wala itong kahit anumang galos.

Binasa niya ulit ang natanggap na mensahe. At pagkatapos ng isang mahabang buntong-hininga at pagpahid ulit ng tumutulong mga luha, ay dinampot nito ang dadalhing bag sa bakasyon at lumabas ng bahay.

Pumara si Nico ng dumaang taxi ay dali-daling sumakay. Pagkatapos ay sinabi sa driver ang pupuntahan. "Manong, ospital po."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fleur De Vigne: TadhanaWhere stories live. Discover now