Chapter 07: All For One

19K 1.6K 3.7K
                                    

A/N: This is the calm before the storm.

TRIGGER WARNING: MENTION OF SUICIDE ATTEMPT

TRIGGER WARNING: MENTION OF SUICIDE ATTEMPT

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JAMIE

I COULDN'T stop thinking about Madonna. Noong isang araw pa lang, nagkukulitan kami sa stage, nagbibiruan 'tapos mumurahin ni direk, at nagpupustahan kung sino sa amin ang may makalilimutang lines kapag actual show na.

Sa isang iglap, nagbago na ang lahat. It felt like a switch was flipped and the world turned on Madonna. She's been in the news lately kahit hindi gano'n ka-high profile ang napatay niyang si Parker. Kung babasahin ang mga comment sa social media post tungkol sa case niya, halos isumpa na siya ng mga tao. Almost everyone wished her ill. Kung nakamamatay ang mga salita, baka napahamak na si Madonna sa sobrang bigat at sakit ng mga pinagbabato sa kanya.

Her arrest affected not only her, but also our theater play. Ang akala ko pa nga'y makikisimpatiya ang mga kasama ko. But no! They joined in the chorus and started throwing bad words at her. Even our director was mad at Madonna, not because she killed someone, but because we didn't have someone to fill her role. He became more furious when we had to postpone our play dates because of that. 'Yon pa talaga ang una niyang pinroblema.

Wala bang puso ang mga 'to? How could they act like Madonna was a very bad person when we're just sharing laughs and food and drinks with her a couple of weeks ago?

Ang hula ko, wala ni isa sa kanila ang may pakialam sa co-star namin. I was proven right when I visited Madonna at the correctional facility. Maliban sa kanyang family at abogado, ako lang daw ang nagtitiyagang bisitahin siya linggo-linggo rito. The rest didn't even bother to send her a note or anything.

Nanlumo ako noong binisita ko siya sa weekend bago mag-start ang trial. Halos isang buwan pa lang ang nakalilipas nang makulong siya rito, malaki na agad ang ipinagbago niya. Namayat ang dati niyang malusog na mukha. Buhaghag na ang buhok niya. Lalong umitim at lumalim ang kanyang eyebags. Naging dry na ang kanyang skin. Pati ang pangangatawan niya, bumagsak na rin.

I couldn't imagine how hard her life must have been inside this facility. Parang hindi ko kakayanin kung ako ang nasa posisyon niya.

"Donna..." My eyes welled up with tears as I held her hand firmly. Naluluha rin siya habang nakatitig sa akin. "Magpakatatag ka lang, ha? Makalalabas ka rin dito. Makapagpe-perform tayo ulit sa stage. Promise 'yan!"

"Jamie..." Hindi na niya napigilan at tumulo na ang mga luha niya. She tried not to sob in the presence of other inmates and visitors. "Sana nga... Sana nga..."

Wala akong magawa kundi bigyan siya ng words of encouragement at hawakan ang kanyang kamay para ipadamang nandito ako para sa kanya. But I knew this wouldn't be enough. I may give her temporary relief now. But once she returned to her cell, she'd be feeling all the negative feelings again.

Future of the QED ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon