Chapter 20

82 3 3
                                    

Chapter 20: Chaos
Shekaina

"Talaga?", hindi ako makapaniwala sa kinukwento sa akin ni Liya. "Ehh, bakit hindi ako nagising?", dagdag ko pa.

"Ewan ko ren. Hindi na din kita ginising. Hindi naman siya ganun ka-big deal, siguro? Ewan?", pahayag ni Liya.

"Naku, binibiro mo lang ako ehh", baka naman kasi hindi totoo itong mga kinukwento niya sa akin. Tapos lahat daw ng dorm ay nabasagan ng salamin? Sa kalagitnaan ng gabi?

"At bakit naman kita lolokohin ha?", she replied while giving me a serious look. "Edi tanungin mo silang lahat!", she added.

"Okay, okay, chill", I replied. "Ehh nasaan na yung mga cards? Dapat meron kayong lahat nun, based sa sinabi mo", tanong ko sa kaniya habang hinihintay kung maglalabas ba siya ng bagay mula sa kaniyang bulsa o bag.

"Wala", she stated.

"Huh? Akala ko ba–"

"It disappeared", she replied.

"Disappeared?", paanong nawala? Akala ko ba ay may bumasag na mga cards sa bintana ng mga dorms? Nasaan na?

Kaagad kong nilingon si Jerald. Isinara niya ang librong kaniyang binabasa at inayos muna ang buhok bago niya ako hinarap.

"Pwede mo bang ipakita sakin yung card na tinutukoy ni Liya?", I asked, hoping that he will show me whatever that card is. Hindi talaga ako makapaniwala sa kinukwento ni Liya. Siguro kung meron akong makikitang card physically ay baka makumbinsi ko ang aking sarili.

Hindi rin ako makapaniwala na hindi ako nagising ng mga oras na iyon. Sabi ni Liya, kaya niya daw ito ikinuwento ay para hindi ako ma-out of place mamaya kapag ini-report nila ito kay sir.

"She's telling the truth. Hindi nako nakatulog after namin magkita-kita sa alley ng second floor ng building. Ini-inspect ko ito pagbalik ko sa kwarto. I was about to take a picture of it, but it really did disappeared. And yeah, para itong nasunog ng walang apoy. Bigla nalang akong may nakitang medyo mapulang usok, tapos wala na. Gone."

Seryoso ba? Baka mamaya pina-prank lang nila ako.

"Hindi nga namin alam kung para saan iyon eh, baka naman test iyon mula kay Sir Angelo?", dagdag ni Jerald.

Speaking of, almost twenty minutes nang late si sir. Never naman siyang na-late sa aming klase. Kadalasan nga ay siya pa ang nauuna rito sa classroom.

Kagulo tuloy ang classroom ngayon.

Mayroon pa din akong dapat itanong kay sir. Nasaan na ba kasi siya?

"May pasok ba tayo ngayon?", Liya asked.

"Dapat nagpasabi naman si sir para natulog na lang sana ako sa dorm", she added. Yep. Dapat nga nagpasabi si sir. Sayang yung time. Natapos ko na sana yung assignment ko sa Pre-Calculus.

Jerald faced his book again; he continued reading.

Dahil sa wala kaming magawa, ibinaling namin ang aming atensyon sa kaniyang notebook. Humingi kami ng random topic from Jerald.

"Magical Palace."

Sinimulan kong i-drawing ang kung anumang bagay na pumasok sa isip ko. Hindi rin naman ako kagalingan sa pag-d-drawing kaya sinimplihan ko nalang.

Section-1A Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon