Chapter 8

160 12 0
                                    

Chapter 8: Agents

Liya

"Sir! May napansin po kami!" sagot ni Shekaina. "Meron pong sobrang liwanag na ilaw ang parang sumabog malapit sa school!" dugtong nya.

"That's it! Iyan ang tinutukoy ko. So sino pa ang nakakita sa inyo ng pagsabog na iyon?" tanong niya. "Sir! Si Liya po! Na videohan niya pa nga po ehh" sagot naman Sheki.

"Really? Can you show it to us?" tanong sakin ni sir Angelo. Gladly nadala ko ang phone ko, kaagad akong nagpunta sa unahan at ikinonect ang aking phone sa television, sa taas ng aming board. I played the video.

"I was taking pictures, sa pwesto kong iyan. Saka ko nalang nalaman na video pala ang napindot ko. When I was about to stop the recording, the 'light explosion' happened" I narrated, habang pinapanood nila ang video sa tv screen.

"Ok thank you Ms. Castro" kaagad kong tinanggal ang aking phone at bumalik sa aking upuan.

"So, who among you saw that light explosion?" tanong pa ni sir. Wala namang sumagot sa kaniya. "Okay! So today, iyan ang ating gagawin. Aalamin natin kung ano ang nangyari kahapon. Pupuntahan natin siya ngayon."

Marami ang na excite pero meron ding natakot. Ako, sa totoo lang, natatakot rin ako. No one knows kung anong mangyayari samin sa lugar na iyon. Oo, malapit lang siya sa school, pero maaring may kalabang nagbabantay roon. Remember, nasa school grounds na kami pero may nakalaban parin kaming babae. Wala silang pinipiling lugar kung saan sila magpapakita, as long as the time is paused.

"So hindi pwedeng lahat tayo ay pupunta. Masyado tayong marami at tatlo palang sainyo ang may ability. Automatic, kasama na yung tatlong iyon. Now! I need two among the twelve students that will join us look for the answers" paliwanag ni sir Angelo.

"Sir! Kami! Kami ni Liya!" Sheki excitedly volunteered. "Ok, so silang dalawa ni Liya ang isasama namin. Yung maiiwan sa room, reviewhin niyo yung mga itinuro ko. May quiz tayo bukas" paninigurado ni sir Angelo. Bago kami umalis, pinaikot niya ang necklace of time upang tumigil ang oras. "Hindi tayo pwedeng makita ng mga taong malapit sa lugar na iyon" paalala niya.

Paglabas naming anim sa classroom, isang tanong ang pumasok sa aking isipan. "Sir! Nagpapakita lang po ang mga kalaban tuwing tumitigil ang oras, paano po nila napapatigil ang oras? May Necklace of Time din po ba sila?" I suddenly asked.

"Good point Liya. Tama ka, they will only appear if time stops. Katulad din nila tayo na may kaniya-kaniyang kakayahan. Natatakot rin silang i-expose ang kanilang ability sa mata ng mga mapanghusgang tao" he smiled. "They do not have the necklace but they have the ability. Sa tulong ng mga naunang batch ng section na ito, nalaman namin kung ano ang ginawa nila. Long story, pero ididiscuss ko sa inyo iyon. Don't worry" he said as he answered my questions. "And, oo may mga naunang pang natch sainyo. Lahat sila ay may abilities rin" he added. Siguro nabasa niya ang litong-litong utak ng aking katabi.

After several minutes, narating namin eksaktong lugar. Maraming bahayan sa paligid nito ngunit may pagkaliblib rin ang lugar. Sa dulo ng bahayan ay may isang bangin, kung kami ngayon.  Halos 8 feet ang taas ng bangin, kapatagan naman ang babagsakan namin.

"Kaya ba natin?" tanong ni Camille. "Syempre! Ganito lang yan ohh" nakangiting tugon ni Bryan at kaagad siyang nagpadausdos pababa ng bangin. Base sa nasaksihan namin, maaring nasa gitna ng kapatagan nangyari ang pagsabog.

Section-1A Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon