Chapter 1.

696 18 0
                                    

**** Page 1. Panandaliang saya.

Noong bata ako akala ko kapag nabilhan ako ng laruan at bagong damit eh sobra-sobra na yung saya pero hindi pala siya true happiness, momentary lang pala.

Noon, kapag kalaro ko ang mga kaibigan ko sobrang saya ko na. Naalala ko pa nga, nagdadabog ako kapag di ako pinapalabas ni mama-la pero sana pala nakinig na lang ako kaysa sa nasanay akong kalaro sila at nasanay akong lagi silang nandyan.

Ang saya saya nga eh kasi lagi kaming naglalaro, nagfofood trip, magkasama sa kalokohan, sa kwentuhan, at gayundin ang mangarap. Magkakasama kaming nangarap pero magkakahiwalay naming tutuparin.

Dati, ang saya saya ko talaga na sila yung kaibigan ko eh kasi sobrang ka-vibes ko talaga sila. Sobrang natulungan nila ako bumangon sa lungkot na nararamdam ko kapag mag-isa lang ako.

Pero sana bawat segudo masaya pa rin 'no?

Mula nang ipinanganak ako hanggang sa mag-anim na taong gulang ako, palagi nang nagaaway ang parents ko sa pareho na dahilan, ang pang-bababae ni Papa. Hanggang sa bago ako magpitong taon naisipan na nilang tapusin ang relasyon nila. Sobrang trauma ang naibigay sakin nun ever since dahil lagi ko silang nakikitang nagsasakitan physically, mentally and emotionally.

Mula nang maghiwalay sila, napunta ako kay mama pero 'di nagtagal iniwan din naman niya ako kay Lola. Siya ang nagpalaki sakin, nagpakain, nagpaaral at lahat-lahat, siya na nga ang nanay na kinikilala ko eh.

Halos mabaliw kasi si mama mula nung tinapos nila ang relasyon nila ni papa, to the point na sinasaktan niya na 'ko at mga taong nagmamalasakit sakanya kapag inaatake siya ng depression niya. And I witnessed it all.

Grabeng trauma at pain talaga ang naidulot sakanya ni papa pero ang masakit lang, nung okay na siya, iniwan niya naman ako. Sulit na sulit naman ang pain, suffering, trauma's, anxieties, at over thinking na naranasan ko muna no'n hanggang ngayon. Nung ginawa ata ako ni lord, nakalimutan niya ata ako budburan ng peace of mind na never man lang sakin pinaramdam.

Madalas napapaisip ako, alam na nga ni mama yung pakiramdam nang maiwan pero bakit ginawa niya pa din sakin? Like, alam niya na nga 'yung pain at suffering na kailangan pagdaanan pero bakit ipinaramdam niya din?

At ngayon na okay na yung mama ko at naghiwalay na sila ng papa ko nang tuluyan, anong nangyari sa parents ko? Malamang may bagong sari-sariling pamilya. Okay lang pero paano naman ako???

Page 2. 7th grade.

7th grade, itong year level na 'to sobrang saya ko talaga dahil nagkaroon ulit ako ng best friend. Dalawa lang kami, tipo na walang maoout of place. All goods kami sa lahat ng kalokohan, kopyahan, at pagkain. To be honest, iba 'yung friendship na nafefeel ko sakanya kesa do'n sa mga elementary friendships ko. Hindi na din kasi nila ako kinakausap.

Naalala ko, nagkaroon ako ng crush dun sa kaklase ko pero I keep it to myself lang kasi ayoko namang malaman ng mga kaklase ko. I admire him because he's good at his acads, sobrang bait sakin at tinutulungan talaga niya ko kapag nahihirapan ako sa math pero di nagtagal sinabi ko yun sa best friend ko and she said, she also find him attractive dahil daw magaling sa acads.

It was Valentines day. Pinagawa kami ng teacher ko ng love letter tungkol sa friends, lovers or sa crush, masyado na daw kasing common ang family kaya 'yun na lang daw. Anyways hindi namin pwedeng sabihin kung para kaninong letter ang ginagawa namin.

Of course, I decided to write a love letter for my best friend 'cause I am grateful that she considers me to be her best friend. So, I assumed the letter she was writing was for me, but it wasn't.

Sabi ng teacher ko, ibigay na daw yung letter namin dun sa taong ginawaan namin pero yung best friend ko hindi pa siya tapos but I decided to give the letter and I saw her smile which makes me happy.

Book of Memories 2019: Enzo and CelineWhere stories live. Discover now