Chapter 3.

318 9 0
                                    

Natapos na 'yung time ni Ms. Surrilleon kaya nag-ayos na 'ko ng mukha kahit ayos naman na. Nag-pulbos ako at nag-lip tint habang inip na inip na naman akong inaantay ni Enzo, sarap talaga niya bad tripin mas pumopogi.

"Tanginang pagpapaganda 'yan oh. Wala namang pinagbago, pangit pa din" Reklamo niya habang nakatayo at nakasandal sa pinto ng room.

Naglakad ako papalapit sakanya at tinuro ang mukha niya. "Tanginang mukha 'yan oh, ang gwapo" Sambit ko saka naglakad.

"Alam mo, Enzo, napaka sama talaga ng ugali mo 'no?" Seryosong tanong ko sakanya, tumawa siya.

"Ganyang compliment lang tinatangap ko HAHAHAHAHAHHAHA"

Lumabas kami ng school at bumili ng burger at shake sa paborito naming bilihan.

Nasa kalagitnaan na kami ng kinakain namin ng bigla siyang magsalita.

"She's the reason I don't date."

My eyes widened at what he said. Napainom ako ng shake. "She's Celine." He added.

Nabulunan ako sa sinabi niya. "Ha??" Sagot ko.

"Her name is also Celine. Kaya nagulat ako na Celine din yung name mo." He said while staring at my eyes. Para akong statue don, nakatitig lang sakanya.

"And I know you like me, Celine" Dagdag niya.

Tuluyan na kong nabulunan sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong irerebat ko sa sinabi niya eh, gusto kong itangi. Kung sino mang demonyo nagsabi sakanya, please, kunin ka na sana ni Satanas.

"And I hope you will continue to like me"

"ha??"

"Huy gaga 'to"

"Please, continue to like me until I forgot about Celine." He added at saka hinawakan niya ang kamay ko.

"Do you like me?" Tanong ko sakanya.

"I'm sorry."

"Are you sorry because you prefer the other Celine or because you are unable to return the same amount of energy that I give?" Tanong ko. Nanatili akong nakatitig sakanya.

"It's because I'm still waiting for her.."

"Hanggang kailan, Enzo?"

"Hanggang kailan naman ako maghihintay sa'yo?"

"Kapag ba bumalik na yung naunang Celine?"

"Paano naman ako?"

He lowered his head and held my hand tightly.

"Enzo, kahit kailan mahirap diktahan ang puso kung sino ang mamahalin mo hanggang dulo."

"Okay lang naman sakin ang maghintay pero yung ganitong dahilan? Grabe naman 'yun, Enzo. Simpleng tanong nga kung gusto mo ba ko o hindi, hindi mo masagot."

"So, paano ako magsstay?"

"Kaya kong magstay sa tabi mo hangga't hindi mo 'ko ipagtutulakan palayo, alam mo yan, Enzo. Pero sana bigyan mo din ako ng magandang dahilan para manatili at hindi lumayo." Nailapag ko 'yung burger na hawak ko kanina dahil sa disappointment na nararamdaman ko.

"Una na muna 'ko sa room." Dagdag ko saka umalis at bumalik sa room.

Binagalan ko lang 'yung paglalakad baka sakaling habulin ako at mag-sorry pero habang naglalakad ako mas narealize kong mali ako. Hindi dapat ako naging gano'n sakanya dahil hindi ko naman alam ang pain na naiwan sakanya ni Celine. Sana pala hindi ko na lang sinabi yung nararamdaman ko.

Naisipan kong tumambay muna sa canteen at huwag muna dumeretso sa room. Magpapalate na lang siguro ako.

Umiinom ako ng zest-o, sarap talaga neto. Nagisip-isip ako ng scenarios kung paano ko siya haharapin, jusko naman kasi Celine napakatanga!

Book of Memories 2019: Enzo and CelineWhere stories live. Discover now