Chapter 4

291 10 0
                                    

Sobrang pagod na ako. Umaga pa lang nagaasikaso na 'ko para sa letcheng birthday na 'to. Biglang naubos 'yung energy ko at parang anytime babagsak na 'ko samantalang goods na goods naman ako kanina, energetic pa nga ako na naglakad papasok ng village nila.

Narerealize ko lalo na kahit kailan hindi na magiging worth it ang pagccelebrate ng walang kwentang birthday na 'to. Palaging wala yung mga taong gusto kong makasama ipagdiwang ang malas na birthday na 'to.

Si mama laging wala dahil buntis sa bago niyang anak do'n sa bago niyang pamilya pero kahit 'di pa siya buntis noon, napakarami niyang excuses na hindi maubos-ubos at si papa naman, hindi pinapapunta dito ng peste niyang asawa na akala mo ang ganda. Lagi silang wala mula nung naghiwalay sila no'ng six years old ako.

Imagine, nag-seventh birthday ako na hindi sila kasama ano pa bang ieexpect ko para sa 18th birthday ko?

Minsan nga gusto ko na lang humimlay sa araw na 'yon kapag naiisip ko. After seven years, ngayon na nga lang maghanda ta's ganito pa.

Good for him at nahanap na niya si Celine.

Gusto ko malaman kung paano at kung anong kwentuhan nila pero wala eh, hindi ko kayang marinig yung kwento niya. Masaya ako kasi masaya siya pero hindi ko lang talaga ma-ipakita kahit anong gawin ko kanina.

"Manong sa Euphoria Village mo na lang po pala ako ibaba." Sambit ko.

"Okay, iha." Sagot niya.

Papunta ako sa bahay ng pinaka-close kong pinsan. I message her habang naglalakad ako sa village nila.

I went inside Katie's gate and sat on their garden bench

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I went inside Katie's gate and sat on their garden bench. Tulala lang ang Lola niyo, tatanga-tanga kasi.

Mas narerealize ko ngayon na hindi ko dapat pilitin si Enzo na mahalin ako kaysa sa unang Celine na nakilala niya. Hindi naman porke ako 'yung nandito, ako na dapat kasi 'di ba? Ako nga yung nandito pero hindi naman ako yung mahal.

Ang selfish ko naman kung pilitin ko siyang mahalin ako pabalik.

Siguro tama na 'to, tama na tong sakit na paulit-ulit kong nararamdaman at nararanasan. Mula sa magulang ko, sa mga naging kaibigan at maski kay Enzo. Ayoko na maniwalang mahal nila ako kasi kapag mahal ka hindi ka dapat sasaktan ng sobra, magkamali man sila dapat hindi na nila uulitin? Wala e, talo ako. Best friend lang tingin sakin, anong magagawa ko?

"Iiyak mo na 'yan. 'Wag mo na itago, insan." Mahinahong ani ni Katie.

"Gusto kong iiyak pero ayaw lumabas"

"Sobrang bigat lang sa pakiramdam, to the point na parang pagod na ko"

"Pagod na kong ipakita yung dapat na hindi." Napayuko ako at saka nagsimulang pumatak ang mga luha kong kanina pa ayaw lumabas.

"Wala naman akong pinagsisihan na mahalin siya, na baka one day magising siya at marealize niyang mahal niya na ko --"

"Pero 'te 'di ba parang ang pangit naman?"

Book of Memories 2019: Enzo and CelineWhere stories live. Discover now