*Chapter 46

1.1K 63 12
                                    

Pasko na..

Knock! Knock!

"Icay, nandito na mga inaanak mo mga namamasko sayo" --Inay

Dahan dahan akong nagmulat ng mata bago nag usap.

"Sige ho inay, pasabi ho saglit lang at kagigising lang"

Agad din naman lumabas si Inay at ako naman ay dumiretso sa Cr para maghilamos at magtoothbrush

Pagbaba ko palang sinalubong na agad ako ng mga inaanak ko at nagmano.

Inabutan ko sila ng pera na nakalagay sa ampaw.

"Merry Christmas po, salamat po" --Mga bata

"Merry christmas din, kumain naba kayo? Kain muna"

"Tapos na po Ninang, alis na po kami salamat po"

"Osige ng kayo e marami, mag ingat kayo"

Pagkaabot ko sa kanila dumiretso muna ako sa kusina para magtimpla ng kape at kumain,

Dahil pasko, sunod sunod ang mga namamasko.. May mga matatanda at mga Bata, may mga Pinsan at Pamangkin sa Pinsan.. Yung iba naman mga Tiyahin at Tiyuhin,

Inabot ng tanghali ang mga namamasko, biglang lumapit si Kim.

"Mama lalabas lang po kami nila kuya Kenneth (anak ni kuya chad)" --Kim

"Osige pero huwag kayong lalayo"

"Opo mama" --Kim

Humalik at yumakap muna sya sakin bago sila umalis,

Lumipas ang maghapon, wala na masyado namamasko kaya umakyat muna ako sa taas para maligo.

Pagkababa ko dumiretso ako sa christmas tree namin at inabot ang regalo ko sa kanila, although may regalo din sila sakin kaya para lang kami nag exhange gift

Todo ang pasalamat nila sa mga regalo ko at ako din naman nagpasalamat sa mga regalo nila sakin.

"Kumain na tayo hapunan" --Inay

"Di pa po ba nakakauwi mga bata?"

"Nakko mikayla huwag na natin antayin at sila e kumakain sa Mang Inasal kasama si Kim" --Ate Jen

"Nagbabonding ang mag pipinsan" --Ate Maris

"Kumain na tayo ng makapag inom na ulit" --Kuya Chad

"Oo nga hahahaha 4days na lang lipad na ulit ako sa Newyork, masulit na"

"Iyun naman pala e. Osya Tara na ng masimulan na" --Kuya Archie

"Nakkko kayo talaga baka nama sakit na abutin ninyo nyan" --Itay

Nagtawanan lang kami bago pumunta sa mesa at kumain ng hapunan.

Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain, pagkatapos namin kumain syang dating ng mga bata at yumakap samin. Nagkwento saglit bago nagpaalam na aakyat na sa kwarto.

"Tita Mikay doon na kami matulog sa kwarto ni Kim manonood kami netflix" --Kennet

"Oh edi sige bahala kayo"

Nagtakbuhan naman sila pataas

"Huwag kayo manakbo!"

"Itong mga batang to"

"Hayaan mo na bata e" --Ate Chad

Inayos na ulit ni kuya Chad ang Videoke at nilabas na din ni Kuya Archie ang mga alak samantalang sila Ate Jen at Ate Maris tamang wine lang.

Masaya kaming nagkekwentuhan at nagtatawanan habang kumakanta.. Mula dito sa Terris kitang kita ng mata ko kung sino ang dumating..

"Icay, may bisita ka" --Itay

Nagtinginan naman silang lahat.

"Maiwan muna namin kayo Mikayla, akyat muna kami sa mga bata" --Kuya Archie

Nahinto ang ingay dahil umalis sila kuya para magtungo sa Taas.

"Anak, doon muna kami sa kusina ng Itay mo may mga liligpitin lang kami" --Inay

Pumasok na sila sa loob ni itay at si sandro hinila ang upuan papunta sa tabi ko.

Saglit ang namagitang katahimikan samin bago nya hinawakan kamay ko pero bumitaw ako at lumayo.

"Pleaseeee Mikayla" --Sandro

Nanatili akong nakatingin sa malayo habang iniinom ang alak ko.

"Mikayla look.. I know I hurt you, I know I broke my Promise but pleasee. Give me a chance to listen" --Sandro

Hindi ko parin sya tinitingnan at ayoko dahil baka maiyak lang ako.

Uminom muna ako ng alak at ibinababa ito sa mesa bago nagsalita

"Nakikinig ako" malamig kong sabi

"Mikayla I was so depress that time, I was too worried about Simon's mental health. I didn't think it too much before I talk to you, please try to understand. Simon is my Brother I don't want to see him so messed" --Sandro

"So?" Habang umiinom ng alak at di parin nakatingin sa kanya

"The only thing I thought a solution is you, to be with him for awhile habang di pa sya nadadala sa doctor. I suffer a lot and I didn't think about your feelings" --Sandro

"You suffer? Why? I already broke up with you sandro, Paskong pasko tangina naman sandro! Araw ng pamilya to bakit ngayon mo pa naisipan magpunta!"

"I know you will forgive me.. Please, lets fix this" --Sandro

Hindi ako sumagot bagkus ay lumapit sya at lumuhod sa harapan ko. Ni hindi ko sya magawang tingnan nananatili akong matigas dahil ayokong maging mahina ulit sa harapan nya.

"Please love" --Sandro

Hinawakan nya ang baba ko at ipinihit ito paharap dahilan para magkatinginan kami pero umiwas ako ng tingin dahil masyado ng mainit ang mata ko at alam ko malapit ng bumagsak luha ko.

Tinabig ko ang kamay nya na nakahawak sa kamay ko.

"I'm sorry.. But I'm started to get over with you"

"No love.. Please, I'm begging you. I know you can't do that so fast, I know you're mad thats why you telling me this" --Sandro

"No!"

"Please.. Give me one last Chance and I will never break it, I promise" --Sandro

Habang nakatayo ako at nakaluhod si sandro bigla naman lumabas si Kim.

"Mama" --Kim

Napatingin naman kami ng sabay ni Sandro,

"A-anak m-mo s-sya?" --Sandro

"Oo"

Lumapit samin si Kim.

"Mama please, bigyan mo na sya ng Chance alam ko naman na mahal mo sya at walang araw na hindi mo sya minahal" --Kim

Hinawakan ko kamay ni Kim.

"Pasok kana sa loob anak, usapang matanda ito"

"Pero gusto po naming lahat na maging masaya ang puso mo" --Kim

Lumingon naman sa likod si Kim at nakita kong nandoon silang lahat sa may pintuan.

Tiningnan ko si Inay at Itay at tumango tango ito na ang ibig sabihin nila sundin ko ang sinasabi ni Kim

"But.."

"Wala ng pero pero mama. Alam namin na mahal na mahal mo sya" --Kim

Humarap naman sya kay Sandro at dinuro ito

"At ikaw. Huwag mo ng sasaktan ang mama ko!" --Kim

Tumango naman si Sandro kay Kim

"I promise" --Sandro

Kinuha ni Kim ang kamay ni Sandro at kamay ko dahilan para maghawak kami ng kamay. Doon na bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigil.

"Please?" --Sandro habang umiiyak,

Lumayo naman samin si Kim at pumunta sa may pintuan kung saan nandoon ang pamilya ko.

Krazzy SecretaryWhere stories live. Discover now