Chapter 48

1.1K 57 12
                                    

Nagising ako tanghali na.. Chineck ko phone ko na nasa side table, 12:26pm na

Lunch na pala..

Tumingin ako sa lapit higaan ko at wala na doon si Sandro

Bumaba na siguro yun, anong oras kaya nagising yun

Bumangon ako at dumiretso sa cr para mag hilamos at mag toothbrush. Pagkatapos ko magtoothbrush bumaba na ako

Pagbaba ko..

"Inay nasan na ho sila?"

"Ang mga kuya mo at ate mo umuwi na sila kanina pagkakain ng almusal dahil may mga tindahan silang bubuksan" --Inay

"Ang agap naman nila, pareparehas kaming puyat"

"Aba, ikaw lang naman maraming nainom sabi ng mga kuya mo kaya napakanta ka nila kagabi" --Inay

"Oo nga ho e"

"Wala ka bang hang over? Kumain kana" --Inay

"Nasan po pala si Kim at Sandro? Tsaka si Itay?"

"Nakko kami ng itay mo nauna ng kumain dahil may titingin na buyer sa palayan natin, tapos si Sandro naman at Kim baka nasa labas naglalaro. Di parin sila nakain dahil aantayin ka daw" --Inay

"Sige ho inay, tingnan ko muna sila sa labas para tawagin kong kumain"

"Osige, bahala na muna kayo dito anak. Aalis muna ako, pupunta muna ako sa mga tiya Raquel mo" --Inay

"Sige ho ingat ho kayo"

Sabay kaming lumabas ni Inay at nakita ko si Sandro at Kim na naglalaro ng phone na sa palagay ko e nag mml

"Papa! Ang daya mo po" --Kim

"Hehehe sige sige. Sorry na.. Isa pa" --Sandro

Lumapit ako sa kanila.

"Ano ba yang pinagtatalunan nyong dalawa"

"Mama si papa po kasi, nagpapaturo ako ml pero pinapatay ako" --Kim

"Sorry na nga e. Huwag kana magsumbong sa mama mo tuturuan na kita ng maayos" --Sandro

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa tawag ni kim kay sandro

"Tama na muna yan, kumain na muna tayo di pa pala kayo kumakain e"

"Hinihintay ka po namin ni papa" --Kim

"Hehehe sige kumain na muna tayo para maturuan kita maayos" --Sandro

Tumayo naman sila at hawak kumay si Kim kay Sandro papasok sa loob at ako naman e nakatanaw lang sa kanila

Habang nasa dining kami kumakain.

"Mama ayos lang po ba sa inyo na Papa itawag ko sa kanya?" --Kim

Tanong nya habang nakaturo kay Sandro

"Ahmm.. E, anak.. Kasi an-"

"Hayaan mo na kung yan ang gusto ni Kim, besides soon naman paghanda kana papakasalan na din naman kita" --Sandro

Di ako nakapag salita..

"Ayieeeeeeh si Mama kinikilig kay Papa" --Kim

"Ikaw talaga anak, kung anu ano natutunan mo.. Kumain kana lang at magbusog"

"Ikaw naman sandeng kung anu ano tinuturo mo kay kim"

"HINDI KAYA!"

"HINDI PO KAYA!"

Sabay nilang sambit at nagkatinginan sila.

"Oh edi hindi"

Nagtawanan kami.

Pagkatapos kumain ay nagligpit muna ako at nakita kong masaya namang nagbabonding si Sandro at Kim sa Cellphone.

"Mag cecellphone na lang ba kayo dyan?"

"Hindi love, last na to tapos maligo na kayo ni Kim papasyal tayo" --Sandro

"Aba, kala ko uuwi kana?"

"Uuwi na lang ako pagkatapos ka namin ihatid sa airport" --Sandro

Hindi naman ako umimik.

"Ayaw mo yata e.. Sige uuwi na ako" --Sandro

"Mama pinapauwi mo na po si Papa?" --Kim

"No anak, hindi.. Nagtanong lang ako, akala ko lang yon"

"Yeheeeey! Mag gagala kami" --Kim

Tuwang tuwa naman si Kim, kaya umakyat na kami at naligo.. Si sandro naman naiwan sa baba dahil tatawagan nya lang sila Mom and Dad nya.

After a 30minutes nakaready na ako pati si Kim, si Sandro naman ang naligo may dala naman daw syang extra Clothes sa sasakyan nya.

Habang nasa byahe, nasa unahan ako at nasa likod naman si Kim naglalaro ng phone nya. Hinawakan naman ni Sandro ang Kamay ko,

"Bakit?"

"Wala.. I'm just too happy" --Sandro

"Me too"

"I can't imagine that I'm with my Future wife and my Daughter" --Sandro

"Hahahaha ikaw talaga advance ka masyado"

"Why?" --Sandro

"Wala naman.."

"Uhmm.. I heard na ipapaayos mo papers ni Kim and you want her to be your legally adopted daughter" --Sandro

"Yep. Besides aayusin na yan after Holidays ipapasok ko na din sya sa school"

"Can I be her Legally Father?" --Sandro

"What?"

"Yeah. I want to be her Father, besides mahirap maging Solo parent.. Right kim?" --Sandro

"Opo papa. Gusto po kita maging papa" --Kim

"I'll think about it"

"Why?" --Sandro

"Sandro marami pa tayong pagdadaanan"

"But I promise you" --Sandro

Nakita kong malungkot ang mga mata nya.

"Okay sige.. Payag na ako"

Lumawak naman ngiti nya.

"Thankyou" --Sandro

Ningitian ko lang sya..

Nakarating na kami sa mall.. Magkakahawak kami ng kamay ng pumasok sa loob ng mall, naglaro muna kami sa Toms World.

Tuwang tuwa naman si Kim. Halos lahat yata ng laro doon nalaro namin,

"Wait lang.. Dyan muna kayo bibilan ko muna kayo ng Drinks"

"Sure" --Sandro

Lumabas muna ako sa Toms World at nagtungo sa Macao Milktea shop.

Habang nag aantay..

Tumawag si Inay,

"Mikayla nasan kayo?" --Inay

"Nasa mall po bakit po?"

"May bisita daw sa bahay sabi ng kapitbahay natin, hinahanap daw kayo.. Tinawag ako ni Lina" --Inay

"Ayy sige po. Saglit po, uuwi na muna kami"

"Sige anak ingat kayo" --Inay

Pagkakuha ko ng order bumalik na ulit ako sa Toms World.

"Love, kim.. Uwi muna tayo may nag aantay daw satin sa labas ng bahay, tinawagan ako ni Inay at tumawag daw kasi si Aling Lina yung kapitbahay hinahanap daw ako.. Baka importante kasi"

"Osige tara na balik na lang tayo dito bukas" --Sandro

"Sige po mama tara na" --Kim

Krazzy SecretaryWhere stories live. Discover now