*Chapter 83

886 53 18
                                    

"Kiala.. Wake up, we're here" --Gov

"Hmm?"

"Nandito na tayo.." --Michael

"W-what?"

"Nandito na tayo mikayla.. Kanina kapa namin ginigising" --Borgy

"G-ganun ba?"

"Oo, ano ba nangyayari sayo? Tara na.." --Vinny

Hindi agad ako nakakilos.. Parang nanigas ang buong katawan ko,

Wow lord ha?! Ang galing naman ng joke nyo sakin. Akala ko totoo na, panaginip lang pala..

"Mikayla? Are you okay?" --Simon

"O-oo.. Sandali lang"

Bumaba na ako ng sasakyan at sinundan silang maglakad,

Bago kami pumasok.. Piniringan ako ni Borgy

"A-ano to?"

"Basta.." --Borgy

Piniringan nya mata ko at dahil wala na ako makita inalalayan nya ako maglakad..

Ang weird naman! Ano to lord? Ito naba yun? Pero parang hindi dahil maingay..

May naririnig akong tugtog ng violins and Guitars also a Piano.. Kaya ng makarating kami at huminto sa paglalakad,

"Mikayla in count of 3 you can take off your folds" --Simon

"1! 2! 3!"

Sabay sabay nilang bilang.. At tinanggal ko na ang aking Piring.

"HAPPY BIRTHDAY MIKAYLA!!"

Sigaw nilang lahat tsaka nila ako kinantahan ng Happy Birthday..

Nandito sila Tita liza and Tito bong.. Also my Friend Carla,

Hawak hawak ni Gov ang cake at nasa harapan ko sya habang kumakanta silang lahat.. After kumanta

"Make a wish kiala" --Gov

Pumikit ako at nagwish

Ito na po ba ang sign lord? Na huwag na ako umasa? Pero nagpapasalamat parin po ako sa moment na to.. Wala na po ako maihihiling pa, pinapaubaya ko na po ang lahat sa inyo

After ko magwish ay hinipan ko na ang candle sa cake at nagpalakpakan sila.. Bigla naman ako pinahiran ni Gov ng Icing sa muka kaya ang ginawa ko dinakma ko din ang cake at pinahid sa muka nilang lahat except kina Tito and Tita

Masaya ang naging celebration.. Isa isa nila ako binati at inabutan ng regalo,

"Mikayla?" --Vinny

"Yes vinny?"

"We have something for you" --Vinny

At ngumiti naman silang lahat..

"Come in" --Michael

Lumabas naman bigla ang mga magulang ko, mga ate at kuya ko, mga pamangkin ko pati si Kim.

Niyakap nila ako isa isa at bineso bago binati.. Inabutan din nila ako ng regalo at napaluha ako.

"Guys Thankyou.. Thankyou for doing this to me, you didn't know how happy I am, This is so much. I don't know what to say"

"Seeing you happy is enough" --Simon

"We love you so much mikayla" --Borgy

"We're always here for you" --Vinny

At niyakap ko silang lahat..

Tamang picture muna kaming lahat and Masaya kaming kumain ng Dinner habang nagkekwentuhan.. Magkasama sa table ang mga magulang ko at magulang nila Simon na sila Tita liza and Tito bong,

Habang pinagmamasdan ko sila, sa sobrang saya ko umiiyak na pala ako.

Wala na ako maihihiling pa.. Itong mga taong nandito kasama ko, sapat na pala sila. Sapat na pala sila para tuluyan akong maging masaya sa buhay.

Si Vinny, Matt, Borgy, Michael, Alfonso, Carla, Inay, Itay, Tito Bong, Tita Liza, Ate Jen, Kuya Archie, Kuya Chad, Ate Maris, Kim and ofcourse Simon.. All of them is enough for me, enough reason to continue my life and be happy.

Nilapitan ako ni Simon at Niyakap..

"Whats wrong?" --Simon

"Nothing.."

Tumingin silang lahat sakin..

"Its just that I am so happy.. My tears can tell it, I was so lucky to have you in my life guys. Having you is enough reason to continue and to be strong. Thankyou everyone"

Isa isa nila akong niyakap..

At bumalik sa pagkakayakap sakin si Simon.

"Always remember that I'll love you and I'm always here" --Simon

"Thankyou si, thankyou for everything"

"I love you unconditionally" --Simon

Ngumiti lang ako at hinakawan ang kamay nya dahil nakayakap sya sa likuran ko habang nakaupo ako..

"Kiala.. May I have this dance with you?" --Gov

"S-sure"

At inabot ko ang kamay ko kay gov na nag aantay ng pagtanggap ko..

Isa isa nila akong sinayaw lahat.. At ang pinakang huling nag-alok ng sayaw sakin si Simon..

Habang nagsasayaw kami..

"Simon.."

"Hmm?" --Simon

"Hindi ko alam kung kaya kong suklian ang pagmamahal mo.. Ayokong masira ang meron tayo dahil lang sa hindi kita masuklian"

"I said I love you unconditionally, Just let me love you" --Simon

"But si-"

"Sssh.. Seeing you happy is enough for me, Taking care of you and your baby is enough.. I don't wish for anything more than that" --Simon

At niyakap ko ng mahigpit si Simon.

Matapos ang gabing yon ay kanya kanya na kaming uwi.. Ang pamilya ko ay doon muna tumuloy kina Carla sa apartment samantalang ako ay hiniling nila Matt na magstay muna ako sa Condo ni Simon para makasama pa nila.

Krazzy SecretaryWhere stories live. Discover now