Chapter 26

930 30 23
                                    

Continutaion - Falshback Feb to March 2015:

Sa umaga't sa gabi't sa bawat minutong lumilipas
Hinahanap - hanap siya, hinahanap - hanap siyaaa
Sa isip at panaginip bawat pagpihip ng tadhana
Hinahanap - hanap siya, hinahanap - hanap siyaaa
Sa school 'sa flag ceremony hanggang uwian araw araw
Hinahanap - hanap ko siya, hinahanap - hanap ko siyaaa

At kahit pa magkaanak sila't magkatuluyan balang araw
Hahanap - hanapin siya.... Hahanap - hanapin pa

Buong magdamag gising si Bamboo. Walang siyang tulog. Magdamag lamang siyang nakasalampak sa sahig ng kuwarto niya, akap - akap ang lumang gitara na di naman niya tinutogtog at ngunit kumakanta habang nakatingin sa kawalan.

Hindi siya lasing. Wala rin siyang kain. Di rin siya naligo. Nakatambay lang siya na parang bang lahat ay sinukuan na niya. Pakiramdam niya mas matindi pa ito sa dinaanan niya noon kay Cecil. Mas malala pa ang bigat ng nararamdaman niya ngayon kaysa noong nakipag annull siya ng kasal. Samantala, kung tutuusin hindi naman sila talaga naging legal ni Sarah. May nangri man sa kanila at alam man nila ang nararamdaman para sa isa't isa, ay hindi mo parin matatawag na may natapos sa kanila. Kase wala naman talagang nagsimula. Wala.

Iyon sila, eh. Wala. Kaya dapat ay sanayin niya ang kaniyang sarili na wala si Sarah sa buhay niya.

Ngunit kung wala, eh bakit parang ang hirap niyang kalimutan lahat ng naganap sa kanila? Bakit ang sakit isipin na hindi niya makakasama pa si Sarah? Bat kumikirot ang puso niya sa tuwing maaalala niya na hindi sa kaniya g dalaga? Na hindi silang dalawa. Bat ang hirap tanggapin na hindi nila ito oras at panahong magsama? Bat wala sing ganang kumain, o matulog o gumawa ng kaitnna ano maliban ang magmukmok at isipin si Sarah? Ganito ba talaga? Gayung hindi naman talaga napasa kaniya si Sarah?

At siya, ganun din kaya siya? Parehas kaya sila ng nararamdamaan? O mas nangingibabaw ang kapaguran at kasawaan niya sa puso niya? Mas matimbang biyon kumpara sa pagmamahal niya kay Bamboo? Bakit di niya ito magawang paglaban? Bakit mas iniisip pa niya ang kapakanan ng iba? Tulad ng lalaking iyon.... Si Matteo. Dahil daw sa pagkakaibigan nila kaya nagawa niyang isakripisiyo ang nararamdaman niya para kay Bamboo, upang matulungan lang ito sa career at gusot sa pamilya. Ganun na ba ang lalim ng naging pagkakaibigan nila? Eh paano naman yung sa kanila ni Bamboo? Hindi ba't mamalalim ang pinagsamahan nila? Hindi ba't mas nauna siyang naging kaibigan ni Sarah?

May kulang pa ba sa mga ginawa niyang pagsusuyo? Eh ginawa lang naman niya iyon para maiparamdam kay Sarah na mahalaga siya sa kaniya. Pero imbes na natuwa siya ay lalo lang siya lumayo.

Napabuntong hininga si Bamboo. Ang dami - daming tumatakbo sa kaniyang isipan. Sang katerbang tanong at sangkatutak na mga hinala. Mahal niya si Sarah, walang duda doon. Pero ang lalim ng sakit na nararamdaman niya kaya siya sumusuko. Nahihirapan din siyang nakikita itong nalilito, naguguluhan at nahihirapan din. At yan ang pinaka hindi niya kaya.

Kung kaya't napagdesisyunan na niya. Siya nalang ang iiwas.

Sa gitna ng nalalapit na pagtatapos ng TVOP S2 ay ang paghahanda naman sa ganaping 20th anniversary ng Asap.

It would be the biggest live celebration yet, that the show would produce. Gaganapin ito sa MOA.

Present ang buong Asap family at magi - guest ang mga dating naging bahagi ng show.

The rehearsals were one big chaos. It was hectic and busier than ever.

Sarah and Bamboo were part of the two opening production numbers, since the celebration will run in two parts because of the many numbers it would feature.

Bamboo was grateful that he wouldn't have the chance to get close enough to Sarah, since their prod number would be with other artists. Walang chance na magkailangan sila. And that was good.

Hinahanap - Hanap Ko SiyaWhere stories live. Discover now