Chapter 28

934 26 24
                                    

March 2015:

Bumalik na sa bansa si Rachel Ann Go, ang bestfriend ni Sarah sa loob ng industriya, galing sa katatapos na Mis Saigon sa broadway.

Sinalubong niya ito at nagplano siya ng get-together nila ng mga kabarkada nila sa Geronimo Cafe na pagmamay ari ng mga magulang niya.

Bago pa man makarating ng bansa si Rachel ay nagksap na sila ni Sarah kinagabihan sa phone.

"Nak", katok niDevine sa pinyuan ng kuwarto ni Sarah, "asa telepono si Shin! Dali!"

Dali - dali namang bumaba ng hagdan si Sarah.

"Shin!", hinihingal niyang bati sa kaibigan.

"Best! Kamusta? I've missed you!", bakas ang saya sa boses ni Rachel.

"Hay", napabuntong hininga si Sarah. "Kung alam mo lang gaano kita namiss ng sobra!"

"Hahaha, naku - naku!", pangasar ni Rachel. "Mukhang may malalim ka nanamang hugot dyan, Best! Kaya mo ko namiss, no?!"

"Eeee.... Basta Best, umuwi ka na please", sagot ni Sarah. "Kelangan ka na ng kaibigan mong emo dito, hahaha."

Natahimik naman skabilang linya si Rachel. "Sars, mukhang seryoso yan ah."

Huminga ng malalim si Sarah, pero di nakasagot.

"Di bale", sabi ni Rachel, "uuwi nako. Wala kang hindi sasabihin sakin, ha? Promise?"

"Haha, oo naman!", tugon ni Sarah. "Kukuwento ko sayo lahat."

"So paano na si Matteo?", biglang tanong ni Rachel kay Sarah. Kasalukuyan silang nasa Geronimo Cafe na nun, kasama ang mga kabarkada nilang sina Christian Bautista, Mark Bautista at Erik Santos. Get - together nila since kauuwi lang ni Rachel ng bansa matapos itong nawala ng pagakatagal - tagal dahil sa Mis Saigon sa broadway. Masaya nilang sine - celebrate ang success ng takbo ng career ni Rachel.

Sa kalagitnaan naman ng kuwentuhan at kaininan, ay na solo din ni Rachel ang bestfriend at naibahagi narin ni Sarah g mga naganap lately sa kanila ni Bamboo at Matt.

"Aware si Matt, Shin", sagot naman ni Sarah. "Diba nga sabi ko sayo, nakapagusap kame.... And tanggap niya na angn mahal ko ay si Bamboo at hindi siya. Kailangan lang naman niya ang tulong ko sa career niya, para mapatunayan sa mga magulang at kamaganak niya sa Italy na may napatunguhan ang mga sakripisiyo niya sa industryang ito."

"Sus!", umirap si Rachel. "Sakripisyo? Anong sakripisyo? Edi ba pangalan mo at impluwensiya mo ang gamit niya para sumikat? So asan dun ang sakripisyo niya, ha? Hindi ba't baliktad ata? Kayong dalawa ni Bamboo ang nagsasakripisyo para lang sa kaniya?"

"Shin....", sagot ni Sarah. "Eh, nauna naman kaseng nasagot ko na siya bago pa man ding umamin sakin na mahal ako ni Bamboo."

"Kahit na ba!", pamimilit ni Rachel. "Balibaliktarin mo man ang mundo iisa lang ang kalalabasan ng situwasyon na to. Hindi siya ang nahihirapan, Sars. Ikaw. Si Bamboo. Kayong dalawa! Kaya wag nga kamo siya magsasasabi ng sakripisyo dyaan! Dahil wala siyang sinakripisyo! Haynaku!"

Natawa naman si Sarah kay Rachel bigla. "Oh, relaks ka lang Best, hahaha. Wag ka maghighblood."

"Eh kase naman ikaw, Sars", sabi ni Rachel, "alam mo naman kung gaano kita kamahal, diba? Na sa kahit na anong oras ay pwede mo kong tawagan at kung kaya kong itakbo, ilangoy o ilipad, ay darating at darating ako sa oras na kailanganin moko." Naiiyak naman si Sarah sa sinabi ng kaibigan. "Pero Best, gusto ko rin na matuto kang maging matapang. Lumakas ang loob. Paano kung wala ako at hindi kita maipagtanggol o ma - comfort manlang sa gitna ng mga problema mo? Yes, napaka rami naming nagmamahal sa iyo and we only want what's best for our loved ones, diba? Sino bang hindi? Kaya alam kong mas ikabubuti mo ang matutong lumaban at maging matapang para sa sarili mo. Yan ang gusto kong mangyari sayo. Sometimes, you really need to learn to stand up for what you believe in, be firm on your decisions and most of all, be happy. Grab whatever's making you happy. Walang masama na ipaglaban mo ang sarili mong kaligayahan, Best."

Hinahanap - Hanap Ko SiyaWhere stories live. Discover now