WAH #27

34 6 4
                                    

Alanis Grey | 8:30 PM

Alanis:
Prime.

Prime:
Good eve.

Alanis:
Hi.

Prime:
Hello.

Alanis:
Hi ulit.

Prime:
Hello ulit.

Okay ka lang?

Alanis:
Oo 'ata.

Prime:
May problema ka?

Alanis:
Wala naman. Namiss lang kita kausap.

Prime:
Agad? Wala pa ngang 24 hours.

Alanis:
Oo nga, haha.

Gusto ko lang ng kausap.

Prime:
Nagdinner ka na?

Alanis:
'Di pa.

Prime:
Dinner ka na.

Alanis:
Ayoko.

Wala ako sa bahay.

Prime:
Bakit? Nasa'n ka ba ngayon?

Alanis:
Nasa likod mo.

Prime:
'Wag kang manakot.

Seryoso kasi. Saan ka? Late na for dinner.

Alanis:
Concern ka?

Yiee concern si Prime.

Prime:
Obviously.

Kasama mo ba mga friends mo?

Alanis:
Nope.

Prime:
Saan ka nga?

Alanis:
Hospital.

Prime:
Ha?

What happened?

Ba't nasa hospital ka?

Alanis:
Tanong mo do'n sa babaeng bumangga sa 'kin.

Prime:
Hoy.

Seryoso ba?

Prank ba 'to?

Alanis:
Hindi.

Kahit sendan pa kita ng dextrose.

Prime:
Jusq ka. Malala ba?

Ano ba kasing nangyari?

Alanis:
Ewan ko. Ang bilis nga 'e.

Basta ang alam ko, pinagdasal ko lang na ayaw ko pang mamatay.

Prime:
Walang mamamatay.

Alanis:
Opo. Haha.

'Di pa ako pwedeng mamatay.

Baka wala nang mag-good morning sa 'yo. Kawawa ka naman.

Prime:
Ewan ko sa 'yo.

Nakukuha mo pang magbiro.

Malala ba?

Alanis:
'Di ako makalakad, haha.

Puno ng sugat din ang left side ng braso ko. Lakas ng impact.

May galit 'ata sa 'kin ang babaeng 'yun.

Prime:
Ni-report mo na?

Alanis:
Hindi.

Prime:
What?

Napuruhan ka na ta's 'di mo pa ni-report?

Maganda ba?

Alanis:
Mas maganda ka.

Prime:
Alanis, isa.

Alanis:
Haha, sorry.

'Wag mo 'kong pagalitan.

She promised to take responsibility naman. 'Di niya raw sinadya.

Prime:
Feeling ko maganda 'yung babae kaya ayaw mong i-report.

Alanis:
Uy, it's not like that.

Ayaw ko lang talaga.

Prime:
Hmm, ok.

Alanis:
Inis ka na? Haha.

Okay lang naman ako. Promise.

Prime:
Good for you.

Alanis:
Galit?

Seen

Alanis:
Yiee galit siya.

Prime:
Anong nakakakilig do'n?

Kumain ka na. Ang tigas ng ulo mo.

Alanis:
Wala akong gana haha.

Prime.

May sasabihin ako.

Seen

Nevermind. Haha.

Kakain na ako. 'Wag ka nang magalit.

Ingat ka lagi, Prime.

🖤

We Almost Happened (An Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon