Elle's POV
Pagpasok ko sa sumunod na araw, muntikan nang lumabas 'yung sipon ko nung makita ko si Boss Luke. May pink band aid sa ilong.
Poker face lang ako nang makakasalubong ko siya. Deal namin 'yon para hindi maka-cause ng too much attention dahil intrigang intriga na ang mga kababaihan sa school. Magiging successful na sana ngang bigla niya akong hinatak sa sulok.
Pigil pa rin ang tawa ko nang nakita ko ang band aid sa ilong niya, kaya pala pink kasi si Patrick Star ang design.
"Tignan mo 'tong ginawa mo sa ilong ko, ang sarap pa ng tawa mo ha. " Hindi ko na napigilan.
"Sorry pero ang cute kasi ng band aid mo, so nice.", sabi ko.
"Nice? What's nice? Eto na lang available band aid sa bahay.", tanong niya.
"Bakit? Cute naman ah!" Tinignan niya ako ng masama, mukhang galit talaga siya. Sinundan ko siya papuntang canteen, ang aga aga gutom agad?
"Kakain ka agad?", tanong ko.
"Hindi, bibili ako ng regular band aid.", sabi niya. Dahil kasalanan ko naman, sige na bibilhan ko na si boss.
"Luke, ako na bibili.", sabi ko sakanya. "Manang, limang band aid nga po. "
"'Yung malaki o maliit?", tanong niya. May malaki at maliit?
"Ha? May malaki po?"
"Ibang band aid yung malaki, para saan bang pagdudugo?"
"Sa ilong po."
"Maliit ang kelangan mo, eto na 10 piso lahat. " Iniabot ko ang bayad at binigay sakanya. Bumalik na kami sa classroom sa nang magkahiwalay. Pagpasok ko, nandoon siya sa usual na upuan niya, naka shades at headset. Paanong hindi matututo to eh hindi nakikinig?!
Tinext ko siya na alisin ang headphones at makinig sa lecture. Tinignan niya ako at ngumiti, mabait naman ang kumag at sumunod sa pinaguutos ko.
"Next week na ang Nutrition Month, mag-isip na kayo ng mga representatives ninyo sa mga sumusunod: Malikhaing Pagsusulat, Slogan making, Salad making, Nutrition month song at poster making contest.", sabi ni maam Sam. "Miss Danielle, please make a list and submit it to me before going home."
"Yes ma'am.", sabi ko kay Maam Sam. Pumunta ako sa harap para mafacilitate. Walang nakikinig kahit sigaw ako ng sigaw.
Susuko na sana ako nang biglang pinalo ni Luke ang mesa niya. "Makinig daw sabi ni President.", sabi niya. Tumahimik sila.
"Thank you. Okay, we have to decide whose going to participate. Yung Nutrition Month song, ibibigay ko sa mga kumakanta, okay?"
"Yes miss president."
"Pumunta na kayo dito sa left side."
"Sa slogan making, Cara ikaw na?"
"Yes miss president.", siya rin kasi ang pambato namin noon.
"Malikhaing Pagsulat, atleast two representatives." Inilista ko ang dalawang nag volunteer.
"Salad making?", tanong ko. "Apat pa, kasama ako dito." Inilista ko rin ang mga nag volunteer. "Yung mga walang designation, pwede kayong mamili ng mga events and then tumulong kayo sa brainstorming."
"Yes miss president.", nagmeeting na kami pero event. Naguusap kami ng mga teammates ko nang may kumalabit sa akin.
"Saan ako?", tanong ni Luke.
"Ikaw bahala. Gusto mong mag song making?"
"I'm not good with words."
"But you can sing."
"Pwede bang dito ako?", tanong niya.
"Sige, upo na dali." Hindi kumportable 'yung mga kasama namin sa grupo. "Guys, focus tao lang din yan.", sabi ko.
"Kumpara sayo, tao talaga siya.", sabi nung isa kong kaklase. Everyday talaga nageevolve yung mga panlalait nila.
"Bakit niyo ba laging nilalait si Danielle?", tanong ni Luke. Tinignan ko siya at nilabi ang mga salitang "shut up."
"Napakamapagbiro talaga 'tong owner natin.", sabi ko. "Back to what I was saying, suggetst ko na gumamit tayo ng fruits like mango para magkaroon siya ng different taste."
Nagagree sila.
"Good job Danielle.", sabi Luke.
"Thank you.", sabi ko din.
Lumipas ang isang linggo at mukhang ready na ang lahat sa Nutrition Month, here we go!
BINABASA MO ANG
Another Nerdy Love Story(COMPLETED)
Teen FictionPaano ba makipagkaiban kung langit at lupa ang pagitan? Wala itong malditang nanay, wala rin itong bigayan ng pera para lumayo sa anak. Ito ay istorya ng dalawang taong magkaiba man, natutong makahanap ng totoong kaibigan sa isa't isa.