Elle's POV
Nagp-plantsa kami nang biglang nag-ring ang telepono. Dahil ako ang pinakamalapit sa telepono, sinagot ko 'yon.
"Thank you for calling Housekeeping Department, this is Elle. How may I help you?"
"I need two more clean towels. Please bring it to me now."
"What's your room number ma'am?"
"You don't know my room number? Are you new?" Tinignan ko sa telepono ang number, 1501, room ito ni Ms. Angelica. Oh no! "I'm sorry Ms. Angelica, we will be bringing up your towels now."
"Make it fast.", sabi niya at ibinaba ang telepono.
"Sabi sayo demonyo yan, ano daw kailangan?"
"Towels." Kumuha si ate Dy ng tuwalya at ibinato sa akin. "Ako po ang magdadala ate?"
"Oo, kaya mo na 'yan ayokong makita 'yon eh. Iaabot mo lang naman sakanya." Gusto kong umayaw pero wala naman akong karapatan. Hinila ko ang legs ko papuntang service elevator para makarating sa 15th floor kung saan ang room nila. Kumatok ako at nakayuko.
"Thanks." Kinuha ni Angelica ang tuwalya at isasara na sana ang pinto pero mukhang nakilala niya ako. "What the hell are you doing here?", tanong niya.
"I'm working ma'am." Tumawa siya. Nagpaalam ako at napagdesisyunang umuwi na pagkababa ko dahil alam kong it-torture niya ako.
"Hey, clean this.", tawag niya nang malapit na akong bumaba. Bumalik ako sa kwarto niya at tinitigan si angelica na itapon ang mushroom soup sa carpet floor at burger na tinapak-tapakan niya.
"For a moment ma'am, you may have your dinner at restaurant while we are cleaning your room.", sabi ko.
"No, I want to see how you clean our room. As the future owner of this hotel, I need to make sure that standards are followed. Tinawagan ko si ate Dy para magdala ng mga panlinis sa carpet dahil hindi naman ao trained to do that.
Nililinisan ko yung burger na tinapak tapakan ng bwisit na Angelicang yan. Wala akong magagawa kung hindi lumuhod pa ra linisin 'yon.
"Hey miss, leave that.", sabi ng isang mababang boses. May nakatayong lalake sa may pintuan na naka-polo, hawig siya ni Angelica. Eto ba si sir Kevin? "Did you not hear me? Stand up. Iwanan mo muna yan. " Sinunod ko siya, katakot eh. Mukhang matalino talaga!
"ANGELICA KATE SMITH!"- tumingin ako kay Angelica habang palayo dapat siya sa akin at parang nanigas ang buo niyang katawan. "I wondered what the hell are you up to again tapos ito ang makikita ko? Our workers are humans. You don't have the right to do that. You clean this by yourself."
"I'm gonna call mom."
"Then call her. Bahala kang maglinis ng sarili mong kwarto habang nandito ka.", sabi niya. "Miss, Elle, you're a part timer? Why are you still here?", tanong niya. Lagot na.
"I'm sorry sir, I volunteered to render overtime without pay."
"So does that mean I should thank you? You know that we don't allow part timers to do overtime. Who let you?"
"I'm sorry sir, it's my fault, I insisted. I will not do this again sir."
"Okay, you can go now.", umalis ako ng kwarto at huminga muna pagdating ko sa pintuan.
"Ugh, why are you here again by the way?"
"I'm an intern here now."
"You're an intern but you already act like you're the director. Hey."
"Sa tingin mo pag nalaman ni Dad na ganyan mo itrato ang mga workers natin makakabili ka pa ng mga gusto mo? Nakalimutan mo na ba yung nangyari doon sa party mo, baka gusto mong banggitin ko patin yung tungkol dun sa cook na inalis dahil sayo?"
"What do you want?", tanong ni Angelica.
"Nothing, I'm just checking on you. Tama ang hinala ko, may binu-bully ka nanaman." Nagtago ako sa isang corner hanggang sa makalabas si Sir Kevin. Narinig kong nagmumura si Angelica. Nakalimutan ko 'yung mga pinanlinis ko sa loob.
Sumilip ako at parang nasa CR si Angelica at dali-dali kong kinuha yung mga gamit. "What the are you still doing here?", tanong ni Angelica.
"Kinukuha ko lang po ito ma'am.", sabi ko.
"Are you happy na ikaw nanaman ang nanalo? I don't know what's with you that people always protect you." Lumapit siya sa akin at nabitawan ko ang mga hawak ko nang isinandal niya ako sa railings ng veranda. Hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso.
"Bitiwan mo ako!", sigaw ko.
"I'm gonna get your freaking life now!" Tumatawa siya at halos naka lean na ako at isang malakas na tulak nalang, mahuhulog na ako.
"Stop it Angelica! It's not worth it. "
"Oh yeah?" Hinila niya ang buhok ko at tumatawa pa rin siya. Hinila ko rin nag buhok niya habang ang isang kamay nakahawak sa railings para hindi ako mahulog.
"Get off me." Nakasandal pa rin 'yung almost half of the body ko sa railings. "Kung nabwisit ako at binitawan kita, patay ka. Pero hindi ko gagawin 'yon." Dahan dahan niya akong binitawan pero nakasandal pa rin ako sa railings. Nanginig ang katawan ko. Bakit kasi ang baba ng railings na 'to?!
"Ano bang ikinagagalit mo?!", sigaw ko.
"I just hate you." Tumalikod siya pero may naapakan siya kaya napasandal uli siya sa akin at ako naman tuluyang napasandal at napabaliktad sa railings. Nakahawak ako kaagad.
"Angelica! Help!" sumigaw si Angelica at nakita ko si ate Dy na nasa pintuan at sumigaw din. Nakahawak ako sa railings.
"Wait! hihingi ako ng tulong! Hang in there Elle!", sabi ni Angelica na naiiyak na.
"ANGELICA! Wait--"
"DANIELLE! HUMAWAK KA LANG!", tumakbo siya palayo at papunta naman sa akin si ate Dy para kunin ang kamay ko.
"Elle, hawakan mo kamay ko dali!" Hahawakan ko na sana nang biglang bumitaw ang isang kamay ko at hindi ko na naihawak ang kamay ko sa kamay niya.
Totoo pala, kapag mamamatay ka na, para kang naka slow motion at magpapakita ang buong buhay mo.
"Sorry ma."
BINABASA MO ANG
Another Nerdy Love Story(COMPLETED)
Teen FictionPaano ba makipagkaiban kung langit at lupa ang pagitan? Wala itong malditang nanay, wala rin itong bigayan ng pera para lumayo sa anak. Ito ay istorya ng dalawang taong magkaiba man, natutong makahanap ng totoong kaibigan sa isa't isa.