Elle's's POV
Nagsimula ang mga contests sa Nutrition Month celeberation. Nakuha ng section namin ang 1st place sa Salad Making at Poster Making at 2nd place naman sa Nutrition Month Song at Slogan making. Lahat lahat nakalikom kami ng 3000 pesos na cash prize.
"Pizza!", sigaw nilang lahat. Ginamit namin ang kalahati para sa meryenda ng lahat. Sa mga pagkakataong ganito, nagiging isa kami.
"Congratulations!", sabi ni Luke at niyakap ako. Nagulat ang lahat pati na ako, bakit niya ako niyakap?! Inalis niya ang pagkakayakap niya sa akin at niyakap din ang katabi ko, samantlang high five naman sa mga lalakin kaklase namin. Maya-maya pa, may dumating na pizza. Kakain na sana kami nang may dumating na mga tao at nagset-up na parang catering sa classroom. Nakanganga kaming lahat.
"Wow president, I didn't know na ganito pala kabongga ang kaya ng 1500?", tanong ng isang kaklase.
"No, hindi ako may gawa nito, hindi ako tumawa sakanila."
"Don't worry, it's on me.", sabi ni Luke. "Kain lang kayo, you deserve it guys." Nagbunyi ang buong klase samantalang hindi mapigilan ng ibang mga tao na tumingin sa room namin.
"Sana classmate din natin si Luke, napaka gara niya.", sabi nila. Nagsaya ang mga tao sa pagkain. Kahit mga mayayaman 'to at kayang bumili ng mga magagarang pagkain, ang cute pa rin na sobrang saya nila sa libre.
Lumabas ako para magbanya nang may nakita ako sa bulletin board.
Urgent Call for Part timers: Personal Assistant/Secretary to arrange paperworks and tutorials. Stay-in/Overnight during Weekends. Php. 5000 per weekend (2 days, 1 night). If interested, please submit your resume to your advisers.
Naexcite ako bigla. Ang laki ng 5000! Part time lang ba 'to?! Agad agad kong kinuha ang tinatago kong folder ng mga resume ko sa bag at tumakbo papuntang faculty room. Nagkakape si Maam Sam sa mesa niya.
"Oh Miss Elle, bakit?"
"Ma'am, magssubmit po ako doon sa part time job na nakapost sa bulletin board.", sabi ko.
"Ang bilis mo naman, kakapost lang namin 'yun ah. Sige, akin na resume mo." Kinuha niya iyon sa akin at tinignan. "Sure ka ba? Wala ka sa bahay niyo ng weekend?"
"Mas gusto ko po maam." Kailangan kong makaipong na mabilis para as soon as may trabaho na ako, pwede na akong umalis sa bahay.
"Hindi ko pa pwede munang sabihin kung sino ang naghahanap pero titira ka sa bahay nila sa weekend. Pumunta ka sa Saturday dito sa school ng 10 AM, magdamit ka ng smart casual."
"Okay ma'am, thank you po." Akala ko kaunti lang ang magaapply dahil puro naman mayayaman ang mga nasa school na 'to. Pero laking gulat ko na maliban sa mga scholar na katulad ko, marami ring nandito na may kaya. Pati si Angel?
"You need a job?", tanong ko sakanya.
"Yeah why? Kayo lang ba ang may karapatang maghanap ng part time job?" Hindi ko na siya sinagot at pumunta sa dulo ng pila.
"Uy, sabi nila sila Ms. Gen daw naghahanap ah, kaya ganyan kalaki ang sahod. Personal Secretary kaya ni Luke? Ohmygosh.", sabi nung isang aplikante. Sila Luke ang naghahanap?! Pumunta ako sa gilid at tinawagan si Luke.
"Yow.", sagot niya. "Sup?"
"What are you a rapper? Anyway, bakit hindi mo sa akin sinabi na kayo ang naghahanap ng Personal Assistant?", tanong ko.
"Oh, that? Nag-apply ka don?", tanong niya. "You're aware that that's kind of a whole weekend right? Actually I didn't bother telling it to you kasi alam kong magaapply ka. Magpahinga ka naman."
"So kayo nga talaga?"
"Oo, mom needs extra help at home with all the family files. Its purely segregating and shredding hundreds of boxes of files. Nakakapgod 'yon. I suggest huwag ka nang mag-apply."
"Really? Ganoon lang ang gagawin? Napakaganda kasing pakinggan ang Personal Secretary."
"Huwag ka nang mag-apply, mapapagod ka lang.", sabi ni Luke.
"I need the money.",sabi ko.
"Okay fine, basta binalaan na kita.", sabi niya at ibinaba ang telepono. Feeling ko naman may edge ako dahil kilala na ako nila Tita Gen.
"Ms. Andres?" Turn ko na!
"Please state your name and why you want to apply.", sabi ni Sir Ram.
"I am Danielle Andres, you can call me Elle. I'm 17 years old, top of my class. I am a scholar in this school. I am actually undergoing tutorials with Mr. Luke Reyes so I already met Maam Gen. Whatever task included in this job, I will do my best to accomplish it."
"Why do you need a job Ms. Andres?"
"Unlike other students here in this school, my family is not well-off, my mother is a market vendor and my father already died when I was 9 years old."
"But its says here in your student profile that you mother remarried and you step father is a Seaman?"
"Yes sir, but my mother and my stepfather has other expenses especially we have an addition to our family."
"Is your mother pregnant?"
"No po, my stepfather brought home his son from another woman.", sabi ko at ngumiti. Hindi sila nakapagsalita. "I want to work because I want to be independent as soon as I graduated from college, and as early as now, I want to save money."
"Will this job not be a hindrance to your studies?"
"No, I've already done a lot of part time jobs but it never made a dent in my school records. I am still consistently the first rank in my section as well in my batch.", sabi ko. Napatango sila.
"That's all Ms. Andres, thank you for applying. We will call you if you are hired for the job."
"Thank you.", sabi ko at lumabas ng interview room. Mga fifty to sixty pa siguro ang nag-aaply, kung talagang manual work ang gagawin, sigurado akong bibigay 'tong mga maaarteng 'to.
Dumating ang monday at ipinatawag ako sa Principal's office.
"Ms. Andres, what I will be telling you is confidential information. You were chosen by Ms.Gen to be her part timer, however, you cannot disclose this with anyone. We will also hide your identity for your protection.
"Why?", tanong ko.
"Apparently, the school directly received many calls from the parents of the students who applied. They found out that the part-time job will be at their house. Since the files are confidential as well, parang maraming other intentions ang mga batang to. That's why since Ms. Gen trusts you, she personally called Sir Ram when she learned that you will be applying."
"I see, sabi ko."
"On Saturday, please proceed to their house with your guardian. Since you are a minor, Ms. Gen will talk to your mother to sign a consent waiver and also to let her feel that you are safe in their house.", sabi ni sir Sir.
"Thank you po.", sabi ko at umalis matapos sabihin sa akin lahat ng instructions. Isa nalang ang problema ko, kung paano ako papayagan ni mama.
BINABASA MO ANG
Another Nerdy Love Story(COMPLETED)
Teen FictionPaano ba makipagkaiban kung langit at lupa ang pagitan? Wala itong malditang nanay, wala rin itong bigayan ng pera para lumayo sa anak. Ito ay istorya ng dalawang taong magkaiba man, natutong makahanap ng totoong kaibigan sa isa't isa.