01

10 2 0
                                    

SELENOTROPISM: TUGON MULA SA BUWAN
By: Siekeexine


Pagmasdan mo ang magandang kalangitan
At damhin ang kagandahan ng buwan
Hatid nito ay kaliwanagan
Sa napaka dilim na kalawakan.

Tila ito'y pag hampas ng mga alon
Kasing ganda ng pag huni ng ibon
Tulad ng bahaghari ito'y nakabibighani
Ito'y walang sinumang pilipili.

Simula nang dumating ka
Buhay ko ay bigla nalang nag-iba
Hindi mawari ang aking nadarama
Ikaw ba ay iniibig ko na?

Maraming tanong sa aking isip
Subalit ni isang sagot ay wala akong mahagip
Sinubukang pigilan ang nararamdaman
Ngunit sa hindi inaasahan ako'y napaibig na ng tuluyan.

Sa bawat pag ning-ning ko
Ikaw ang dahilan nito
Pakinggan ang pintig ng aking puso
Sinisigaw ay ang pangalan mo.

Mula sa aking kinalalagyan
Kalangitan ay pinagma-masdan
Dasal ng puso sa kabilang panig
Sa iisang buwan tayo ay tumitig

Subalit bakit tulad ng isang buwan
Ika'y hanggang tingin ko nalang?
Katulad ka din ng kumikinang na bituin
Napaka ganda ngunit ang hirap abutin.

Ang pag silay ng araw
Ay siya ring paglisan ng buwan
Puso ko'y patuloy pa'rin sa pag pintig
Habang sa langit nakatitig.

Alam kong ako'y wala ng pag-asa
Ngunit eto at patuloy pa'ring uma-asa
Na baka isang araw ay magising ka
Na sa akin ika'y may pag tingin na

Mahirap mang paniwalaan
Pero walang dahilan upang ika'y aking bitawan
Kahit pa puso ay masasaktan
Tulad ng isang buwan sa tabi mo ako'y hindi lilisan.

Sa oras ng iyong kalungkutan
Ang buwan ay iyo lamang titigan
At mula dito sa malayo
Ako'y susuporta sayo.

Unti unting tatanggapin
Na hindi ka talaga para sa akin
Subalit hindi ko pipigilan ang aking damdamin
At patuloy pa'rin kitang iibigin.

Hindi man ako ang para sa iyo
Ituturing parin kitang buwan ko
Kahit dumating man ang bituin mo
Na balang araw ay mag papasaya sayo.

Recueil de poésieWhere stories live. Discover now