06

7 2 0
                                    

BAKIT?
By: siekeexine


Limang letra

Dala ang mga tanong na hindi makitaan ng sagot
Mga tanong na sa akin ay sakit ang dulot
Mga tanong na ikaw lamang ang makasasagot.

Bakit ang dali sa iyong iwasan ako?
Nang aminim ko sa'yong ikaw ang gusto ko
Hindi ako umaasa ng magandang sagot mula sa'yo
Ngunit mas hindi ko inaasahan ang biglaang pag iwas mo.

Sa bawat araw na ikaw ay aking nakikita
Ako ay bigla nalang nakakaramdam ng kakaiba
Puso ay dumadagundong sa kaba
Habang nakatingin ng diretso sa iyong mga mata.

Ngunit... bakit sa'kin ay hindi mo magawang tumingin?
Na kahit isang segundong sulyap ay hirap kang gawin
Pati mga mata mo ay hirap din akong hulihin
Ganoon ba ako kahirap bigyan ng pansin?

Bakit sa tuwing ika'y aking masasalubong
Mga paa mo ay bigla nalang uurong?
Tatahakin ang ibang direksyon
Gagawin ang lahat maiwasan lang na magkasalubong sa lugar na iyon.

Buong lakas kong sinusubukang kausapin ka
Ngunit sa bibig ko ay walang lumalabas na mga salita
Nag aalangan kung itutuloy ko pa ba, iniisip kung kakausapin pa ba kita
Huwag nalang siguro, dahil kawalan ng interes ang sa mukha mo ay aking nakikita.

Sinta, malinaw na sa akin na wala talaga akong pag-asa sa iyo
Hindi ko lang maintindihan kung ano pa ba ang ipinaglalaban ko
Ang tanga ko lang dahil hinahayaan ko na masaktan ako ng todo
Inakala ko kasing baka may patutunguhuan itong nararamdaman ko para sa iyo
Subalit nagkamali ako, dahil sa huli ay butas sa puso parin ang nakuha ko.

Siguro nga tama sila, ang sumugal sa ganitong laro ay napaka delikado
Dahil walang kasiguraduhan kung ako ba ay mananalo
Ang sakit sa dib-dib ko ay magiging doble
Dahil kahit saang anggulo tingnan palaging lamang ang imposible.

Ngunit kahit ganito man ang mga nangyayari
Walang palya, ako ay patuloy mo paring napapangiti
Para sa iyo ay susubukan ko paring humawak ng mahigpit
Kahit minsan ay ramdam ko na ang kakaibang sakit.

Sinta, hindi mo na kailangang sayangin ang oras mo
Dahil sa mga kilos mo palang ay alam ko na ang nais iparating ng damdamin  mo
Kung kaya't malinaw na sa akin ang sagot sa mga katanungan kong ito
Kung bakit iba ang tinitingnan mo?
Kung bakit ang dali sa iyong iwasan ako?
Kung bakit hindi ako makita ng mga mata mo?
At kung bakit hirap kang pansinin man lang ako?

Isa lang ang sagot sa mga ito
Iyon ay dahil may ibang itinitibok ang iyong puso... at iyon ay hindi ako.

Recueil de poésieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon