03

9 2 0
                                    

PANAGINIP
By: siekeexine

Ito ang maganda sa aking buhay
Ang makasama ka mahal sa aking pagninilay-nilay
Habang sa akin ika'y naka akbay
Naka-upo ng magka hawak ang ating mga kamay.

Sa palitan ng ating mga matatamis na ngiti
Aking dinadama ang bawat natitirang sandali
Isip man ay hindi ko na mawari
Pangako, sa tabi mo ako ay mananatili

Ngunit sa oras na ito ay batid ko mahal
Na ang ating pagsasama ay hindi na magtatagal
Habang ika'y aking iniisip
Dibdib ko ay tila sumisikip

Nang buwan sa langit ay lumitaw
Mula sa malayo ikaw ay tinatanaw
Habang pinagmamasdan ngiti mong nakakatunaw
Kasabay nito ay ang pagmulat ko sa mundong ibabaw

Mahal, sa panaginip ko ako'y nagising na
Ikinalulungkot ko na ika'y di ko na makakasama
Dahil ang araw ay tumirik na
Pahiwatig ng isang bagong umaga
Ng hindi kana na naman kasama.

Sa pag bangon ko
Kasabay nito ay ang pagtulo ng mga luha ko
Taglay ang sakit na bumalot agad sa aking puso
Mga tanong na sa utak ko ay nabubuo

Bakit sa ganitong paraan pa tayo nag tatagpo?
Sa panaginip at hindi sa totoong mundo
Tadhana ay tila ba nag lalaro
Laro na kung saan ako na naman ang talo

Katotohanan ay agad sumampal sa akin
Na sa panaginip mo lang ako kayang ibigin
Na sa panaginip mo lang ako kayang tapunan ng tingin
Ngunit hindi ko talaga mawari ang aking damdamin
Sapagkat sa reyalidad ay patuloy parin kitang iibigin

Mahal... Makinig ka sa mga sasabihin ko
Na kahit nasaang panaginip pa tayo
Malayo man tayo sa totoong mundo
Malabo mang magkaroon ng tayo

Tandaan mo, ikaw parin ang iibigin ko
At kahit nasaang sulok ka pa ng imahinasyon ko
Sisiguraduhin kong tayo ay magtatagpo
Iyan ang aking maipa-pangako.

Recueil de poésieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon