Chapter 7

12.7K 333 2
                                    

It's been 1 month but what Drake's said about us 'having a child' is still running through my mind.

So, to get myself distracted. I focus more teaching this cute little pupils!

Sobrang laki ng improvement nila! They're more energetic, friendly, smarter than the last time I went here. No one's bullying each other and that's what I'm happy about.

I get more interested teaching this kids kasi sa una mafe-feel mo na baka hindi sila sumunod, baka hindi sila making, kaya ko ba?, quit nalang ako?. But, when you get closer to them. Doon mo makikita na they're doing their best to study; they're making you feel you're not alone. Even though sometimes they're naughty, they're kind too.

About kay Stephery. I told the Head of school about that. She said that they will give Stephery a scholarship. Me and Drake also helped their family. We gave them money so they can rebuild their business.

Nabalik lang ako sa reyalidad nang tawagin ako ng estudyante ko.

"Teacher!" Tawag ni Jake.

"Yes po?" Tanong ko.

"Pag na perfect po ba namin yung mga sasagutan. Hindi lang po star yung makukuha namin?" Tanong niya.

"Yes naman po, hindi lang star ang makukuha niyo. Tataas ang grades niyo at magiging honor students po kayo. Pag nangyari yon, matutuwa po ang mga parents niyo." Paliwanag ko sa kaniya.

"Ok po, mas gagalingan ko na po!" Masiglang sabi niya.

"Ako din po!"

"Ako din po!"

"Ako din po!"

"Ako din po!"

"Ako din po!" sabay sabay at diterminadong na sabi nila.

"Malapit na mag-uwian tapos na ba kayong lahat?" Tanong ko.

"Opo!" Sagot naman nilang lahat.

"Ilagay niyo na rito ang mga notebook niyo. Bukas niyo ulit 'to makukuha. Yung assignment niyo po, ha. 'Wag niyo pong kakalimutang sagutan, bukas po natin che-check-an 'yan." Bilin ko sa kanila.

Nilagay naman nila 'yon sa desk ko.

"O nag bell na. Goodbye kids, see you tomorrow!" Sabi ko sa kanila at kinaway ko ang aking kamay.

Nagulat ako dahil isa-isa silang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti sa tuwa.

"Bye bye po, teacher!" Paalam nilang lahat sa akin.

"Hello po, teacher!" Bati nung nasa pintuan. Bakit parang familiar?

"Hello," bati ko rin, hindi parin nalingon.

Nung lumapit siya ay naamoy ko ang pamilyar na pabangong iyon.

Why does he smelled familiar to me?

"Eyy, seryoso si teacher, ah." sabi niya.

Doon ko lang siya nilingon. Ay, siya yung batang inalagaan ko dati!

Yung nakaihi sa higaan nung five years old palang siya tapos naiyak 'pag iniwang natae mag-isa sa CR.

Si Driko!

"Ba't nandito ang batang iyakin?" Tanong ko sabay pisil sa pisngi niya.

Ang laki niya na talaga. Mana sa kuya.

"Aray, ate!" Daing niya.

"Sinong iyakin? FYI, ate hindi na ako iyakin." Mayabang na sabi niya.

"Nagtext si kuya. Hindi daw siya makakauwi agad kaya ako yung pinasundo sayo." Sabi niya.

"Ay, ang sweet naman ng bebe Driko na 'yan. Nasunod sa kuya." Sabi ko.

"May last pang sinabi." Sabi niya.

"Ano daw?" Tanong ko.

"Pag hindi daw kita sinundo.. Ipapa-tira niya daw ako kina Lola." Sabi niya.

Natawa naman ako. Yung Lola nila may pagka strikta, eh. Hindi uso sa kan'ya ang mga pahayahay ang buhay, dapat nakilos sa bahay.

"Kaya pala sinundo mo ako." natatawang sabi ko.

"Wala bang sama ng loob na kasama 'yang pagsundo mo sa akin?" Tanong ko.

"Slight," sabi niya sabay pakita ng slight gesture sa kamay niya.

"Ah.." tumango-tango ako.

"May sama ng loob pala.. Sige uwi ka nalang kila Lola." Sabi ko. Sumimangot naman siya.

"Joke lang. Tara na nga." Medyo naiinis na sabi niya.

Para siyang dagang galit, charot.

Inayos ko na ang gamit ko. Pagkatapos no'n ay kinuha niya.

"Ang bait, ah." Puri ko sa kanya.

"Hindi ka dapat nagbubuhat ng medyo mabigat baka 'di kana tumangkad." Sabi niya.

"A-anong.. Sige, papaayos ko na yung mga gamit mo. Ako na maghahatid sa'yo kina Lola." Banta ko sa kaniya.

"Joke lang naman, ate eh." Nagpo-protesta niyang sabi.

"Walang joke-joke dito." Masungit na sabi ko.

Tumahimik naman siya na nagmaneho. Ayaw na ayaw niya kase talagang na kina Lola siya. 'It feels like hell' daw kasi. Hindi ka daw makakaupo agad kapag hindi mo pa tapos ang paglilinis ng buong bahay kahit may maids naman.

Pagkauwi namin sa bahay ay nilagay ko na sa taas ang mga gamit ko at nagbihis na bago bumaba.

"Ba't may mga gamit kang dala?" Tanong ko. May dalawang maleta kasi siyang dala.

"Dito na ako titira, ate. Pinalayas na ako sa amin." Madramang sabi niya. Tumawa naman ako.

"Anong nakakatawa?" Tanong niya.

"Hindi na yata nila kaya yang pagiging makulit mo kaya ka pinalayas. Buti nga sayo." Sabi ko.

"Ate, joke lang!" Sabi niya.

"Ayan arte pa." Sabi ko.

Pumunta naman ako sa kusina para magluto na ng hapunan namin.

Paborito nung dalawa ang sinigang na baboy kaya ayon ang niluto ko. Nang malapit na maluto ay narinig kong may pumasok.

Hindi ko na lang pinansin. Pero ilang minuto ang lumipas, naramdaman ko na may yumakap sa likod ko.

"Good evening, love." Bati niya.

"Good evening," Bati ko rin.

"Magbibihis ka na do'n at kakain na tayo." Sabi ko. Tumango naman siya at hinalikan ako sa pisngi.

"Ahem. Pasintabi ho maawa naman kayo.. may single dito, oh." Sabi ni Driko habang hawak ang dibdib niya.

Tinarayan ko naman siya bago pinatay yung kalan.

Naghain na ako ng mga plato, kanina at ulam. Siyempre kasama na yung mga kutsara't tinidor pati sandok.

Pagbaba ni Drake ay kumain na kami.
____________________________________________________
__

Thank you @MakristinaElbao for reading my story!

Votes and positive comments are highly appreciated! Thanks for reading this chapter<33

My Serious Teacher Is My Clingy Husband [COMPLETED]Where stories live. Discover now