Chapter 2

3.7K 146 5
                                    

Athena's POV

Nagising ang diwa ko pero nanatiling pikit ang mata ko dahil sa narinig na tumutunog na palagi ko na ring naririnig.

Nandito ako sa hospital.

Pero..ang ibig sabihin buhay pa ako? Hay..what a relief. Pero nasaan na ang libro ko? Nakuha kaya nila? Hindi puwedeng mawala 'yon sa 'kin dahil espesyal ang libro na 'yon para sa 'kin!

"Dad..g-gumalaw ang kamay ni Dalia.." Dinig kong sabi ng isang babae na halatang nasa tabi ko lang nakaupo dahil sa lakas ng boses niya.

Dalia? Dalia Sophien Martinez? Joke, hay..dahil sa ka-adikan ko sa librong binabasa ko napagkamalan ko pang si Dalia Martinez, 'yung bidang babae galing sa librong paborito ko ang sinabihan kanina ng babae na dalia.

Pero..bakit hindi ko magalaw ang buong katawan ko? Bakit--

"Dalia!" Bulalas ng babae na nasa tabi ko nga, nakakapagtaka pa dahil parang may sariling utak ang mga mata ko para dumilat.

"Dalia, anak. Are you okay?" Mukha ng lalaking na halatang ka-edad ni Daddy ang sumalubong sa mukha ko pagkabukas ko ng mata.

Sino ba sila? Hindi ko po kayo kilala hindi ako si Dalia!

"A-athena.." Pahirapan ko pang nasabi, ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko.

"A-ano anak?" Tanong ng babae. Pumikit ako bago ulit magsalita.

"A-athena.." Ang pangalan ko! Gusto ko pang sabihin sa kanila 'yan pero kulang yata ang lakas ko.

Nagtaka ang babae bago lumingon sa lalaking nakatingin sa 'kin nang may pag-aalalang mukha. "Dad! Tumawag ka na ng Doctor!" Saglit pang sumulyap sa 'kin ang lalaki bago tumakbo papalabas.

"Who's Athena, anak?" Malumanay at para bang mangiyak-ngiyak na tanong ng babae sabay hawak sa kamay ko. "I'm so happy na nagising ka anak ko, akala ko..akala ko mawawala ka sa akin, sa amin ng Daddy mo. Thank you for waking up, anak."

Hindi nga po ako si Dalia! Nababaliw na ba sila? Asan sila Mommy? Sila Daddy? Bakit nila ako iniwan mag-isa?! May nakapasok yatang mga baliw at napagkamalan pa nilang ako ang anak nilang si Dalia!

Maya-maya pa ay may nakita akong mga Doctor na pumasok sa pinto, kasunod sila Daddy at dalawang babaeng nurse.

Gusto ko pang mapapikit dahil inilawan ng Doctor ang pareho kong mata dahilan para mapapikit-pikit ako nang matapos.

"She's stable now, bumalik na rin sa normal ang blood pressure niya. Nakakamanghang isipin na kahit maraming nawalang dugo sa kaniya pero ayos na ayos na siya. But still, kailangan niya pa ng pahinga." Sabi ng Doctor sa harapan ko.

Huh? Anong dugo? Sa pagkakaalam ko sa tubig ako naaksidente..hindi kaya kinagat ako ng mga halimaw galing sa dagat?

"Stay here muna anak." Sabi ng babae sabay haplos sa buhok ko bago sila lumabas ng lalaki kasama ang Doctor at ang isang nurse.

Sinubukan kong itaas ang kamay ko para tawagin ang babaeng nurse na ngayon ay inaayos ang dextrose na nakakabit sa akin.

"A-asan po..sila..Mommy.." Halos maubusan na ng hangin ko sa kaniyang tanong. Ngumiti siya sa 'kin, isang magandang ngiti na nakakahawang tingnan.

Into the Other World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon