Chapter 25

1.1K 69 18
                                    

Athena's POV

Gustong sumabog ng puso ko dahil sa saya habang pinagmamasdan ang masigla at buhay na buhay na amusement park na nasa harapan ko.

"Wow! Namiss ko rito!" Wala sa sariling usal ko bago maglakad-lakad at patingin-tingin sa booth na nadadaanan. Naramdam ko naman ang pagsunod sa 'kin ni Xavier.

"Xavier, gusto ko no'n!" Palahaw ko sabay turo sa cute na teddy bear na nakitang nakadisplay sa booth. Sumulyap ako kay Xavier na ngayon ay seryosong nakatingin sa 'kin, akala ko pa'y hindi niya gagawin pero mabilis siyang lumakad patungo sa booth na 'yon dahilan para mapalakpak ako sa tuwa.

"Dude, give me one." Aniya sa lalaki sabay senyas ng isa, tumango ang lalaki pero ganoon na lang ang pagtataka ko nang makitang isang bala lang ang kinuha niya.

"Sira ba ulo mo? Bakit isa lang eh kailangan sampu ang mapatumba!"

Lumingon siya sa 'kin sabay turo sa golden army toy na nasa dulo sakto ring pinaandar 'yon ng lalaki kaya gumalaw-galaw 'to.

"No need, kung mapapatumba mo 'yon." Aniya sabay turo sa laruang dapat patumbahin na panay rin ang galaw.

Kunot noo akong sumulyap kay Xavier na ngayon ay inaasinta na ang target. Ngayon ko lang naalala na nag-e-airsoft pala siya.

Ilang segundo pa ang lumipas bago niya kinalabit ang gatilyo ng laruang baril, animo'y nag-slow motion ang bala sa ere ngunit mabilis namilog ang mata ko nang makitang naasinta niya ang target.

"Wow.." Manghang sabi ko sabay tingin sa kaniya na bakas pa ang pagyayabang sa mukha, nakita ko pang hinipan niya kunwari ang ulo ng baril.

Ayos lang pala na magyabang siya, kung may ipagyayabang naman talaga.

"Pili na." Taas noo pa niyang sinabi sa 'kin, gusto ko pang mapangiwi dahil sa nag-uumapaw niyang kahanginan bago ituro sa lalaking nagbabantay sa booth ang teddy bear na kanina ko pa gustong makuha.

"Salamat po."

Pinakatitigan ko ang teddy bear na kulay pink, hindi ko pa mapigilang mapangiti at mapayakap dito.

"Parang bata." Komento ng isa, mabilis ko naman siyang sinundan nang makitang naglalakad na siya palayo. Habang hawak ang teddy bear ay siya namang pag-gala ng mata ko at naghanap ng puwedeng pagdiskitahan.

Ano bang puwede? Gusto ko sakyan 'yong mga rides na hindi puwede sa' kin sa real world.

Mabilis akong napahinto nang makita ang bump car, parang may nagtutulak sa 'king sumakay roon kaya tuwang-tuwa kong hinagilap si Xavier.

"Xavier!" Tawag ko, mabilis naman siyang tumingin sa 'kin kaya malaki ang ngiti kong tinuro ang bump car na nagpakunot sa noo niya.

"What?"

Ngumuso ako. "Gusto ko sumakay roon!"

Parang nandidiri pa siya dahil sa nakikita kaya akala ko nanaman aayaw pa siya pero bago siya tumango ay nagpakawala ang demuho ng malalim na buntong hininga.

"Careful, Dalia."

Ilang minuto pa ang hinintay namin bago tuluyang makapasok, mabilis akong naghanap ng bakanteng kotse kotsehan bago sumakay roon. Sumulyap ako kay Xavier na nakasakay na rin gaya ko kaya mabilis lumitaw ang ngisi sa labi ko.

"Hayaaaa!!" Sigaw ko bago paandarin ang bump car, nanlaki pa ang mata niya at nagpapanik na iniwas ang kotse niya dahilan para matawa ako ng sobra.

Into the Other World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon